"Cornell. . ." Palapit nang palapit ay mas nagiging malinaw sa akin ang mga halinghing na naririnig. It was as if someone was desperate to get what she wants. "Please. . ."
Hindi ko halos masundan ang puso ko sa sarili nitong ritmo sa pagtunog. Nanghihina akong napasandal sa dingding. Gusto kong takpan ang sarili kong tainga pero hindi ko magawa. Dahil doon ay parang napakalakas na musika ang pumapasok rito. Mas malakas pa sa pagtibok ng puso ko ang mga ungol nila.
Rinig na rinig ko mula sa labas ng kwarto ni Cornell ang lahat, ang pagkakalampagan ng mga gamit, ang ingay ng kama pati na ang mga sigaw. . . hindi dahil sa sakit kundi dahil sa sarap. Hindi siya pwedeng magkamali.
Nanginginig ang mga kamay ko nang buksan ko ang cellphone, mabilis kong hinanap ang numero ni Cornell at tinawagan iyon. Ilang sandali pa, nakarinig siya ng ring mula sa kwartong iyon kasabay ng pagtigil ng dalawa sa kung ano man ang ginagawa.
"s**t! Your wife knows where to– f**k!" Kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali — lalo na ngayon.
Hindi ko alam ang uunahing isipin. Ayaw ko pa ngang maniwala. Cornell is — was a perfect man in my mind. Siya iyong tipo ng taong hinding-hindi ko inakalang gagaguhin ako.
When I suggested for a surrogate mother, he refuses. As if he's considering it an infidelity pero ano 'to? Tinanggihan niya ang alok ko na makipagsex isang surrogate mother dahil iba naman pala ang gusto niyang matikman?
"Honey. . ." Halatang-halata sa boses nito ang hingal. Napapikit na lang ako noong biglang punasok sa isip ko ang ginagawa nila sa loob ng kwartong katapat ko ngayon.
Napakarami kong pagkakataon na itulak, sipain o buksan ang pintong nasa harapan ko lang pero hindi ko magawa. Hindi ko maaatim dahil hindi ko gusto halos paniwalaan.
"You going home?"
Bahagya akong lumayo sa pinto, nang sa gayon ay hindi nito maririnig sa loob ang sasabihin ko. Ginusto kong huwag na lang niya malaman ang totoo. "Pwede mo ba akong sunduin dito coffee shop na katabi lang ng opisina? Tina seems so tired, ayoko na mang-istorbo. May ginagawa ka ba?"
Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone na katabi lang ng tainga.
"Kakagising ko lang, actually. Susunduin kita. I'll be there in a few minutes."
Madali kong pinutol ang tawag at naghanda sa paglabas sa bahay na iyon. Sa paglabas, rinig na rinig ko pa ang dismayadong pagsigaw ng babae pati na ang pangako ng asawa kong magkikita sila sa apartment nito kinabukasan.
Mabilis akong nagpara ng taxi at nagpahatid sa coffee shop na sinabi ko sa asawa.
Hindi ko maintindihan. Gusto kong tawanan nang tawanan ang sarili.
"What just happened?" bulong ko. Ang bilis, parang panaginip. Hindi ko alam kung saan ko sisimulang maniwala.
Napakadilim na ng paligid at tanging street lights at ilaw mula sa iilang establishment na lang ang mayroon. Kakaonti na lang rin ang tao noong nakapasok ako sa coffee shop. Minabuti kong mag-order ng paborito kong kape. Kaya lang, iba ang pagkiramdam ko ngayon. Hindi iyon magaan. Para akong may pasang napakabigat na bagay sa likuran ko at walang makakaalis.
Ilang minuto lang pagkatapos kong makarating ay nakita ko na ang asawa. Ano kaya ang nangyari sa dalawa? Paano kaya nito natago o napaalis ang babaeng kidira niya?
Kailan pa kaya ito nagsimula? Kailan pa niya sinimulang lokohin ako?
"Honey," bati nito sa akin na agad akong hinalikan sa pisngi. That lips. . . sobra akong nandidiri sa mga labing iyon.
Sinubukan kong ngitian siya at nagtagumpay ako. Hindi ko na siya hinayaang makaupo. Madali akong tumayo at nagtungo palabas ng shop na iyon kaya madali rin siyang sumunod.
"Are you tired? Kumain ka na ba?" Marami oa siyang sumunod na tanong pero nagmistula akong bingi. I can't even look at him in the eye. Hindi ko maatim na hinahawakan niya ako at iginiya papasok ng sasakyan niyang maaaring ginamit rin nila sa pagtatalik ng babae niya.
Everything about him disgust me. Pinandidirihan ko pati na ang hibla ng buhok niya pero umaasa pa rin akong lalapit siya sa akin at sasabihing panaginip lang ang lahat.
"Fely, what's the problem–"
"Do you love me?" tahasan kong tanong. Bahagya siyang natigilan, halatang nagulat sa biglaan kong pagtatanong.
"Anong klaseng tanong 'yan, Felicity? Of course, I love you!" Isa.
Patawa-tawa niya akong hinarap, pagkatapos ay ginulo ang buhok ko nang bahagya. Gusto kong itulak ang mga kamay niya palayo pero hindi ko magawa. Nanghihina ako sa dere-deretsong pagsakit ng dibdib.
"Anong naiisip ng asawa ko tonight? Were you anxious earlier? Andito na ako, oh!" Dalawa.
Nanatili akong tahimik at nahalata iyon ni Cornell kaya mabilis niyang iginilid at inihinto ang sasakyan. Hinarap ako nito at sana mariing tiningnan, mata sa mata. Paano niya nasisikmurang gawin 'yan?
Paano niya nakakayang maiparamdam sa aking mahal niya ako kung may ibang babae naman siyang kinakama?
"Hon, look at me." I did tried my best to look into his eyes as well. "You are the most amazing woman in the world. I can't just stop loving this beautiful lady." Tatlo.
"Are you thinking about the surrogate mother-thingy? Sinabi ko na sa'yo, 'di ba? I don't need anything else for as long as I have you." Apat.
"Cheer up na, Fely. Please?" Mahina niyang pinisil ang pisngi ko. "How about we go for a short walk dyan sa Triangle? For sure it will help my wifey relax. We will help you relax."
Bumuntong-hininga muli ito nang mapansing hindi ko pa rin nasusundan ang mga sinabi niya. "Fely naman. This is making me sad. Can you smile for me now? Ayaw kitang nakikitang malungkot, hmm?" Lima.
Tahimik niyang hinaplos haplos ang pisngi ko, pagkatapos ay dahan-dahang inilapit ang mga labi sa akin bago tuluyang ipinikit ang mga mata.
"Let's go home. I need some rest."
Hindi ko hinayaang matuloy ang halik na iyon. Nang magmulat ito ng mga mata ay siguradong-sigurado ako sa nakita kong bumalatay rito — pain.
Pain that he fakes. Pinepeke niya para paniwalain ako. Para tarantaduhin ako! Sa puntong iyon, gusto ko magwala. Gusto kong manumbat, gusto kong saktan siya sa mga salita. Gusto kong gumanti. Gusto kong umalis at tumakbo.
Pero kahit saan sa mga gusto kong iyon, wala akong nagawa. At the end of the day, I am the weakest girl in town.
"Alright, sweetie, we'll go home. I'll be with your side when you sleep, promise."