Apat

1148 Words
Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong bumuntong-hininga bago bumaba ng sasakyan. Katulad ng plano, pagkaalis namin sa opisina ay kaagad naming tinungo ang lugar. Maliit lang iyon pero kitang-kita nilang naaalagaan ang opisinang naroon. Ayon kay Tina, dati raw iyong paanakan pero dahil nagkasakit ang doktora ay kaagad na natigil. Naghirap ang pamilya pati na ang anak noon. Ang anak ng doktora ang siyang haharap sakanila ngayon. Iyon ang lalapitan nila bilang isang surrogate mother kapalit ng malaking halaga. Nanginginig ang mga kamay ko nang hawakan iyon ni Tina. "Napakalaki ng isasakripisyo mo rito. Natatakot din ako pero kung ito 'yung gusto mo at makakapagpakalma sa'yo, susuportahan kita." Maluha-luha ako sa sinabing iyon ng kaibigan. Mabuti na lang at agad naming narating ang maliit na pintong naroon. Ilang beses kaming kumatok pero wala ni isang nagbukas doon. "Andito ba talaga siya?" tanong ko agad nang mapansin ang matagal na pagsagot ng babaeng inaasahan naming nakatira roon. "Oo, Fel. Tinawagan ko pa lang siya kanina–" Nanlaki ang mata namin nang makita ang awang sa maliit na pintong naroon. "–hala bukas!" Hindi ko na inisip na maaaring kabastusan ang ginawa namin. Agad akong pumasok sa lugat at hinanap ang babaeng nakausap ni Tina sa telepono. Ilang minuto lang nang madatnan namin ang babaeng walang malay na nasa sahig ng nakabukas na kwarto. "Miss!" Nilusaw kami ng pagpapanic. Ni hindi ni Tina maiayos ang pagsasalita nang maisipan niyang tumawag ng ambulansya. Hindi naman namin masasabi na nilooban ang bagay dahil hindi naman nagkaroon ng struggle wounds sa biktima. Malaki ang posibilidad na nawalan lang ito ng malay. Nang dumating ang ambulansya ay saka rin ang pagsakay naming dalawa sa kotseng ginamit at sinundan iyon. Kalahating akong nag-aalala sa babae at kalahating nangingibabaw ang kagustuhan kong malaman ang impormasyon nito sa pagiging surrogate mother nito. Sa loob ng kotse ay agad konh tinawagan ang asawa. Mag-aalas siete pa lang naman pero gusto ko nang sabihan itong maaaring magabihan ako sa pag-uwi. "Nell," sambit ko nang masagot agad nito ang tawag. Tahimik ang background noon kaya inisip kong nasa opisina niya pa rin ito. "Honey, why? May problema ba?" Bahagya akong napangiti. He really knows me better. "Wala naman pero baka gabi na ako makauwi. I'm with Tina naman. Papahatid ako sakanya, no worries." Sandaling natahimik si Nell bago sumagot, "I'll be waiting for you. Can you promise to call me if you're on your way home?" "Promise," matamang sabi niya saka ibinaba ang tawag. Paano ba nangyaring napakaswerte ko sa asawa? Nang makarating sa ospital ay nakahinga agad kami nang sabihin nang doktor na sa fatigue lang ang dahilan ng pagkawala ng malay ng babae. Although nagsagawa pa sila ng ibang mga test ay makasisigurado naman daw kaming magiging okay lang ang babae. Sinikap naming magpakalma ni Tina at kumain muna sa canteen sa hospital. Sa totoo lang, pwede naman na silang umuwi pero hindi na nila sasayangin ang pagkakataon. Andito na sila. Any moment now, the woman will wake up. "Fely–" "Tin, I am really sure about this." Inunahan ko na ang kaibigan, alam na ang marahil na sabihin nito. "This is the only way I know na makapagtatanggal ng guilt at pain." Hindi na nagsalitang muli si Tina. Sandali lang rin ay pinili na naming bumalik sa kwarto ng babae para makibalita. "Ms. Bella Santi?" Halos magkahog kami ni Tina sa paglapit sa doktor, pawang nagmamadali malaman ang sitwasyon ng babae. Baka gumising na siya. . . baka pwede ko na siyang makausap tungkol sa deal na gagawin. Humigpit ang pagkakahawak ko sa sariling shoulder bag. Mariin kong tiningnan ang kasamang nag-aabang din sa sasabihin ng doktor. "She's our bestfriend. How is she, Doc?" Napakalaking tinik ang natanggal sa lalamunan namin nang tumango at ngumiti ang kaharap. "Wala namang problema. It was mere normal, in fact." Bumalatay ang kaguluhan sa mukha ko. Hindi ko kaagad naintindihan. "I see. . . hindi pa ata siya nakakapagpa-check tungkol dito kaya hindi niyo rin alam. She's four weeks pregnant." Mabilis na nanghina ang mga tuhod ko. Mabuti na lang nga at naalalayan ako ni Tina kung hindi ay paniguradong bumulusok ako sa sahig. Nginitian kaming muli ng doktor bago nagpaalam sa pag-alis but we can't just do the same. Hindi ko kayang suklian ang ngiti niya. I was almost there. Kakausapin ko na lang siya at kukumbinsihin sa pagpayag pero ngayon, babalik kaming muli sa zero. Cross-out na sa listahan si Bella Santi. "Fely naman. Of course, we can find another woman. Kailangan na lang muna nating gawin ngayon ay magpahinga nga. Ayaw mo naman sigurong bumukas ang tahi mo sa kung saan dyan, 'di ba?" Nanatili akong tahimik. Hindi ko na nagawang sagutin ang lahat ng pangaral at pagpapalakas ng loob ni Tina sa akin. Naaappreciate ko naman, kaya lang hindi ko talaga kayang magkaroon ng response ngayon. Hindi ko pa alam ang plano. Ang hirap kung sa unang subok pa lang ay parang may nakakapit na sa mga paa ko. Sa buong byahe pauwi, hindi ako nagsalita. Nanatili lang akong nakatingin sa bintana ng sasakyan kaya hindi na rin nangulit ang kaibigan. Hindi ko alam, pakiramdam ko ngayon ay pagod na pagod ako at kailangan ko nang magpahinga. I can't even feel my legs. . . and my heart. Sa sobrang disappointment ko ay parang kahit pa iyon huminto. Ano nang gagawin ko ngayon? Saan naman kami maghahagilap ng willing sa sitwasyong ganoon? "Fely. . . Fely, we're here. Gusto mo ba samahan pa kita papasok? I can guide you–" "Tin, kaya ko." Malulungkot ang mga mata ko nang balingan ko ang kaibigan. Hindi ko na kailangang itago pa 'yun sakanya. Alam kong naiintindihan niya. . . maiintindihan niya palagi. "Thank you so much. . . I, I can't just do this without you." Hinawakan nito ang mga kamay ko bago ngumiti. Tina is the only closest friend I have. Iba na kasi ang mundo ngayon. Dalawa na lang kami mula sa katorseng magkakaibigan noong college. Wala, nagkalayo, nagkalabuan, hindi na nagkaintindihan. Ma-swerte na lang ako at may natira pang isang kaibigan sa tabi ko. "I'll be here. All the time." Nang makababa ay nagtuloy-tuloy ako sa bahay. Buti may sarili akong susi kaya hindi ko na kailangang istorbohin ang asawa para pagbuksan ako ng pinto. Upon entering, naalala ko bigla ang ipinangako sa asawa. "Tatawag nga pala ako," I said to myself. Dali-dali kong kinuha ang telepono habang dere-deretsong naglalakad. Ilang segundo na lang sana bago ko tuluyang matawagan ang asawa noong halos mapatalon ako sa natapakan. Humigpit ang hawak ko sa cellphone. Mula sa kinatatayuan, kitang-kita ko ang relong halos kumikintab pa ang tatak. Ilang buwan panigurado ang tatrabahuhin ko sa kompanya para makabili ako ng ganitong klaseng relo. Hindi iyon ang unang beses na nakita ko ang bagay na iyon pero nakasisigurado akong hindi iyon sa asawa. . . pagmamay-ari iyon ng isang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD