Tatlo

1136 Words
"Are you kidding me?" In a matter of seconds, ramdam ko ang panic na biglang umatake sa kaibigan. Tahimik ko lang siyang inoobserbahan. "Paano 'yan nangyari? Let's say inoperahan ka nila ng unconscious? That's. . . absurd." "No, it's not." I did tried to calm myself down. Marahan akong sumimsim ng kape bago siya harapin. "It can be possible kapag pumayag ang asawa ko sa operasyon. Sabi ng Doktor, nagko-cause raw iyon ng bleeding kaya kailangang tanggalin. At that time, Cornell was hopeless. Walang ibang gusto 'yun kundi maging ayos ako." Dahan-dahan, tumango ito. Alam kong gulat oa rin ang kaibigan pero ipinagpapasalamat kong pilit niya iyong iniintindi. "So," panimula niyang muli. "What's your plan?" Doon na ako tuluyang natahimik. Tinitimbang ko kung tama bang sabihin na agad sa kaibigan ngayon. But I actually need Tina to help me. Huminga ako nang malalim bago nagsalita, "Well, I got a plan. But Cornell, hindi siya pumapayag." Tumango-tango ulit ang kaibigan. Come on, Felicity. You just need to say it. Mariin siya ulit uminom ng kape samantalang patuloy ko lang siyang tinitingnan. Patagal nang patagal mas lalo akong nababalisa. "Tina, we need to find a surrogate mother–" Awtomatikong naibuga ni Tina ang iniinom sa mismong harapan ko. Wala tuloy akong nagawa kundi makaramdam ng hiya dahil sa nakakakita. "Are you out of your mind?" Mabuti na ring nakontrol ni Tina ang pagsigaw dahil baka tuluyan kaming paalisin ng management ng coffee shop sa kinauupuan. Tinutop ko ang bibig ko, hindi na gustong magsalita. I know, I know. I wasn't a great idea but that's the only choice I have now. Iba kasi iyon kapag nag-ampon kami. Sa ganoon, mas maituturing ni Cornell na tunay niyang anak ang bata. Gusto kong iyon ang maramdaman niya. I want him to be happy as well. "Napakaraming babaeng halos mamatay sa sakit dahil sa panloloko ng asawa nila sakanila pero ikaw?" Tina's voice was pure disappointment. "You will let your husband find another woman to–" Inihilamos nito ang palad sa mukha. "s**t! I can't even say it." I have the worst idea, I know. It's just that parang na-stuck na ang utak ko sa ganoong paraan. "Tina, hindi naman ako lolokohin ng asawa ko. Some can do it casually, right? Isang gabi lang naman, siyam na buwan pagkatapos noon. Then, the child will be ours." Pilit kong kinukumbinsi ang kaibigan pero paulit-ulit lang itong umiling. "Can you hear yourself, Fely? Hindi ikaw 'yung superhero na magsasakripisyo para sa isang bayan. Asawa ka, Fely. If he can't accept your imperfections then he doesn't deserve you. If you can't bare a child, so be it. Napakaraming ibang paraan, Felicity! Matalino ka. Mas kailangang gamitin mo ang utak mo ngayon!" Awtomatikong rumagasa ang mga luha ki sa sinabing iyon ng kaibigan. Hindi man ako sang-ayon, parang punyal iyong tumurok sa dibdib ko. Tama siya. . . pero sana ganoon lang 'yun kadali. Sana ganoon lang kadaling tanggapin. Ilang linggo na pero wala pa ring pinagbago. Ilang linggo na pero ang sakit-sakit pa rin. "I. . . was really hopeless. Surrogate mother na lang ang way ko to ease the pain and the guilt, Tin. Using her, I know, I can fulfill my responsibilities for my husband. Alam kong gusto niyang magkaroon ng sariling anak. Can you remember the first time we knew about my pregnancy? He was incredibly happy! Kulang na lang ipangalandakan niya iyon sa buong media— sa buong bansa. Naaalala mo rin ba nung binawi satin si Fioell? Tin, kahit ikaw nakita mo kung gaano siya kasira. He. . . wanted a child. Ilang beses niya man ipakita sakin ngayon na okay siya, alam ko nasasaktan din siya sa loob. I don't want him to suffer, Tin." Hinarang ko ang palad sa bibig para mapigilan ang malalakas na paghikbi sa coffee shop na iyon. Mabuti na lang at nabawasan na ang mga tao at alam kong hindi rin ganoon kapansin ang pag-iyak ko mula sa kinauupuan. "I want the best for him. Wala akong pakealam kung sa akin lahat ang bagsak ng sakit. I just want to see him. . . happy. Wala na akong pakealam ngayon kung maging echapwera ako sa eksena. A child can make him happy so I am giving him one— kahit hindi sa paraang sasang-ayunan ng lahat." I want to cry it out loud. Gusto mong magsisisigaw sa moment na iyon pero hindi mo na rin ginawa. I may be hurting. Oo at ako nga ang maaaring magbuhat ng lahat ng sakit pero hindi na iyon ang dapat kong isipin. For once, I want to be a perfect wife for him. Kaya i'm sorry. . . I'm sorry kung ganito lang ang paraan ko, Tin." Nagmamadali kong kinuha ang mga gamit ko at tuluyang binagtas ang daan palabas. Sa totoo lang, napakababa na ang tingin ko sa sarili ko. Bakit ba kasi ganito ang nangyari sakin? Paano ako magpapakaasawa kung anak lang ay hindi ko pa maibagay kay Cornell? Nang makabalik sa opisina, ikinulong ko roon ang sarili ko kasama ang napakaraming documents at report. Kailangan kong magtrabaho. This is my life. Hindi dapat maapektuhan ang buhay ko sa isang napaka-martyr na desisyon. Pero hindi ba napaka-unfair noon? Bakit ako? Bakit ko kailangang maranasan ito? Paano na ako? Paano na ako kung hindi ako makakapagbigay ng anak sa mister ko? Gulong-gulo na ako. Hindi ko maiwasang isipin kung paano kung hindi ito ang nangyari? Paano kung hindi nangyari ang aksidenteng iyon? We can be the happiest couple that we always been. Napaka-unfair ng mundo. One moment, you are happy. The second, you're on despair. Ilang oras kong ibinabad ang sarili ko sa trabaho kaya huli na nang mapansin kong madilim na nga sa labas. Uuwi na naman ako. Makikita ko na naman ang asawa kong ginagawa ang lahat para sa akin pero hindi ko man lang maibigay sakanya ang kaisa-isahang bagay na gusto niya. Deretso akong napatingin sa pinto nang magbukas ito at iniluwa noon ang kaibigang si Tina. Hindi katulad sa itsura kaninang umaga, halatang-halata na sa kaibigan ko ang pagod. Makikitaan din ng lungkot ang mga mata niya. "Tina–" "Fely!" Dali-dali itong lumapit sa akin at yumakap. Nang magsimula itong humagulgol, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. "I'm sorry. Naiintindihan kita, Fely. Naiintindihan ka ni Tina. I'm here. I will help you sa kahit ano pa man." Mas lalo kaming nag-iyakan. Ilang minutong walang gustong magsalita. Maging ako ay parang pinanghinaan na rin ng tuhod. "I'll help you, alright. Punasin mo na 'yung luha mo, may tinawagan na ako. Mrs. Kali knows a place kung saan tayo pwedeng makahanap ng surrogate mother." Napayukom ako ng kamao. This is it. The last chance I could get. "Pero Fely," baling muli sakin ni Tina. "Are you really sure about this?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD