Dalawa

1011 Words
Naniwala kayo, ilang beses kong sinubukang kalimutan pero patagal nang patagal mas lalo akong nasasaktan. I am becoming more anxious as days past by. Alam kong hindi naman ako pinepressure ng asawa ko sa pagbubuntis pero hindi ko pa rin maiwasang mag-isip. I am very sure that our life would be different if we had a child. Iyon bang anak na makakaalis ng pagod namin mula sa maghapong trabaho, makakakwentuhan at makapagpapangiti samin. I am sure that we will love him/her too much. Kaya lang kahit gaano man namin gustuhin, wala na kaming pag-asa. Hindi ko sinisisi ang asawa sa aksidenteng iyon. Alam kong wala namang may kasalanan at mayroong rason ang nangyari. Hindi ko lang magawang matanggap ang naging bunga noon. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, pilit ko lang itong inoobserbahan. Wala na akong sakit na nararamdaman na dulot ng aksidente pero habangbuhay ko atang dadalhin ang nagawa noon sa akin. Mabilis kong sinuot ang puting T-square heels na siyang pinakapaborito ko sa mga sapatos saka nagtuloy na palabas ng kwarto. Cornell was already outside at gaya ng palagi nitong ginagawa, hinahanda na nito ang almusal naming dalawa. Cornell is a perfect husband and I can't be more lucky with him. Sana lang kaya kong masuklian ang lahat ng ginagawa nito para sa akin. "Good morning, hon." Mabilis niya akong hinagkan. Nakahanda na rin siya para sa trabaho. "Kain na muna tayo. I made your fave!" Nginisian ko siya at hindi na nagsayang ng oras para kumain. In fact, napakarami ko pang loads na kailangang tapusin sa opisina. Being a journalist will always be my dream. Swerte ko at nagawa kong makapagtapos with flying colors kaya may iilang kompanyang nag-agawan sa paghire sa akin. I am just proving them that they are worthy of me now. Napakaraming reports at sheets na kailangang i-review. Akala ko noon kakayanin ko ang trabaho ng isang Editor-in-Chief pero sobrang nagkamali ako. Dahil oo, ginusto ko ang pwesto pero hindi ko inakalang sasakitan ako ng hindi lang ulo kundi lahat na ata ng kasukasuan ko. Sa araw ng biyernes, kulang na lang ay malubog ako sa sarili kong upuan sa dami ng kailangang i-check at i-revise. "Anong oras ang uwi mo, hon?" Nag-angat ng tingin si Cornell sa tanong ko at itinigil ang pagkain. "The usual. About 8 pm," nakangiting sagot niya. Hindi ko mapigilang mapaisip kung gaano kahirap na trabaho ang ginagawa ng asawa ko. He's the Vice-president for Finance sa KDL Company dyan sa Glorietta. Idagdag mo pa ang exhaustion tuwing uuwi siya at sobrang traffic ang kakaharapin. "Take care of yourself, okay?" Mahina itong tumawa, "I will. . . For my honey." Napailing na lang ako, he really needs to be consistent of that sweetness. Dyan lang nawawala ang mga masasamang naiisip ko. "You should think about it again, Nell." pahabol ko pa. Thoughts were gushing into my mind. "I won't." Mabilis ang naging oras at tuluyan na kaming naghiwalay ng gagawin. When I arrived at the office, iisipin mong mukhang mga estudyante ang mga tao at nagkukumahog sa due date ng project na ipapasa nila. Mga wala pa ring pinagbago. "Fely!" Madali kong hinarap ang tumawag. Ngiting-ngiti itong nakatingin sa akin, pawang hindi pa alam ang nangyari sa aming mag-asawa. Tina made her way towards me. Kagaya ng nakagawian, mahigpit niya akong niyakap. "I missed you, girl! Antagal masyado ng two weeks mong leave. Ano bang ginawa niyo ni Cornell? Naglampungan 24/7–" Naitikom niya ang bibig sa sobrang lakas ng hampas ko. Nang mag-angat ako ng tingin sa mga tao roon, lahat na ng mga ito ay nakatingin sa amin at nagpipigil ng tawa. Pahamak talaga 'to si Tina kahit kailan! "Get back to work! I'll expect your piece until 11am today. Para kayong mga highschool na nagka-cramming," singhal ko na lang sa mga ito para magtuloy na sa ginagawa. Marahas kong hinila ang kaibigan papasok sa opisina. I should tell her the truth. I've been waiting for this time; masabi ko sakanya ang nararamdaman ko dahil masyado nang mabigat sakin. Tina Ynoc is a television reporter on SNN News na siyang handle rin ng kompanya. Kadalasang maagang pumapasok yan sa opisina kahit tanghali at News Report sa tanghali ang schedule niya. Hindi katulad sa isang oras na coverage tuwing gabi, tatlumpung minuto lang ang tinatagal ng kaniya. Karamihan doon ay mga news flash at news exclusives. Inilibot ko ang paningin sa napakakalat ko ng opisina. Hindi ko maitago ang pagkadismaya. Hindi ko alam kung saan magsisimulang maglinis. Bukod sa mga nagkalat na reports at clippings sa malaki kong mesa, medyo marami na rin ang kailangang walisin at tanggalin. "Tina," pagtawag kong muli sa kaibigan. "Yes, bestie?" "Would you mind if we go for a coffee first?" Maliit pero napaka-pleasing tingnan ng coffee shop na iyon, no wonder parang naging partner na siya ng SNN dahil kadalasang mga empleyado ng kompanya ang naririto. "So, what is it?" Nang maging komportable sa kinauupuan, agad kong tiningnan ang kaibigang atat sa sasabihin ko. "Anong what is it?" "Oh, come on, Fely. You have something to say, right? Alam kong talagang niyaya mo ako rito for privacy. So, ano 'yun? What happened to your leave?" Tuloy-tuloy ang pagtatanong niya. Pagkatapos ay itinakip ang palad sa bibig na parang may masayang naalala. "Are you pregnant?" "No!" I must admit that I said that loudly. Nagmukha tuloy akong defensive sa tanong niya. Nakakahiya pa roon dahil nakuha ko pa ang atensyon ng iilang mga taong naroon. "I. . . I mean, no. I am not pregnant." Kumalma ang kaibigang kaharap. "Well, uh, that was good, right? Atleast, you both can focus more into your respective jobs." Pinagmamasdan ko lang siyang sumimsim sa sarili nitong kape. She always keeps her cool aura. Bagay na bagay talaga sa TV. "I'm sure naman that the baby will come afterwards." "No. . ." Interest on Tina's eyes grew bigger. Inaantay niya akong magsalita pero malagkit na ang tingin niya. "Tina, I . . . I can't be pregnant."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD