Dalawampu't dalawa

1470 Words
That car drive is the most awkward time of my life! Sa sinabi niyang iyon ay halos gusto kong iumpog ang sarili ko sa pinto ng kotse sa sobrang kahihiyan. Ano bang pumapasok sa isip ng lalaking iyon? Mabuti na lang at agad niya ring pinaandar ang sasakyan at nagtuloy na sa pagmamaneho. Well, that may be the most awkward. . . kaharap ko naman na ngayon ang most amazing place in Australia — ang Blue Mountains National Park! Hindi ko alam kung saan marahil titingin. Ang hirap ipirmi ng mata mo sa isang lugar. "This is a paradise!" Agad kong nilingon ang nagsalita at namataan si Tina na papalapit. "Sobrang sulit ng byahe! Sumakit pwet ko pero grabe!" Totoong-totoo ang lahat ng sinabi ng kaibigan. Napakaganda nga rito. Ito 'yung klase ng lugar na totoong makakawala ng lahat ng iniisip mo. Dito mapapatunayang masarap tumitig sa kawalan. Kaya lang, eto ang problema. Gaano ko man gustuhin na libangin ang sarili at ituloy ang pagpi-picture ay sumasagi naman sa akin ang pag-uusap namin ni Mr. Porter. Ano ba ang pinagsasabi niya? Does he even knows kung paano ko magagawang i-interpret ang sinabi niya? He's talking about a kiss! That he wanted to kiss me last night! Okupadong-okupado ang isip ko hanggang sa mananghalian kami sa araw na iyon. Nanghihinayang man na hindi ko magawang makapagliwaliw dahil sa naiisip ay kuntento na rin ako sa maraming larawang nakuha sa lugar. Iba pa rin talaga ang naririto ka kaysa nakikita mo lang ito sa iba't ibang website. The experience will be priceless. Hindi ko namalayan ang oras sa sobrang pagiging busy ng mga tao. Pagkatapos kasi kumain ng lunch ay deretso na sa pagsho-shoot. It's Tina's time to shine kasama ang co-anchor sa SNN News na si Rio. Samantalang ako, kasama ko naman ang iilang journalist pati crew sa likuran ng set. Pilit ko silang pinanonood nang biglang tumabi sa akin si Yohann. He's very different to his friend, Mr. Porter. Jolly at palabiro talaga ang lalaking ito. Hindi rin siya nahihirapan sa pakikihalubilo sa iba. His haircut is clean. . . naisip ko tuloy kung ano ang trabaho ng lalaking ito? Siguro he's like a public servant? O hindi naman kaya artista? "Hey!" Nginitian ko lang muna siya dahil wala naman akong alam na sabihin. "This may be a lil personal but. . . how are you related with Cornell Carston?" Bumalatay sa mukha ko ang gulat pero madali ko rin iyong nabawi. Sasagot pa lang sana ako nang may nag-usog din ng upuan sa kabilang banda ko — it was Mr. Porter. "He's my husband. . ." Yohann stared me a little more bago magsalita. Mukhang hindi ito kumbinsido sa sagot ko. Pati rin naman ako, Yohann. Hindi ko alam kung asawa bang maituturing kung ganoon ang sitwasyon namin. Tumikhim ang si Yohann. Nanatiling tahimik naman si Darius sa kabilang gilid. "Felicity, you see, I am doctor and I absolutely know Zeina Angeles." Hindi ko napigilan ang magtiim bagang. Bakit ba ako naniwalang hindi na muli mabi-bring up ang sitwasyon namin nila Cornell? "Do you know. . ." "Yes, I do." Bago ko pa man marinig mula sa ibang tao ang katotohanan ay pinigilan ko na siya. Alam kong nagiging magkasama na si Cornell at Zeina sa kung ano-anong gatherings at kung totoo nga ang sinasabi nitong kilala niya si Zeina at doktor din ito ay malamang alam niya na ang totoo. Alam ko. Alam ko ang lahat pero hinahayaan ko lang iyon. "Yohann, I know you're a good guy. The thing is, isa na rin iyon sa rason kung bakit ginusto kong makaalis ng Pilipinas kahit sa madaling panahon. I am sick of it, too. Excuse me." Hindi ko na napigilan ang tumayo at umalis doon, hindi dahil sa bumabalik na naman ang sakit kundi dahil sa ikinahihiya ko ang bagay na iyon. Hiyang-hiya ako sa sarili kong ginawa kong i-tolerate ang sitwasyon. Hiyang-hiya akong tinanggap ko pa rim ang asawa. . . ang umasa ako na baka pwede pa. Madali kong tinungo ang isang lugar na walang ibang tao. Gagamitin ko ang oras para makapag-isip-isip. Mahal ko si Cornell. Totoong-totoo pa rin iyon ngayon pero aaminin kong paunti-onti, nababawasan na. Alam kong kung magpapatuloy iyon ay tuluyan nang mawawala ang nararamdaman. . . hopefully. "Sakay na." Napamulagta ako sa gulat. Huli na nang makita kong si Mr. Porter pala ang nagsalita. Nasa tapat ko na ang kotse nito. "Mr. Porter–" "I told you?" Nagkibit-balikat ako roon. Natatawa na sa sarili. "Get in the car. I'll show you something." "Pero may trabaho pa ho tayo, Sir." Umasim na naman ang mukha niya sa narinig. Hindi ko na napigilan ang humalakhak. "Get in the car now, Felicity." Ibinaling ko ang tingin sa mga kasamahan na busy pa rin sa pagso-shoot. Baka magtampo sa akin si Tina kung iiwan ko siya rito. "Pero kasi–" "Get in the car." "–Hahanapin nila tayo." Bumuntong-hininga ang lalaki sa pagiging makulit ko. "Fine. Iisipin ko na lang na ayaw mong pumunta sa Harbour Bridge." Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko. "Say what?" Mabilis nitong itinaas ang bintana sa passenger seat dahilan para magmadali akong buksan ang pinto ng sasakyan niya. Are you kidding me? Kahit naman gusto ko magpakipot, hindi na ako hihindi. Sydney Harbour Bridge na 'yun! Isa pa iyon sa mga gusto kong mabisita. "Binibiro ka lang naman. Tara na," natatawa kong sabi na siyang dahilan para bumungkaras na ito ng halakhak. May mga ganitong moments naman talaga siyang ganito. Tahimik siya pero nakikihalubilo rin naman. *** "This is awesome!" Tinanggal ko na muna ang hiyang nararamdaman ko at makapal ang mukhang nagpapicture sa lalaki — iyong picture talagang siya ang camera man. Tumatawa-tawa rin naman siyang sumunod. No doubt. This will be one ofnthe most happiest day of my life. Hindi nga lang ganoon kaaya-aya dahil hindi ko pa gaanong kilala ang kasama pero hindi noon nabawasan ang saya. Nang mapagod sa kakatalon at kaka-picture ay hindi na ako umimik. Tahimik lang akong sumandal sa mga steel na naroon. Bukod sa napakagandang tingnan ang paligid na iyon ay masarap ding magsenti. Pagkatapos ng ilang minutong pananahimik ay saka pa lang din nagsalita si Darius. "You can tell all of that to a. . . stranger like me, ya know?" Tumawa akong muli. Patagal nang patagal nagiging kumportable na rin ako. Hindi nga lang maaalis ang mabilis na pagtibok ng puso ko pati na ang pamamawis ng kamay kapag malapit ako sa lalaki pero mas gumaan-gaan ngayon. "Do you think I am stupid?" Tumingin na rin ang lalaki sa kawalan. Hindi ko mabasa kung ano man marahil ang tumatakbo sa isip niya. Alam kong may alam na siya sa sitwasyon dahil sa kaibigan. . . o baka nga siya mismo ay kilala si Zeina. "Nagmahal lang naman ako. Hindi ko naman ginusto na maging tanga. Tinupad ko lang naman 'yung pangako ko. But then, ginago niya ako. Pinaniwala niya ako, eh. Pineke niya. . . sa una pa lang ginawa na niyang perpekto ang sarili niya sa akin. He. . . He's too good to be true, dahil hindi naman pala totoo 'yun lahat–" Madaling hinapit ni Darius ang katawan ko papalapit sakanya. Sinalikop mismo ng mga kamay nito ang baywang ko. Kamuntik-muntikam pa akong sumigaw sa gulat. Gusto itong sigawan at itanong ang dahilan sa ginawa pero napako rin ako sa mga titig niya. Those eyes are intoxicating the hell out of me. Napakarami kong gustong itanong tungkol sa mga tingin na iyon pero naputol ata ang dila ko. "You. . . You don't have to suffer anymore." Napakalapit ng mukha niya sa mukha ko. Malapit ang katawan niya sa akin. Halos malagutan ako ng hininga roon. Hindi pa man halos nagsi-sink in sa utak ko ang sinabi niya ay nagtuloy-tuloy na sa panginginig ang mga kamay ko. "For I am here. . ." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Rumaragasa ang saya. . . hindi ko maipaliwanag. Basta may kung ano sa akin na hindi ko gusto ang magpumiglas. Mas gusto kong manatili. "Darius. . ." Napayukom ako ng kamao nang makitang dahan-dahan nitong inilalapit ang mukha sa akin habang nakatitig sa mga labi ko. Paonti-onti. . . napakarami kong oras para mapigilan ang lalaki pero hindi ko halos gustuhin. Mali iyon. Ramdam ko na ang napakabango nitong hininga. Napakalapit na ng labi nito sa labi ko nang nagsipasok ang lahat ng masasayang alaalang mayroon ako kay Cornell. Ang lahat ng tawa at sayang nagawa ring maibigay sa akin ng asawa. Ang lahat ng pangako. . . ang lahat ng pagkukulitan. Pati na ang mga ngiti niya at luha sa tuwing magkaaway kami noon. Sa ganoong bagay na nasa isip, walang lakas kong iniwas ang mukha sa kanya. Mabilis akong lumayo. Sa sumunod na pagharap ko ay bumungad sa akin ang nagtatanong niyang mga mata. "Darius, may asawa ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD