Dalawampu't tatlo

1479 Words
Dismayado kong ibinagsak ang maleta ko sa sasakyang gagamitin namin papuntang airport. Ganoon lang. . . tapos na ang tatlong araw na iyon sa Australia. Uwian na naman. Until now, it really feels too good to be true. Sa tatlong araw na iyon, hindi pa rin pumasok sa isip kong nasa Australia nga talaga ako. There, I promised myself that I'll get back here. At hindi na lang iyon tungkol sa trabaho. I'll get back here as a tourist, too. "Busangot na bunsangot, ah." bungad sa akin ng kaibigan. Hindi katulad ko, sigurado akong na-enjoy at nasulit ni Tina ang tatlong araw niya rito. Naiwala ko ang iniisip nang kalabitin niya akong muli saka ngumuso papunta sa direksyon ni Mr. Porter. "Anyare? Lumabas pa kayo nu'ng unang araw, ha? Tapos pagbalik niyo, wala nang pansinan– Oh my gosh!" Napalakas ang pagsigaw ng babae. Kahit kailan talaga, napaka-OA. Napailing na lang ako noong halos lahat ng kasama ay napabaling sa amin — kasama na rin doon si Yohann at si Darius. "Did you have s*x?" Doon ko na siya hinampas nang malakas. Binulong niya lang naman iyon sa akin pero naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha sa kahihiyan. Ganoon ba talaga ang iniisip niya roon? Ganyan ba ang pag-iisip niya tungkol sa akin? Ni hindi ko nga malapitan ang lalaki, ibibigay ko pa ang sarili ko sakanya? "Tina! Quit it!" Bumungkaras na ito ng pagtawa kaya pinabayaan ko na. Dali-dali akong sumakay sa sasakyang gagamitin pagkatapos ay ipinikit ang mga mata. Pagkatapos nang eksenang iyon sa Harbour Bridge ay parang biglang may dingding na humarang sa aming dalawa ni Darius. Hindi ko alam. . . hindi ko rin naman halos gustuhin pero mabuti na siguro iyon. Naging maayos pa rin naman ang turing niya sa akin kaya lang ako itong si iwas na iwas. Pakiramdam ko ako lang rin naman ang naging awkward. Sa dalawang araw na nagdaan, halos magkulong lang ako sa sariling kwarto lalo na kapag walang ginagawa. Hindi ko man lamang siya binalingan ng tingin. Hindi ko man lang siya kinausap muli. Para saan pa, hindi ba? Dapat panindigan ko ang sinabi kong may asawa ako. Dapat hindi ko na siya bigyan ng false hope. Gustong-gusto kong itanong kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng sinasabi niya sa akin. Kung ano ba talaga ang motibo ng mga iyon dahol mahirap para sa aking makatulog sa gabi na iyon at iyon na lang ang nasa utak. Ano ba talaga ang gusto nito? But then, kahit sobrang dami kong tanong. . . wala akong ibang choice kundi itikom ang bibig. "I think he likes you, Fely." Mabilis kong iminulat ang mga mata dahil sa boses na iyon ni Tina. Halos mabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang makitang kami pa lang dalawa ang nasa loob ng sasakyan. "Ano bang sinasabi mo, Tin?" Gusto kong ipagsawalang-bahala ang mga naiisip pero hindi ko rin magawa. The way he said, 'you don't have to suffer for I am here' What does he mean by that? Is it true or is he confusing me? "Look, wala akong alam sa kung ano man ang nangyari sainyo on the first day but. . . I knew. It's how the way she looks at you. It is full of adoration. Alam mo 'yun? 'Yung parang gumaganda 'yung araw niya basta makita ka niya–" I cut her off with a hoarse laugh. Mas lumala ang vocabulary nitong si Tina. Hindi ko na kinakaya ang mga salitang ginagamit! "Are you kidding me?" Nag-ayos ako ng upo. I tucked my hair behind my left ear. "Tina, ano siya high school? Saka kung totoo man 'yang sinasabi mo? Kung lang ha. . . f**k? Why me? He's a bachelor– no, he's one of the richest bachelor in the Philippines and I guess even here, in Australia. Bakit pa ako?" Hindi ko alam ang mararamdaman. Basta na lang ako tumawa nang tumawa. "Andaming nagkakandarapa dyang ibang mas bata, magaganda at seksi. Katangahan kung totoo man 'yang sinasabi mo." Bumuntong-hininga ang kaibigan bago magsalita, "Fely, ikaw na mismo ang nagsabi sa akin. Tanga bang tatawagin kung nagmahal ka?" I was caught off guard with it. Nagawa kong ibuka ang bibig ko pero wala ng kahit anong salita ang lumabas. Nagtuloy-tuloy ang byahe. Naaappreciate ko na lang na hindi na muna ako pinansin ni Tina. She really knows me. Alam na alam niya kung kailan mas kailangan na kailangan ko ng oras para sa sarili. Hindi ko na rin nakita ang team ng Porter's Security Agency pabalik. Nalaman ko na lang na team ko na lang ang kasamang babalik sa Pilipinas. Pero matapos ang napakatagal na oras na iyon, pagkatapak na pagkatapak ko sa Pilipinas ay mas tumindi pa lalo ang pag-iisip ko. Madali kong kinuha ang cellphone na tatlong oras ding naka-off. Hindi ko masabi kung anong sitwasyon pa ang madadatnan ko sa bahay. Hindi ko alam kung sa papaano ko sila haharapin muli. Bwisit na buhay! May problema pa nga, binibigyan na ako agad ng bagong isipin! "Fely? Are you sure you're okay?" Mahigpit na yakao ang ibinigay ko kay Tina bilang sagot. In times like this, hindi mo talaga ako maaasahang magsalita ng ilang pangungusap. Mas gugustuhin ko pang kausapin ang sarili. "Text me when you're home, alright?" dagdag ko pa. Alam ko kasing nagkulang ako sa kaibigan sa trip na iyon. Dapat sana magbobonding kami at maglilibot sa Australia katulad ng pangarap pero hindi namin nagawa. "Of course!" Nagliwanag ang mukha nito nang may makitang taxi. "Ayan na, may taxi na. You go home first. Magpupunta pa ako kila Mama." My gaze were fixed at her. Kahit pa man huminto na ang pinara nitong taxi ay hindi ko man lang sinubukang gumalaw. "Felicity, move. Go on–" "Tina, thank you." God knows how sincere I am. Gustong-gusto ko talagang magpasalamat sa kaibigan. I just can't survive every day without this woman. Madali akong sumakay sa taxi at nagpaalam. Sa totoo lang, hindi magkamayaw ang puso ko sa pagkabog. Ngayon pa lang ay pinagpapawisan na ako nang malamig. Alam ko nang may hindi magandang mangyayari. *** "Cornell!" Nagmamadali kong inilapag ang maleta at ang bag na dala sa sofa at nagsimulang maglibot sa kabahayan. Kanina pa ako hindi mapakali. Kanina pa parang may mali. "Cornell! Zeina!" Padarag kong pinagbubukas ang mga pinto ng mga kwarto sa bahay, ang mga banyo, pati na ang garahe pero ni anino wala akong nakita. Umalis sila ng bahay? Eto ba ang sinasabi ni Cornell na wala na akong babalikan? I became so afraid with the truth. Sunod kong pinaghahalughog ang mga damit nila, pinuntahan ko rin ang opisina ni Cornell pero blanko na iyon. Wala na ang mga gamit ni Zeina pati na ang mga maleta nito. Hindi ko magawang huminga. Ramdam ko na ang panghihina ng mga tuhod na sinundan agad ng pagbagsak ko sa sahig. Hindi na ako makatayo kaya kaawa-awa kong ginapang ang distanya ng pinto papunta sa sofa kung saan ko inilagay ang gamit. Gusto kong tumigil sa kakaiyak pero mas lalo lang iyong lumalala. Kinakain na ng malalakas na paghikbi ko ang buong bahay. Napakalakas noon. . . but then, no one seems to care. Walang ibang nakakarinig at walang may pakealam. Hindi ko sinayang ang oras nang mahawakan ang cellphone. Dali-dali kong dina-ial ang numero ng asawa. Sobra ang paninikip ng dibdib ko. Iyong tatlong araw na inilayo ko ang sarili ko sa sakit ay parang ibinuhos lahat ngayon. Why do I need to suffer? Bakit kailangang ako ang mahirapan? Bakit kailangang ako lang ang masaktan? "Hello–" "Cornell, where are you?" Gusto kong magpunta sa kusina at uminom nang uminom ng tubig, gusto kong mawala ang nakabarang kung ano sa lalamunan pero hindi ko magawang maihakbang ang mga paa. This pain made me so numb. "Nasa Pilipinas na pala ang magaling kong asawa. Kumusta naman ang Australia?" Narinig ko pa itong humalakhal sa kabilang linya. "Cornell, what the f**k are you doing? Nasaan ka? Bakit ka umalis sa bahay? Ano 'to? Ano na naman 'to?" Nang magsawa ako sa tuloy-tuloy na paghampas ko sa sarili ay ang sahig na man ang napagbalingan ko. Pilit ko itong pinagsususuntok na para bang inuubos ko pa lalo ang lakas ko. "Felicity. . . let me tell you this." Nanahimik ako pero napakalakas pa rin nang pagkabog ng dibdib ko. "I regret every little words I said. Pinagsisisihan kong lumuhod ako sa harapan mo at nagmakaawa. Felicity, I don't need you. I don't need you to be happy– to find happiness." "I regret it. I regret every bit of it." Mas lalong tumigas ang boses ng asawa– ni Cornell. . . no, hindi ko na alam kung ano pa ang itatawag ko sa lalaki. Akala ko iyon na ang pinakamasakit na maririnig ko sakanya pero nagkamali ako. Ang sumunod nitong sinabi ang halos magpawala sa akin sa sarili. "Felicity, pinagsisisihan kong minahal kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD