"Felicity, pinagsisisihan kong minahal kita."
Dalawang araw na pero napakalinaw ko pa ring naririnig ang mga salitang iyan sa likod ng isip ko. Hindi ko magawang makatayo. Inabot na ako ng apat na pu't walong oras sa inuupuan. Hindi ko alam kung saan magsisimulang mag-isip. Kung bakit. . . kung anong nangyari.
We were like the perfect couple. Kinaiinggitan kami ng lahat. Talamak ang naririnig kong "sana all", "naway lahat" ay kung ano-ano pa.
We're on the top.
Kaya lang sa napakadaling panahon ay binagsak ako kung saan. . . ako lang mag-isa. Habang siya ay nagpapakasaya sa tuktok.
Sobra na ang nararamdaman kong pagkalam ng sikmura. Sobra-sobra na ang panginginig ng kalamnan ko sa hindi ko maipaliwanag na sakit. Hindi ko maintindihan. Hanggang ngayon, paulit-ulit ko pa ring tinatanong sa sarili kung bakit? Bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng ito?
Sa dalawang araw, wala akong ibang ginawa kundi kamuhian ang sarili. Wala akong ibang nagawa kundi sisihin ang sarili ko, kundi ipamukha sa sarili ko ang katangahan.
Sa kauna-unahang beses na kinuha ko ang cellphone ay mabilis kong tinawagan si Tina.
I actually feel sorry for her. Siya na lang palagi ang namomroblema sa mga pasakit na dala ko. Palagi na lang din sumasakit ang ulo niya sa pagkabwisit sa asawa ko.
"Fely! Kumusta? Been contacting you for two days pero wala kang sagot? Mukhang sinusulit mo ang break, ha?"
Natawa ako nang mahina. Pagkatapos ng trip na iyon mula sa Australia, binigyan din naman kami ng oras para makapagpahinga.
Pero sana nga. . .
Sana nga masaya ako at sinusulit ko iyon.
"Tin. . ." I tried to be serious pero hindi ko rin hinahayaang mahalata nito ang sitwasyon ko. Hindi niya alam na wala na rito sa bahay si Cornell. Hindi nito alam na wala akong ibang ginawa sa loob ng dalawang araw kundi pagurin ang sarili ko kakaiyak, kundi ubusin ang mga luha. . . pero sana nga talaga ay naubos ko iyon, sana hindi ko na magawang umiyak muli.
"Uh, huh. . . what is it?" Base sa naririnig ko sa paligid niya, alam ko na agad na namamasyal ito. I should've chose to be with her. Sana ay mas pinipili ko ang maging masaya kaysa magpakain sa lungkot.
But what can I do?
Anong kailangan kong gawin para makakilos. . . para makalimutan ang lahat?
"Thank you so much–" Pinipilit kong huwag magpahalata sa kaibigan. Kahit pa sunod-sunod na naman ang mga hikbi ay talagang kagat-kagat ko na ang sugat-sugat kong mga labi. "I just know, I can't get through it without your help. Without you."
Humalakhak ang kaibigan sa kabilang linya kaya alam ko sa sarili kong nagtagumpay ako sa pagtatago ng totoong sitwasyon. "Sinasabi ko na nga ba. I know you miss me! I'll be there, alright? Kahit dyan lang tayo sa kwarto mo–"
"No!" Napatikhim ako agad nang ma-realize ko ang pagsigaw. "I mean, no need. Nagdadrama lang naman ako. We'll see each other outside, how about that?"
Nakayukom ang kamao ko nang inaantay ko siyang magsalita. Hindi ko gusto ang magsinungaling sa kaibigan.
Pero ang totoo, nakapagdesisyon na ako.
I. . . I have nothing. Nobody deserves me. I am scarred.
Kahit ano pang sabihin ng mga tao, problema na lang ang naibibigay ko sakanila. Wala na akong mga magulang. Wala na akong kahit ano.
I don't want to burden Tina's life.
She deserves the world. . . unlike me.
Hangga't maaari ayoko ng makidagdag. . . ayoko ng alalahanin.
I have nothing to lose.
For me, I think I have lost my life the time I lost my child. Naiwala ko na ang buhay ko simula nang makunan ako.
Wala sa sarili kong ibinaba ang tawag saka pinilit ang sarili kong tumayo.
Lumabas ako nang bahay na hindi alam kung saan marahil magpupunta.
Gulong-gulo ang damit ko. Gulong-gulo ang isip ko. I don't seem to care about the people.
Wala na akong pakealam kung ilang beses mang masagi ang balikat ko ng kung sino man ang nakakasalubong.
At that moment, I felt that my world is crushing. Hindi ko alam na may mas isisira pa pala ang mga iyon.
Hindi ko maisip kung papaano magsisimula ulit kaya mas mabuting itigil na ang lahat ng ito.
Tiningala ko napakataas na building, nakakalula itong pagmasdan at abalang-abala ang mga taong naroon.
Sa tumpok ng mga tao ko nagawang makisabay. With that, hindi nila napansing nakapasok na ang babaeng nakapagulo ng damit at buhok at parang wala sa sarili.
Agad kong tinungo ang elevator at saka pinindot ang pinakataas na bahagi ng building. It's 15th.
Sa labing-limang na palapag, talagang mayuyurak ang katawan ko. Hindi na ako makikilala ninuman at hindi na ako mahihirapan.
Nanginginig ang mga kamay ko nang tahakin ko ang labas ng elevator na iyon. Napakatahimik nang pasilyo. Wala ni isang tao akong nakikita.
It was just so perfect that I couldn't ask for more.
Gamit ang hagdan ay mabilis kong tinahak ang rooftop. Doon ay halos mabuwal ako sa kinatatayuan. Gusto ko nang ihakbang ang mga paa ko pero naging mabigat ang mga ito.
Hindi ba ito naman ang gusto ko?
Hindi ba ito naman ang paraan ko para matakasan ang lahat ng sakit na nararamdaman?
But is this what I really deserve?
Awtomatiko akong napasigaw nang natanaw ko ang paligid sa ibaba. Nakakalula. Napakaliliit na ng mga taong abalang-abala sa kung ano man ang ginagawa.
Some are with their family. . . with their child.
Child.
I wonder what it feels like to have a child.
Iyon bang gigising ka na lang isang umaga, bubungad sayo ang napakaganda niyang ngiti. Papaulanan ka niya ng mga halik pagkauwi mo mula sa nakakapagod na trabaho. Bibigyan ka niya ng napakahigpit na mga yakap kapag ramdam niya ang panghihina mo.
Gustong-gusto kong maramdaman iyon.
Pero bakit?
Simple lang naman ang hiling ko, hindi ba? I want to be happy.
Pero bakit kailangang pagdaanan ko pa ang lahat ng ito?
Halos bumaliktad ang sikmura ko sa napakalamig na simoy ng hangin nang hinahakbang ko ang mga paa papalapit sa dulo ng rooftop.
I'll jump — that's the plan.
I'll end my life here as I end my sufferings as well.
"Miss!"
Agad kong naipikit ang mga mata ko. This is not good. I am losing my time. I should jump now – I should end my life here.
"Who are you?"
Who am I? Paulit-ulit ko na ring itinanong sa sarili ko ang bagay na 'yan. Sino ba talaga ako? Ano ba talaga ang purpose ko? To be hurt?
Gumigising na lang ba talaga ako araw-araw para saktan. . . para saktan ko ang sarili? I am the most stupid person! I know it.
Pero katulad ng paulit-ulit kong sinasabi. Nagmahal lang naman ako.
And yes, we can be the most stupid person for someone we love.
Pero kasalanan ko nang maituturing iyong nagawa kong magtiis.
"Please. Can I ask for your name–"
Natigil siya sa paglingon ko. Hindi ko siya magawang tingnan. Hindi ko rin siya marahil kilala pero nagawa niya pa akong sundan. But the thing is, I don't need anybody.
Humihinga ako, araw-araw akong gumigising pero I am lifeless.
Hindi ko na gusto ang mabuhay. Hindi ko na gusto ang magpakatanga sa punyetang buhay na mayroon ako.
Walang gana kong itinaas ang tingin saka bahagyang umatras. Napapikit na lang ako nang naramdaman ko na ang napakalaking espasyo sa likuran ko. Isang hakbang na lang paatras ay bubulusok na ang katawan ko sa pinakababa ng building na ito.
That will be the end of me.
That will be the end of all my sufferings.
"I. . . I am the martyr wife."