
Akala niya happy ending na… hanggang sa bumalik ang lalaking matagal na niyang tinatakbuhan.
Boyish single mom Redd Montellano secretly pines for an international model who calls her his “savior.” At nang isang gabi’y bigla itong nagpakita sa bahay nila at sinabing “free as a bird” na siya, hindi niya mapigilang mag-celebrate—baka ito na ang chance niya na aminin ang tunay niyang nararamdaman.
Pero tila hindi pa tapos ang mga pagsubok.
Isang grupo ng mabagsik na lalaki ang dumating para singilin ang utang ng ama niya. At para iligtas ang pamilya, napilitan siyang pumasok sa isang trabahong hindi niya kailanman naisip na papasukin—maging stripper para sa isang bachelor party.
Handa na sana siyang lunukin ang pride at gawin ang trabaho… hanggang sa makita niya ang lalaki na matagal na niyang iniwasan.
Si Blu Delacroix.
Ang notorious Italian playboy—at ang ama ng anak niya.
Paano kung ang mga lihim ng nakaraan ang magwasak sa puso niya ngayon?

