The Italian Playboy's Ex-bedmate Blu Delacroix Kabanata 22 WALA NAMANG problema kay Redd kung gaano kaliit o kasimple ang bahay na titirahan nila. Ang inuuna niya ay ang safety ng lugar. Hindi kasi mawaglit sa isip niya ang pangamba na baka isang araw ay bumalik at maningil ang dating amo ni Mang Restituto. Subalit nang dalhin sila ng assistant ni Blu sa isang malaking bahay na nasa isang exclusive heights ay walang nasabi si Redd. She was speechless. Hindi niya inakala na ganoon kagandang bahay ang bibilhin ni Blu para sa kanila although it was somehow possible knowing how rich he is. “‘Nak, diyan na ba tayo titira?” Mahinang tanong ni Mang Restituto sa kanya. Nakatayo pa rin sila front yard, manghang nakatingin sa two storey house na may Italianate theme ang exterior at may malawa

