It's been a five years. Marami ang nagbago sa loob nang limang taon at masasabi kong naabot ko na ang mga pangarap ko para sa pamilya ko. Ngunit kahit na ganoon, alam kong may kulang at hindi pa rin natatahimik ang buhay ko lalo na noong araw na iniwan ko nang walang pasabi si Vaughn. Hindi ko man masabi na tagumpay ang lahat ng aking plano pero mabuti na rin ang ganito dahil hindi ako dumepende kay Vaughn. Oo nga at kaya naman niya akong tulungan pero mas lalo lang naman iisipin ng Mama niya an kaya ko nilapitan si Vaughn ay para lang makahuthot ako ng pera. Ayaw ko nang ganoon. Kaya mas tinanggap ko ang pera na ibinigay niya hindi dahil malaki ito. Kung hindi ay hindi na niya iisipin na kaya ako dumidikit kay Vaughn ay para lang makahingi ng pera sa kaniya. Masakit man sa akin na iwa

