Forbidden
Disclaimer:
This is a work of fiction. Any names, characters, events, businesses, songs, places, and ideas are the product of the author's imagination. Any resemblance to an actual person, living, dead or events are purely coincidental.
I don't own the photo used on the book cover.
All Rights Reserved ⓒ
Forbidden
For Series #1
Zoe Ysabel Victoriano
"Layuan mo ang anak ko, Victoriano."
Nagulat ako nang bigyan niya ako nang makapal na pera. Ngunit hindi ko iyon ipinahalata sa kaniya dahil hinding-hindi ko ipagpapalit ang pera para sa lalaking mahal ko pero paano?
Paano ko iyon tatanggihan kung kinakailangan naman ng kapatid ko ng pera dahil sa sakit niya? Hindi naman kami mayaman. Hindi rin sapat ang kinikita namin ni Mama habang si Papa? Nagsusugal. Palagi rin siyang umiinom ng alak at palagi rin siyang umuuwing lasing.
Napalabi ako at napayuko na lamang. Hindi ko lalayuan si Vaughn dahil mahal na mahal ko siya. Wala akong pakialam sa pera at yaman niya pero paano ko tatanggihan kung nangangailangan naman ako ng pera? Malubha na ang sakit ng kapatid ko at wala rin naman akong laban sa pamilya ni Vaughn.
"Kulang pa ba, Zoe Victoriano?" tanong niya sa akin.
Hindi ako umimik. Wala rin lang naman akong magandang sasabihin at ams lalong hindi rin naman sila papayag na hindi ko layuan ang anak nila. Kaya bakit pa ako magsasalita, hindi ba? Sasayangin ko lang ang lakas ko.
Sinubukan ko naman siyang ipaglaban pero sa tuwing nahihirapan ako kapag pagdating sa pera ay sinusubukan nila ako. Lumilitaw sila dahil kahinaan ko ang pera sa tuwing lumalala ang sakit ng kapatid ko.
"Thirty million pesos. Siguro kasya na iyan?" mataray na sambit na. "Gusto ko lang namang layuan mo ang anak ko kasi kailangan ko siyang ipakasal sa ibang babaeng mas maganda at mas may kaya sa buhay, Zoe. Gusto ko nang ganoon. Hindi naman siya ayaw ko sa iyo pero may babaeng nakalaan na para sa kaniya."
Nanuyo ang aking lalamunan at pinaglaruan ang aking mga daliri na nasa aking kandungan lamang. Gusto kong kunin ang pera dahil puwede ko na itong magamit para sa pagpa-opera ng kapatid ko at mga gamot. Puwede na rin kaming magpatayo ng tindahan dahil sa sobrang laki ng perang iyon pero mahal ko si Vaughn.
Mahal na mahal ko siya pero ang sakit kasing malaman na may babaeng nakalaan na pala sa kaniya at hindi ako iyon.
"Hindi pa ba sapat?" nang-iinsultong saad niya. "Mukhang hindi pa kaya gawin ko nang fifty million pesos. Kaya pa ko pang doblehin iyan kung lalayuan mo ang anak ko ngayon at magpaka layu-layo kayong lahat."
"Tita, hindi ko po matatanggap iyan—"
"Five hundred million. Layuan mo ang anak ko at mamuhay kayo nang tahimik sa ibang lugar," huling sambit niya at saka inilapag ang check.
Sumagi sa akin ang lahat ng pagsasama namin ni Vaughn. Buong buhay ko, hindi ko naramdaman ang ganoong pagmamahal sa isang lalaki pero ngayong naramdaman ko na, bakit binabawi naman kaagad sa akin?
Napangiti ako nang mapait at napag-isip na hindi siguro ako iyong babaeng para sa kaniya. Sabi nga ng babaeng nasa harap ko ngayon, may nakalaan nang babae sa kaniya. Ginulo ko lang ang buhay ni Vaughn kaya siguro ay mas mabuti pang umalis na lang ako at ipagamot ang aking kapatid.
Ayaw kong mawala siya. Silang dalawa lang ni Mama ang mahalaga sa akin ngayon at kung hindi ko pa kakagatin ang ibinigay sa akin ng babaeng ito, baka mas lalo lang lumala ang sakit niya.
Nanginginig na inabot ko ang mga pera at check. Masakit kasi tutol ang mga magulang niya sa pagmamahalan namin pero ano ba ang laban ko sa mga mayayaman na kagaya nila?
"Mabilis ka lang naman pa lang kausap, Zoe."