Hello! This is Linnea. If you ever wish to read my works, feel free to do so. You can check out my books here: English novels and Filipino novels. Enjoy reading!
Social media accounts: Linnea WP
Author Linnea
✱ English novels
➣ Wrath of Desire - Completed
➣ The Alpha King’s Goddess - Ongoing - Hiatus
✱ Billionaire Series - SPG Tagalog/Taglish Novel
➣ Feel Special (SPG) - Completed - Pay-to-read
➣ Ethereal Music (SPG) - Completed - Pay-to-read
➣ Coming soon
✱ For Series - SSPG (Erotic) Tagalog/Taglish Novel
➣ Forbidden (SPG) - Completed - Pay-to-read
➣ For You (SSPG) - Completed - Pay-to-read
➣ Coming soon
✱ L Series - SPG Tagalog/Taglish novel
➣ Lust (SPG) - Completed - Pay-To-Read
➣ Lie (SPG) - Completed - Pay-to-read
➣ Coming soon
✱ Love Island Series - SSPG (Erotic) Tagalog/Taglish Novel
➣ Pleasure of Love - Completed- Pay-to-read
➣ Passionate Love - Completed - Pay-to-read
➣ Chasing Love - Ongoing - Daily update
✱ Mafia Series - SPG Tagalog/Taglish Novel
➣ The Substitute Bride of the Mafia Tycoon - on-going- English Novel posted in Good n(o)vel - Pay-to-read
➣ Hard to Love - Completed - Pay-to-read
➣ Hard to Love Book 2: Name of Love - Completed - Pay-to-read
➣ Mafia Series #3 | The Tycoon’s Personal Chef is a Mafia - written by PeanutandButter, check her novel on Dreame/Yugto.
➣ The Stranger Loves Me - Completed - Pay-to-read
➣ Love or Lies? - Completed - Pay-to-read
➣ Coming soon
✱ To Series - SPG Tagalog/Taglish Novel
➣ Today (SPG) - Completed - Pay-to-read
➣ Coming soon
✱ Vanderhart Series - SPG Tagalog/Taglish Novel
➣ Sweet Scent (SSPG) - Ongoing - Slow update
✱ Rivanov Series - Coming soon
✱ Romero Series - Coming soon
✱ Sandoval Series - Coming soon
✱ Yañez Series - Coming soon
Love Island Series #3
Si Marianne Elyse Delos Santos ay isang employee nang isang kilalang businessman sa Pilipinas. Subsob siya sa pagtatrabaho, at hindi niya napapansin na may isang lalaki pa lang nagkagugusto sa kaniya.
Ang ginawa ng binata, pinadalhan niya ‘to nang isang envelope na naglalaman ng isang invitation sa naturang isla. Ang Love Island. Ngunit isang katanungan ang namuo sa isip ni Marianne nang mabasa niya ang nilalaman nito.
Anong klaseng isla ba talaga ang Love Island?
Napapaisip kasi siya kung bakit ‘to exclusive. Kung bakit kailangan nang isang invitation para makapasok. Hindi kaya connected ‘to sa mga illegal na gawain? Ngunit paano?
Kahit nagtataka siya, pumunta pa rin siya sa lugar na ‘yon. Gusto niyang alamin ang mga sagot sa kaniyang katanungan. Ngunit lahat nagbago nang may maka-one-night stand ang dalaga na wala naman sa plano niya.
Matutuloy kaya ang paghahanap niya sa bagay na gusto niyang malaman?
Vanderhart Series #1
Si Hyacinth Myrtle Monroe ay ang bunso sa magkapatid. Siya ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang manunulat sa isang kilalang company sa Pilipinas dahil iyon ang kaniyang passion. Wala rin siyang balak maging business woman kahit pa nakapagtapos siya nang kursong Bachelor of Science in Business Administration. Nagawa pa niyang pagsabayin ang kaniyang majors para lang mapalawak ang kaniyang kaalaman sa mundo ng kaniyang mga magulang.
Noong una, akala niya ay kukunin ng kaniyang kapatid ang posisyon sa lahat ng kanilang business. Ngunit mali pala ang akala niya lalo na nang pilitin siya ng mga magulang niya. Kaya ang ginawa niya, lumayas siya at sinunod ang kaniyang gusto. Ang problema lang ay hindi niya magawang tapusin ang kaniyang manuscript dahil kulang daw sa emosyon. Kaya nagawa niyang mag-camping sa isang kilalang camp site nang sa gayon ay mahanap niya kung anong emosyon ba ang tinutukoy ng kaniyang editor. Subalit wala siyang ideya na roon pala magbabago ang buhay niya lalo na nang mahulog siya sa isang malaking liwanag sa sapa.
“Gising ka na pala,” aniya nang isang lalaki habang nakatingin kay Hyacinth.
“Nasaan ako?” tanong naman ni Hyacinth na may halong pagtataka.
Ang simpleng pag-camping niya sana para sa kaniyang manuscript ay ang magiging daan pala para muling makita ang lalaking matagal na siyang hinihintay.
Ximena Destin Del Valle is next to the throne of El Imperio Oscuro Organization—Del Valle’s organization and will inherit the throne once her parents get executed.
Ximena was known for being brutal and slaughtered everyone who would block her way. If she wanted to play, she would gain their trust and kill them in their residence.
One day, Ximena got a report that made her life became miserable. She may be cold and ruthless to everyone, but when it comes to her parents, she always shows emotion. Seeing the photo of her mother’s corpse urges her to go to the underground and look for her mother’s killer.
Discovering the truth may be hard, but it was easy for Ximena, and she couldn’t believe what was written on the document.
“Hiro Ezekiel Traviesco,” she muttered.
She thought that once she discovered the truth, everything would be easy, but she was wrong—her father got into a car accident, which led her to sit on the throne—to manage their organization.
Ximena must be trained to be the next mafia boss, but she doesn’t know that her parents will be killed in an instant. And now that she finally located where Ezekiel was, she didn’t think twice. She will do her reckless plan—to seduce him and execute him at his residence.
“Shall we continue our business here?” Ezekiel uttered, leaving Ximena Destin dumbfounded.
Seducing Ezekiel might be a reckless plan, which she immediately regretted when they had a great night at his residence.
For Series (SSPG / Erotic) #2
Si Hazel Eirlys Soriano ay isang tagapagmana ng isa sa kilalang businessman sa buong mundo. Ngunit bago ipasa sa kaniya ang lahat ng kanilang business, kailangan muna niyang ikasal sa isang lalaki na miyembro ng isang gang. Ang balitang ’to ay nakarating kay Hazel Eirlys nang marinig niyang nag-uusap ang mga alagad ng kaniyang ama.
Hindi siya makapaniwala at talagang maraming punyal ang tumusok sa kaniyang puso sa kadahilanang ipapakasal siya sa taong hindi naman niya mahal. Nagpanggap siyang walang alam sa bagay na ’yon habang nag-iisip ng plano para makatakas sa ganoong klaseng buhay. Hindi naman kasi mahalaga sa kaniya ang business. Ayos na sa kaniya ang nabubuhay siya at kumakain nang tatlong beses sa isang araw na kung minsan ay sumusobra pa roon.
Isang araw, habang nasa namamasyal siya sa isang mall, naramdaman niyang may mga sumusunod sa kaniya—mga armandong lalaki. Noong una ay hindi niya ito binigyan nang pansin ngunit nang nagtagal ay siguradong siya talaga ang sinusundan ng mga ito.
Sa takot niya, pumara siya ng taxi para iligaw ang mga ’to. Labag man sa kalooban niyang iwan ang kaniyang sasakyan sa parking lot ng mall, hindi na siya nagdalawang-isip pa at piniling sumakay na lang sa taxi.
Nang mapansin niyang nakasunod pa rin ang mga ’to, tumigil na lamang siya sa isang bar para magtago. Hindi man lang niya namalayan na may kasama pala siya sa table.
“Hiding from someone?”
Ang pagtatagpo ba nila ni Hunter Vile Rivanov ang maglalayo sa kaniya sa gulong ibinibigay ng kaniyang ama o siya ang magdadala sa kaniya sa taong pilit niyang tinatakbuhan?
For Series (SPG / Erotic) #1
"Ysa," mababang boses na wika ni Vaughn.
Napalingon naman ako sa kaniya dahil nagtataka ako sa tono ng boses niya. Punong-puno kasi ito ng emosyon at medyo naninibago ako.
"Mahal kita. Mahal na mahal kita nang sobra."
Billionaire Series #2
“Eisley, I’m serious. Gamitin mo ako para maka-move on ka na sa kaniya.“
“Why would I?“ naghahamong tanong ko sa kaniya.
Nang lumingon ako sa kaniya, nakita ko ang ngisi sa kaniyang labi na para bang alam niya ang sagot sa tanong na iyon.
“I love you,” paos ngunit seryosong sambit niya. “I fcking love you and it breaks my heart whenever you cried because of him.“
Billionaire Series #1
Astrid and her friends decided to go to the most luxurious bar. Ngunit hindi naman niya inaasahan na makikilala niya ang lalaking magpapa-ibig sa kaniya. “Hi! I apologize if I disturbed you. Gusto ko lang sanang kunin ang pangalan mo para ma-add kita sa social media account mo,” Kazimir uttered. Natulala naman si Astrid habang nakatingin sa lalaking nasa harapan niya hanggang sa hindi niya napansin na kusa na pala niyang naibigay ang kaniyang pangalan sa social media account niya.
L Series #2
“Mahal kita,” sambit niya kaya nanlaki ang aking mga mata.Hindi ko alam kung nakikipagbiruan lamang siya sa akin kaya umiling ako sa kaniya. “Baka nalilito ka lang.”
“Hindi ako nalilito, Caithlyn. Siguradong-sigurado ako sa nararamdaman ko,” sambit niya.
But that was a lie.
L Series #1
“Xianel, you can’t escape this,” he said, grinning from ear to ear.
Hindi ko alam kung paano ako napunta rito sa sitwasyong ito. Ang natatandaan ko na lang ay nalulunod na ako sa halik na ibinibigay niya.
Alam kong mali ito pero ano pa ba ang magagawa ko? Nandito na ako.
Mafia Series: Los Charlines Miñanco Organization Series #5
“Huwag kang lalapit!” sigaw ko sa kaniya nang makita kong humakbang siya nang isang beses.
Kumalabog ang puso ko lalo na nang nasundan na naman iyon nang isa pa. Kaya mas lalong nanginig ang aking mga kamay habang tinititigan ang lalaking nasa harapan ko.
“Stop! Don’t you dare!” babala kong muli ngunit hindi na naman siya nakinig sa akin. Kaya napalunok ako nang ilang beses ngunit hindi siya nakinig sa akin at ipinagpatuloy lamang ang pagpalapit.
Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at mabilis na kinalabit ang gatilyo bago tuluyang bitawan ang baril na iyon.
Sigurado akong tumama iyon sa kaniya. Pero bakit kumikirot ang puso ko? Bakit naiiyak ako?
Ah, mahal ko na pala.
Mafia Series: Los Charlines Miñanco Organization Series #4
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" seryosong tanong ko sa kaniya. "Who are you?"
Umayos naman siya ng kaniyang tayo at inilabas ang kaniyang kamay na nasa kaniyang bulsa saka hinawi ang kaniyang buhok na humaharang sa kaniyang noo.
"Terrence," paos na sagot niya sa akin. "My name is Terrence Beau Miranda."
Mafia Series Los Charlines Miñanco Organization Series #2 Book 2
"Gladys Sloane," Azi muttered. Napalingon ako sa kaniya hindi maiwasang mapaluha dahil ang kaniyang mga mata ay punong-puno pa rin ng pagmamahal hanggang ngayon.
"In the name of love, I will always fight for you, for Kyler. I will fcking try my best to protect you from the people who will dare to hurt you," he whispered before claiming my lips.
Mafia Series: Los Charlines Miñanco Organization Series #2
"Itigil mo ang kahibangan mo, Gladys!" sigaw niya sa akin. Umiling naman ako sa kaniyang sinabi at niyakap ang lalaking minamahal ko. "Mommy, mahal ko siya!" umiiyak kong wika. Nagngitngit siya sa galit at sinubukan akong hilahin. "Kazimir," naiiyak kong bulong at mas lalong hinigpitan ang aking pagkakayakap sa kaniya. "Hush now, sweetheart," natatawa niyang sambit. "I'll fight for us, hmm? Huwag na huwag kang magpapahalik sa kung sino."
To Series #1
"Valerie," tawag ni Gillean sa akin.
Umigting naman ang aking panga dahil narinig ko na naman ang boses ni Gillean.
"Ano pa ba ang kailangan mo, Gillean? Hindi pa ba sapat iyong binu-bully niyo ako?" naiinis na tanong ko sa kaniya. "Kahit man lang sana hayaan mo na lang ako makapagpalit nang matiwasay. Hindi iyong susundan mo ako rito!"
"I'm sorry," bulong ni Gillean. "I just— gusto ko lang sabihin na mahal kita."
Love Island Series (SSPG / Erotic) #2
"I'll guide her," bulong nito sa guard. Kaya naman umalis kaagad ang guard na iyon.
Naglakbay naman ang mga mata ni Katniss sa katawan ng lalaki dahil wala itong kahit anong suot bukod sa swimming trunks nito.
"Who are you?" tanong ni Katniss sa kaniya.
Lumingon naman ang lalaki sa kaniya at ngumisi. Isinuot niya ang malaking backpack ni Katniss habang ang tatlong hand carry bag naman ay isahan niyang binuhat sa kaniyang kaliwang kamay.
Nagulat naman si Katniss nang biglang binuhat ng lalaki ang dalawang naglalakihang maleta niya nang walang kahirap-hirap.
"Ako na ang bahala sa mga maleta," pigil ni Katniss sa kaniya.
Inilayo naman ng lalaki ang kaniyang mga gamit at nagsimulang maglakad.
"Hey! Wait!" sigaw ni Katniss ngunit wala siyang narinig.
"Mister—"
"It's Steven Ryker Monteverde not mister," biglang saad ni Steven bago lingunin si Katniss na gulat na gulat.
"Huh?" nalilitong wika nito.
"Steven Ryker Monteverde, Miss," seryosong saad nito. "Follow me."
Love Island Series (SSPG / Erotic) #1
"Kyrie," he whispered.
"What do you want?" tanong naman ni Valkyrie sa lalaking nagparamdam sa kaniya nang kakaibang sarap.
"In my room." Tumalikod ito sa kaniya ngunit bago pa man ito maglakad ay nagsalita ito, "Now."