bc

Name of Love (SPG)

book_age18+
1.3K
FOLLOW
13.6K
READ
HE
fated
mafia
drama
mystery
war
surrender
like
intro-logo
Blurb

Mafia Series #2 Book 2

"Gladys Sloane," Azi muttered. Napalingon ako sa kaniya hindi maiwasang mapaluha dahil ang kaniyang mga mata ay punong-puno pa rin ng pagmamahal hanggang ngayon.

"In the name of love, I will always fight for you, for Kyler. I will fcking try my best to protect you from the people who will dare to hurt you," he whispered before claiming my lips.

chap-preview
Free preview
Name of Love
Disclaimer: This is a work of fiction. Any names, characters, events, businesses, songs, places, and ideas are the product of the author's imagination. Any resemblance to an actual person, living, dead or events are purely coincident. I don't own the photo used on the book cover. It was generated by AI and I just added text according to my taste. All Rights Reserved ⓒ Name of Love Mafia Series #2 Book 2 Gladys Sloane Madrid Monreal "Sweetheart," bulong ni Azi nang yakapin niya ako. Hindi ako kumibo dahil wala naman akong sasabihin. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang mga nangyari. Tandang-tanda ko pa kung paano kinuha sa akin si Kyler. Iyong anak kong walang kalaban-laban, kinuha nila. Kaya bakit kailangan nilang gawin ito? Ganito ba talaga sa mundong kinagagalawan nila? Kinukuha nila iyong batang walang kalaban-laban? Ang sakit. Sobrang sakit kasi ang bata pa lang ng anak namin. Kapapanganak ko pa lang. Nahagkan ko lang nang ilang oras tapos kinuha nila sa akin? Naramdaman ko ang mainit na yakap ni Azi ngunit hindi ako gumalaw. Mahal ko siya pero mas mahal ko ang anak namin kasi nabuo siya dahil sa pagmamahalan namin ni Azi. Ngunit paano ito? Paano namin mababawi ang anak namin sa mga kalaban? "Baka patayin nila si Kyler," naiiyak na saad ko. "No." Naramdaman kong umiling si Azi at mas humigpit ang yakap niya sa aking bewang. Alam kong gagawin niya ang lahat para bantayan ang kaming dalawa pero bakit may mga nakakalusot pa rin? "Azi, iyong anak natin. Kinuha sa akin," nanghihinang sumbong ko sa kaniya. Bigla akong napahagulgol ng iyak. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Sobrang sakit na. Hindi ko na kayang pigilan pa ang ganito lalo pa at anak na namin ang usapan. Ayos lang sana kung ako na lang ang kinuha nila pero bakit naman iyong anak namin na wala man lang kalaban-laban? Bakit siya pa? Kasi susunod siya kay Kazimir? Iyon ba ang rason nila? Kaya nila inilayo sa amin ang anak namin? Kaya ba nila balak patayin kasi gusto nila kaming ubusin? Ganoon ba? Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang umabot sa ganito. Kung bakit kailan nilang idamay ang anak namin! Bata pa siya, eh! Sobrang bata pa niya tapos ipinagkait na sa amin? "Azi! Iyong anak natin!" sigaw ko at mas lalo akong naluha habang iniisip ang mga possibleng mangyari sa anak namin. "Paano natin babawiin si Kyler? Paano kung gugutumin siya? Halos oras-oras gutom si Kyler, Azi! Ilang araw na ang lumipas! Baka kung ano na ang nangyari sa anak natin!" Inilagay niya ang aking mukha sa kaniyang dibdib at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa aking bewang. Ngunit hindi talaga maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Kung sana puwede ko lang baguhin ang nakaraan. Baka puwede ko pang iligtas ang anak namin. "Hush now, sweetheart. Ako na ang bahala," pag-aalo niya sa akin. "Sisiguraduhin kong mananagot ang taong may gawa nito sa atin. Kaya please lang, baby. Tahan na. It’s hurting me seeing you crying."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

The Heartless Alpha

read
1.6M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
483.8K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
535.6K
bc

The Perfect Luna

read
4.1M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
622.5K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
479.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook