For You
Disclaimer:
This is a work of fiction. Any names, characters, events, businesses, songs, places, and ideas are the product of the author's imagination. Any resemblance to an actual person, living, dead or events are purely coincidental.
I don't own the photo used on the book cover.
All Rights Reserved ⓒ
For You
For Series #2
Hazel Eirlys Soriano
Mabilis akong tumakbo papunta sa isang bar dahil sa takot. Wala akong idea kung sino ang mga humahabol sa akin. Ang tanging gusto ko lang naman ay mamuhay nang payapa pero bakit ba hinahabol nila ako? Sa anong dahilan?
Kahit wala naman akong planong magpunta sana rito sa bar, pinili ko na lamang pumasok. Hindi naman sa wala akong pera—ang dami kong pera, eh! Anak rin naman ako nang isang businessman pero hindi naman ako mahilig gumastos nang sobra. May limit pa rin naman dahil noon pa naman talaga ay ayaw kong magsayang ng pera dahil baka mamaya ay magtampo pa sa akin ang pera ko.
Balita ko, ipapakasal nga ako ni Daddy sa kung sino. Hindi ko sigurado pero narinig ko sa isa sa kaniyang mga tauhan na sa gangster daw niya ako ipapakasal. Bakit naman doon? Tuta ’yon ng mga mafia tapos gusto ni Daddy na magkaroon ako ng asawa na takaw gulo naman at madalas habulin ng away? f**k! No way!
Hinihingal akong umakyat sa second floor ng bar na ’to. Luxury kasi ’to kung hindi ako nagkakamali. Talagang tambayan ng mga mayayaman—maliban sa akin. Hindi naman kasi ako mahilig uminom ng alak o gumala man lang. Kahit pa sabihin nilang minsan lang ay gumala ako at i-enjoy ang buhay.
Pagpasok ko sa second floor, bumungad sa akin ang madilim ngunit maingay na lugar. Lahat sila ay nagkakasiyahan at hindi man lang napapansin ang maingay na paligid basta lang makapag-enjoy sila.
Huminga naman ako nang malalim pero biglang napakunot ang aking noo nang makalanghap ako ng usok ng sigarilyo. s**t! Nakalimutan kong madalas pa lang naninigarilyo ang mga kalalakihan dito.
Sa kabila ng pagkahilo ko sa amoy ay nagawa kong magpunta sa isang desk na medyo malayo sa mga naninigarilyo. Ayos lang naman kasi sa akin na may manigarilyo, huwag nga lang iba’t ibang klase ng amoy dahil nakakahilo talaga.
“Hey,” bati ng isang baritonong boses.
Lumalim naman ang linya sa aking noo at halos maging isang linya ang aking mga kilay nang mapansin kong may kasama pala ako rito sa table na ’to. s**t! Bakit hindi ko napansin kanina?
“Sorry,” mahinang paumanhin ko. “Hindi ko napansin na may nakaupo pala rito.”
Narinig ko siyang mapangisi ngunit hindi ko maaninag ang kaniyang mukha. Ramdam ko rin ang malalim na pagtitig niya sa akin ngunit hindi man lang ako tinablan nang hiya o ilang.
“It’s okay. Madilim din naman kasi rito,” paliwanag niya at medyo may pagka-slang pa.
Base sa pananalita niya, halatang hindi purong Pilipino ’to. Paniguradong may lahing banyaga at halatang hindi sanay magsalita nang Tagalog. Hindi ko rin naman masisisi ang mga may halong banyaga. Sadyang nasa environment din kasi nila ’yan kaya gan’to sila magsalita.
Tumahimik ang lugar nang hindi ko sinagot ang kaniyang sinabi. Wala naman kasi akong masasabi at parang panapos naman na kasi ang binitawan niyang salita. Kaya huminga na lamang ako nang malalim at pilit isinisiksik ang sarili ko sa gilid para kung sakaling may biglang lumitaw na humahabol sa akin, hindi nila ako makikita o mararamdaman man lang.
“Are you not going to drink?” tanong muli ng lalaki sa akin.
Umiling naman ako at tumikhim para tanggalin ang nakabara sa aking lalamunan. Wala naman kasi akong balak uminom dahil magtatago lang naman ang gusto ko.
Saka kahit hindi ko kilala ’tong lalaking ’to ay nanatili siyang nasa aking harapan at hindi man lang ako nilapitan. It feels like, he knows how to respect a woman.
“Wala akong balak uminom,” simpleng sagot ko hanggang sa ilihis ko ang aking mga mata sa kaniya at piniling titigan ang entrance ng second floor na ’to.
Sa aking pagmamasid sa paligid, naramdaman ko ang presensya ng lalaking nasa harapan ko. Kaya napalingon ako sa kaniyang gawi.
“Hiding from someone?”