Hazel Eirlys Soriano’s Point of View
“Hindi ka ba sasama sa daddy mo?” bungad na tanong sa akin ni Mommy nang ako ay pababa na sa aming hagdan.
Tinanghali ako ng gising dahil sa pagbabasa ng mga libro. Kahit naman tapos na ako sa pag-aaral ay gusto kong magbasa pa rin nang sa gayon ay may mga matutunan pa rin ako. Ako pa naman ang nag-iisang heiress ng mga magulang ako. Hindi rin naman ako nagkaroon ng kapatid dahil nga wala naman na kasing balak sina mommy noon na magkaroon pa ng anak. Ayos na raw kasi na may isang anak sila na magmamana ng mga business at kung ano pa ng property nila.
Kaya sobrang bigat ng pressure na nararamdaman ko lalo na nang ako ay nag-aaral. Kahit naman kasi sabihin nila noon na ayos na makapagtapos ako, hindi pa rin sapat iyon sa akin because they are expecting more from me. Most of my cousins are achievers, which I had to keep up with to avoid comparison. Getting compared with someone would surely devastate me; that’s why I had to be competitive. I had to be perfect and accomplish something that would satisfy me sooner.
“No, mom. It’s my day off,” I responded with a raspy voice.
I cleared the lump in my throat as the corner of my lips lifted. Mom was in her mid-40s, though she still looked youthful as if we were precisely siblings. Nakasuot ng apron si mommy at mukhang nagluluto na siya ng lunch. I simply roamed my eyes in our living room and didn’t notice my dad.
Mukhang nakaalis na talaga siya. Minsan kasi ay late siyang nagpupunta sa trabaho dahil may inaasikaso pa siya sa office room niya rito sa bahay niya. Bukod pa roon ay tambak rin ang kaniyang mga paperwork kaya talagang madalas ay tumatambay siya rito sa bahay para tapusin ang mga iyon. Ang gusto kasi niya ay kung paperwork lang, iyon lang. Kaya talagang madalas siyang mag-cancel ng meeting lalo na kung alam naman niyang marami siyang babasahing document.
“That explains why.”
Hindi na ako nagsalita pa sa sinabi ni Mommy at dumiretso na lamang sa kusina nang sa gayon ay makakain na ako nang agahan. Kailangan ko pa kasing magbasa ng mga libro about sa business. Hinahanda ko na kasi ang sarili ko dahil magkaiba naman ang pag-aaral sa real life na mismo. Ayaw ko rin naman kasing magkamali—never din naman kasi akong nagkamali.
Sa business world kasi, perfectionist ang lahat ng tao. Hindi puwedeng magkamali dahil lahat dapat ng galaw namin ay kontrolado. Ultimo pag-iisip, kailangan naming gumamit nang sampung utak para masigurong tama ang gagawin namin. Kailangan timbangin kung maayos ba ang kalalabas o hindi maganda. Pera kasi ang usapan kung sakaling magla-launch kami nang bagong product at kailangan naming planuhin nang maayos ang tungkol sa ganoong bagay.
“May pupuntahan ka ba ngayon, Hazel?” pang-uusisa sa akin muli ni Mommy para basagin ang nakakabinging katahimikan.
Pupuntahan? Wala naman akong balak sa ngayon pero kung sakali man, puwede namang gumala muna ako sa mall nang sa gayon naman ay makahinga ako nang maayos. Pakiramdam ko kasi ay nasasakal na ako sa pressure na nararamdaman ko magmula nang mamulat ako sa reyalidad. Kahit man lang papaano ay magawan ko nang paraan ang nararamdaman ko.
“Siguro. I’m uncertain, mom. Gusto ko kasing magpahinga muna,” tugon ko sa kaniya bago sumubo ng bacon at kanin.
Matapos kong kumain ng agahan ay dagli akong nagpunta sa kuwarto ko para maligo. Dala ko pa nga ang aking cellphone para makinig ng mga balita na nagkalat sa internet. Kailangan ko kasing malaman kung sinu-sino ang mga umaangat ngayon sa business world at karamihan na rito ay ang Delgado, Mijares, Monreal, Mercado, Miranda, Mercedes, Sandoval, Rivanov, Zendejas, Salvador, Yañez, Romero at Monterverde. Sa katunayan nga ay marami pa sila pero sa ngayon, hindi ko na nasundan ang lahat.
Napahilamos na lamang ako ng aking mukha at hinayaan ang aking sarili na malunod muna sa mga bagay na gumugulo sa aking isipan. Pressure, future ko, business at self doubts.
Sa huli, napagpasyahan ko na lamang magpunta sa mall. Hinahanap ko lang ang mga bodyguard ko dahil kailangan ko talaga ng kasama kahit isa lang pero kapag busy sila, ayos lang din naman dahil hindi pa naman ako ginugulo ng media.
Habang hinahanap ko sila, may narinig akong dalawang boses na nag-uusap sa bandang garden namin. Nagkalat kasi ang mga tauhan ni Daddy sa buong lugar ng bahay namin. Minsan pa nga ay sa buong village para masiguro ang kaligtasan namin. Noong una nga ay hindi ko maintindihan kung bakit sobrang higpit ni Daddy sa safety namin subalit naintindihan ko rin naman kalaunan.
“Ikakasal pala talaga si Ma’am Hazel para makuha niya ang mga mana niya?” usisa ng isa.
Napakunot naman ang aking noo sa aking narinig dahil kahit kailan, wala akong narinig na balita tungkol sa bagay na iyon. Wala rin namang sinasabi sina Mommy at Daddy sa akin tungkol sa pagpapasa nila ng mga hawak nilang ari-arian. Kaya ngayon ay gulong-gulo ako. Like, what the f**k is happening? Hindi naman siguro mali ang pagkakadinig ko, hindi ba?
“Oo, kalat na kaya ‘yan noon,” natatawang tugon naman ng isa na nagpatigil ng aking puso. “Sa isang gangster nga siya ipapakasal. Iyon ang huling balita ko kay boss. Kaya nga marami tayong nagbabantay ngayon sa asawa ni boss dahil—”
Hindi ko na nasundan pa ang sinabi ng lalaki dahil mabilis akong nagtungo sa parking lot. Hindi ko lubos aakalain na ganoon ang naririnig ko dahil wala naman akong nabalitaan sa mga magulang ko.
Alam ko naman na dapat ay hindi ako nakikinig sa kanila dahil mas maganda namang lumabas iyon sa bibig ng mga magulang ko pero paano kung wala silang balak sabihin hangga’t hindi dumadating ang araw na gusto nila?
Inis na pinaandar ko ang sasakyan ko lalo na nang bumalot ang lungkot, sakit at galit sa aking puso. Hindi ko lubos inaakala na ganito pala ang mangyayari sa akin kung gayon na ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko tapos ganito ang makukuha ko? Nang mamulat ako sa mundong ito, sinunod ko ang gusto nila pero malalaman kong ikakasal ako sa taong hindi ko kilala. Ang pinakamalala pa ay ikakasal ako sa gangster.
Fuck! I couldn’t accept it. Really? Sa gangster? Kulang na lang ay ipakasal ako sa mga mafia para lang sa pangsariling kaligayahan ng mga magulang ko. Buong akala ko pa man din ay ikakasal ako dahil mahal ko ang isang tao pero hindi pala. Tungkol pa rin pala sa business kung bakit ganito ang gusto ni Daddy.
Pinaharurot ko ang aking sasakyan nang hindi man lang iniisip kung madidisgrasya ako. Bahala na. Ang mahalaga naman ay makaalis ako sa lugar namin nang tahimik dahil kung magtatagal ako roon, baka magwala pa ako. Hindi nga mahalaga sa akin ang business pero kung hindi naman matino ang pamilyang mayroon ako, huwag na lang.
Habang nagmamaneho ako, nakatanggap ako ng isang tawag sa aking kaibigan, si Kassidy. Isa siyang Romero pero hindi naman naging problema iyon dahil nga malapit naman kasi talaga kami sa isa’t isa. Magkaklase kasi kami magmula pa noong high school ako.
“Hey,” simpleng bati ko sa kaniya.
“Busy ka?” tanong niya sa kabilang linya. “Gagala sana tayo papuntang La Union.”
Napairap naman ako sa naging aya niya dahil ang daming puwedeng puntahan, La Union pa. Puwede naman kasing sa Tagaytay na lamang o Bataan.