Chapter 2

1271 Words
“Wala akong balak,” palusot ko na lamang bago patayin ang tawag. Gustuhin ko mang gumala o magpunta sa ibang lugar, hindi ko magawa dahil nga masiyadong nilalamon ng utak ko ang nangyari kanina. Ang daming katanungan na unti-unting kinakain ang utak ko pero hanggang ngayon ay wala akong mahanap na kasagutan. Hindi ko malaman kung bakit ganoon na lamang ang narinig ko—kung bakit ipapakasal ako ni Daddy sa ibang tao na hindi naman dapat. Mahal ko ang sarili ko at hindi ako papayag na basta na lang akong itapon sa kung saan—sa kung kanino. Alam ko kung ano ang gusto ko—kung gaano ako ka-worth it na tao tapos basta na lang akong ipapakasal sa kung kanino na hindi ko naman mahal? Nakakatawa man, naging matulin tuloy ang takbo ng aking sasakyan dahil sa inis ko. Nawala na rin sa focus ang sarili ko sa pagmamaneho dahil sa galit na nararamdaman ko. Nagdidilim ang lahat. Nanginginig din ang mga kamay ko sa galit at pakiramdam ko ay binabalot ako nang malamig na hangin. Labag man sa kalooban kong itigil ang pagmamaneho nang tuluyan kong maaninag ang isang mall, mabilis akong nagtungo sa parking lot nang sa gayon ay makahinga naman ako nang maayos. Mabibigat na hakbang akong pumasok sa mall at hondi na inalintana kung ano ang naging hitsura ko. Basta ang alam ko lamang, mabigat ang aura ko. “Hazel.” Napabalik ako sa reyalidad nang may marinig akong pamilyar na boses. Mabilis siyang lumingkis sa braso ko hanggang sa maamoy ko na lamang ang matamis nitong pabango na nagpairap sa akin. Si Kassidy. Sa dami kasi ng taong makakasalamuha ko, ang kaibigan ko pa. Buong akala ko pa man din ay gagala talaga siya papunta ng La Union pero mali ako—nasa mall din pala siya kagaya ko. Sadyang mapaglaro pala talaga ang tadhana. Parang kanina lang ay gusto kong iwasan ang kaibigan ko dahil nga inaaya niya ako. Gusto ko rin kasing mag-isip pero heto siya, bigla na lamang lumitaw na para bang naging kabute na. “Akala ko ba ay gagala ka?” bagot na tanong ko nang mabilis kong palitan ang aura na pumapalibot sa akin. Ayaw ko kasing malaman niya ang tungkol sa problema na mayroon ako. Oo nga’t gusto kong sabihin sa kaniya pero ayaw kong maging pabigat. Malaki rin naman ang tiwala ko sa kaniya pero kahit na gano’n, ayaw kong gawin. Problema ko lang ’to at dapat ay hindi ako nangdadamay nang ibang tao. “Wala na. Tinamad na ako kaya nagpunta na lang ako rito para mag-shopping,” sagot niya sa akin. Umirap naman ako sa kawalan at marahang ipinilig ang aking ulo nang kumalabog ang puso ko sa kaba—hindi dahil galit ako. Weird. What’s happening? Pinili kong kalimutan ang bagay na ’yon at kaagad na nagpatangay na lamang sa kaibigan ko na ngayon ay pumasok sa isang clothing line na sobrang mamahalin. “Bibili na lang tayo ng damit mo—dress or something,” wika niya. Napabuntong-hininga na lang ako sa naging pahayag ng aking kaibigan dahil kahit wala naman sa plano ko ang bagay na ’to, nagawa pa rin niyang ayain akong bumili. “Marami na akong damit,” dahilan ko sa kaniya ngunit patuloy lamang sa pagtitingin ng mga display ang aking kaibigan. Fuck! Ito ang ayaw ko kapag kasama ko si Kassidy, kung anu-ano ang mga pinipili niya. Mas lalo lang akong na-i-stress. Kaya naman nang makita kong busy siya, iniwan ko na lang siya nang pasimple para magtungo sa isang restaurant. Wala naman akong balak kumain dahil kakakain ko lang din naman ng breakfast kanina. Kaya ang in-order ko na lamang ay drinks. Nang sa gayon ay makatulong naman sa pagpapakalma sa akin. Sobrang init kasi talaga ng ulo ko. Napipikon ako sa lahat pero kinakailangan kong maging kalmado dahil baka mamaya, makikita ko na lang sa social media ang issue tungkol sa pagiging mainitin ng ulo ko. Gan’to pa man din kapag galing sa isang kilalang industry. Issue na lahat sa kanila—though issue rin naman kahit mga marites sa internet. Nang maramdaman ko na naman ang mga mata sa malayo na hindi ko sigurado kung ako ba ang tinitingnan ay nagsimula na naman akong mabahala. Kahit naman may mga bodyguard ako, hindi sila gan’to. Hindi sila nanggugulo at tumititig nang masama sa akin. Shit! Hindi kaya, alagad ito ng mapapangasawa ko raw na gangster? Sa pagkakaalala ko, mga tuta ’yon ng mga mafia at hindi rin sila basta-basta kung sakali man. Wala pa man din akong laban—wala. Pinili kong maging kalmado kahit na kinakain na ng negatibo ang utak ko but f**k! Hindi ko kaya! Pumipintig pa man din ang sintido ko sa bagay na ’to lalo na ngayon na kung anu-ano ang tumatakbo sa isipan ko. Hindi man ako sigurado kung tama bang sinusundan nila ako, pinanatili ko pa ring kalmado ang aura ko kahit sa loob ko ay halos gusto ko na talagang sumigaw sa galit. “Ma’am, order niyo po,” pagkuha ng waiter sa aking atensyon na nagpabaling naman sa kaniya. Hindi ko naman alam kung anong klaseng aura ang sumanib sa aura ko kanina at bigla na lamang nawala. “Thank you,” pasasalamat ko sa paghatid niya ng order ko hanggang sa lumayo na lamang siya. Iinom na sana ako ng in-order kong avocado shake nang maramdaman ko ang isang titig ng lalaki na may hindi kalayuan sa aking table. Bahagyang napaawang ang aking bibig nang mapansin kong isa pala itong Rivanov. Hindi ko lang masiguro kung ano ang kaniyang pangalan dahil hindi ko naman kinakabisado ang kanilang nga pangalan pero nang magtama ang aming mga mata? Dumagundong talaga ang puso ko sa kaba. Nakasuot siya ng white long sleeves at bahagyang nakabukas pa ang dalawang butones ng kaniyang suot—kita nang bahagya ang kaniyang dibdib na mas lalong nagpatuyo ng aking lalamunan. Ang manggas naman ng suot niya ay bahagyang nakatupi hanggang sa kaniyang siko. Ang mga malalalim na bughaw niyang mga mata ay nakatitig lamang sa akin hanggang sa kusa kong pinutol iyon at pasimpleng sumisip sa metal straw. Shit! Rivanov ’yon! Sigurado ako dahil nakita ko na ang mukha niya sa internet. Nagkalat ba naman ang mga mukha nila sa internet sa tuwing ise-search ang kanilang mga pangalan. Hindi malabong siya ’yon—ang lalaking matinik sa mga babae. Sa buong oras na pamamalagi ko sa restaurant na ’yon, wala ni isa sa amin ang lumabas kahit pa tapos na kami sa order namin. Hindi ko man maintindihan ang mga matang ipinupukol niya, kusang kumakabog naman nang malakas ang aking puso. “Grabe,” bulong ko sa aking sarili at napailing na lamang hanggang sa napagpasiyahan kong tumayo at dahan-dahang umali sa lugar na ’yon. “Makatambay na nga lang sa arcade.” Mahilig kasi akong tumambay roon kahit hindi ako mahilig maglaro. Wala. Natutuwa lang talaga ako sa mga batang naglalaro dahil kitang-kita ang saya sa kanilang mga mata at halatang wala pang binubuhat na pressure saka responsibilidad sa buhay. Ang cute nga ng mga bata kahit na may time talaga na iiyak sila o hindi kaya ay magmamaktol, cute pa rin. Halatang inosente pa talaga sila sa mundong kinagagalawan nila. Habang pinapanood ko ang mga bata, pumintig na naman ang puso ko sa kaba. Parang may mangyayaring hindi maganda at hopefully, mali ang nararamdaman ko. “The heck? Bakit ba gan’to ang nararamdaman ko?” Sinubukan ko na ngang lumayo pero bakit may mga mabibigat na titig pa rin ang nakatuon sa akin? Ano ba ang nagawa ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD