Hindi kami nagkita ni Vaughn matapos ang araw na iyon. Nagkulong kasi ako sa kuwarto ko dahil kinailangan kong magpahinga. Doon ko lang din kasi naramdaman ang pagod na pinilit kong huwag pansinin noon dahil kailangan kong magtrabaho nang magtrabaho para sa kapatid ko. Bumuga ako ng hangin habang pilit binabasa ang pocket book kaso wala talaga akong naiintindihan. Nami-miss ko na si Vaughn pero hindi ko siya kayang harapin dahil sa pagtatalo namin kahapon. Hindi ko rin narinig ang kaniyang boses na nakaugalian ko lalo na kapag pupunta siya rito sa bahay. Kapag kasi pupunta siya rito ay sisigaw siya. Isisigaw niya ang aking pangalan. Humugot ako nang malalim na hangin at ibinaba ang hawak kong pocket book. Nakakainis! si Vaughn na lang palagi ang laman ng utak ko. Tama pala talaga ang mg

