"Ah, Vaughn," tawag ko sa kaniyang atensyon. Lumingon naman siya kaagad sa akin at bahagyang nagtataka kung bakit ko siya tinawang. Gusto ko lang kasing magpasalamat sa kaniya tungkol sa pagtulong niya at ng kaibigan niya sa aking kapatid. Malaking bagay na kasi iyong pagbabantay niya sa aking kapatid ngunit binigyan niya pa kami ng pagkain at mga vitamins ni Mia. Sa totoo lang ay nahihiya ako kasi hindi pa naman namin kilala nang maayos ang isa't isa ngunit tinulungan na nila ako nang wala man lang pag-aalinlangan. "Bakit?" tanong niya sa akin at bahagyang nagtataka. Kasalukuyan niya akong tinutulungan ngayon sa paglalaba na hindi na dapat sana pero mapilit kasi siya kaya wala tuloy akong magawa. Tanging buntong hininga na lang ang napapakawalan ko dahil sa katigasan ng ulo niya. Kun

