Hindi ko alam kung ilang oras namin iyon ginawa pero pagsilip ko sa labas ay sobrang dilim na. Hindi ko man lang namalayan na ilang oras kaming nagsawaan sa ganoong bagay at hindi man lang napagod ang lalaking ito. Balak pa nga niya sanang umisa pero hindi ako pumayag dahil nanginginig na talaga ang mga hita ko at parang hindi ko na makakayanan pang tumayo dahil sa pagod. Mabuti na lamang at mabilis siyang pumayag. Kaya heto kami ngayon, magkatabi sa maliit na kama. Hindi ko nga alam kung paano kami nagkasya sa ganitong kama. Maliit lang kasi ito at sakto lang para sa akin pero itong lalaking ito, mukhang nahihirapan yata lalo pa at medyo malapad ang kaniyang katawan. Papasa na nga ang kaniyang katawan sa pagiging modelo ng isang clothing line kung tutuusin. Lahat silang magkakapatid ay

