Pinaupo ako ni Zach sa isang upuan. Tiningnan niya kung maayos lang ba ako. Dadalhin niya sana ako sa hospital pero pinigilan ko siya. Okey lang naman ata ako, medyo masakit lang talaga yung pwet ko sa pagkakabagsak. "Okey ka na? I don't know what to do. Dapat ay pumunta na tayo ng hospital. What if may hindi magandang nangyari sayo?" nakaupo siya sa harap ko ngayon. Ang lapit lapit niya sa akin at hindi ako makahinga. "I'm fine. I'm fine. Bumalik ka na kay Eros." "Hindi kita pwedeng iwan. You're hurt." nag-aalala niyang wika. "Dadalhin kita sa kwarto mo. I will call our family doctor para matingnan ka. Hindi mo na kailangan magpunta ng hospital kung ayaw mo." I rolled my eyes. "Zach hindi na nga kai--" "Wag na matigas ang ulo, Stephanie. I just want to make sure you're fine." Hindi

