"Wala namang nabali o na-fracture na buto. Wala kayong dapat na ipag-alala. Ipahinga niya lang yan at mawawala rin ang sakit. If you really want to make sure, you can have an x-ray. " anang doctor. Nakahinga ako ng maluwag. Unti-unti na rin namang nawawala ang sakit sa balakang ko. Medyo nabigla lang ata sa pagkakabagsak ko kanina. "Thank you, doc." ani Zach. "Anytime Zach." anang doctor. "Dapat ay inaalagaan mo ang asawa mo." Namilog ang mga mata ko sa sinabi ng doctor. Itatama ko sana ang maling akala nito pero nauna ng magsalita si Zach. "I will... Hindi ko naman kasi alam kung anong ginagawa niya sa kusina at tumatakbong mag-isa." "Hindi nga ako tumakbo!" depensa ko. "Oo na. Oo na. Hindi na, misis." tukso ni Zach. Sinimangutan ko siya. Sapakin ko siya. Misis. Tss. Nagpaalam na

