"Kailan niyo naman balak na ikasal, Miguel? Aba, napakaganda ng nobya mo. Kung ako sayo'y babakuran ko na agad yan." biro ng isang matandang babae na kasama namin sa table. Miguel laughed. Hinawakan niya ang kamay ko. "Soon." Sasapakin ko na talaga siya oras na umalis na kami rito. Mukhang nagugustuhan na niya masyado yung pagpapanggap naming dalawa. Di lang talaga ako makapagsalita dahil nakikinig si Zach. Speaking of Zach, talagang hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin kanina pa. Gusto ko na tusukin yung mata niya. Naaasiwa na kasi talaga ako. "Where did you meet her?" curious naman na tanong ng isang hindi katandaang babae. I heard she's the president's wife, the first lady. Ang big time ng mga guests diba? He looked at me. "It was unexpected. Kadarating ko lang nun dito sa pil

