I asked Daeny and Ken na lumabas kaming tatlo. Dinala ko si Eros dahil hindi ko kayang malayo sa kanya ng matagal. Tuwang tuwa naman ang dalawa. Si Ken, halos ayaw na bitawan ang anak ko. Habang nakatingin ako sa kanilang dalawa, hindi mawala sa isip ko yung fact na alam niya kung sino ang tatay ni Eros. "Wait guys, cr muna ako." paalam ni Daeny. I nodded. Pinagmasdan ko siyang umalis. Nang mawala na ng tuluyan si Daeny, saka ako naglakad ng loob na kausapin si Ken. I really want to ask her about it. Gusto kong malaman kung ano nga bang nalalaman niya. "Hindi na kayo nagkakausap ni Zen?" simula ko. Tinaas niya ang tingin niya sa akin. "We're both busy. Conflict yung schedule." "Nag-away ba kayo?" Umiling siya. "Why are you asking? And how did you know about it? Nagkita ba kayo?" I s

