Eight

1436 Words
             Ilang araw akong hindi makapag-isip ng tama matapos ang usapan namin ni daddy. He wanted me to seduce Zacharias Lucas para makuha niya ang project. I don't know... Naguguluhan ako. He's getting married. Hindi ko dapat iyun gawin pero... This is my chance to prove to my parents that I have worth.... I like Zach... And I really want him. He's still engage. Daeny's right, pwede pa siyang maagaw. Ngayon lang ako magiging selfish. Kung makukuha ko ang lahat sa isang bato lang... Why not? My parents' trust... Zach... That's all I've ever wanted.              In the end, I agreed with dad. He made a contract with me. Oras na makuha ng kompanya namin ang proyekto, he promised na ilalagay niya ako sa isa sa mga department ng kompanya namin. Sisiguraduhin daw niyang matututunan ko lahat ng pasikot-sikot sa kompanya para sa hinaharap. He also said na ibibigay niya sa akin lahat ng gusto ko. A house... Car... Lahat. Kahit ano. It was so tempting okey?              That project's worth a billion pesos. Billion!!!! Napakalaking halaga! Alam niyo ba kung ilang proyekto ang kailangang matapos ng kompanya namin to get that? Marahil ay aabutin pa ng ilang taon but... For one project... Billion!!... Siguradong malaking tulong yun sa kompanya!              So pinlano ko na ang mga dapat gawin para makuha si Zach. Kailangan kong maging wais. Dapat ay ako ang manalo sa huli. Sisiguraduhin kong makukuha ko ang mga bagay na gusto ko. I'm Stephanie Angeles at kahit kailan hindi ako nagpapatalo.              "Ano ulit ang sinabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Edmund. Pinsan ko.              I sighed. "Kailangan ko bang paulit-ulitin?? Come on, Edmund. Help me kahit ngayon lang!"              Umiling-iling ito. "Bakit ba puro baliw ang mga babae sa pamilya? Una si Acey.. Tapos sumunod sa kabaliwan si Ericka, tapos ngayon, Ikaw naman. You guys are impossible."              "Edmund... Please? Alam mo ba kung ilang gabi akong hindi natulog para lang makuha ang information na toh?"              "Stephanie... Hindi madaling makapasok sa club na yun. Wag ka na mangarap." aniya sabay higop ng kape niya.              "Hindi ko naman kailangan maging myembro. Dalhin mo lang ako doon as your guest. Pupunta siya roon ngayong weekend. Please?"              "Steph... You're pretty. Hindi ka dapat naghahabol, ikaw dapat yung hinahabol. Wag mong ibaba ang pangalan ng pamilya natin, ano ba."              Napasimangot ako. "I just really like him, Edmund. Sige na please? Hindi naman ako gagawa ng kalokohan eh. I will behave. Gusto ko lang talagang makita siya at--"              "At pikutin siya? Insane. Very insane."              Binaba ko ang hawak na kape saka hinawakan ang isang kamay ni Edmund. "Ngayon lang talaga. Please? Pagbigyan mo na ako? ha? You don't need to come with me naman eh. Please, Ed."              Nanliit ang mga mata nito. "Mapapagalitan ako nina tita."              "Do you think they care? Edmund, pleasssseeeee? Gagawin ko lahat. Ibibigay ko yung motor ko kung hahaya--"              "Deal." mabilis na wika nito't hindi man lang ako pinatapos.              I raised my eyebrow. "So yun lang ang hinihintay mo? Muntik mo na ako mapaniwala sa mabait na cousin acting mo." di makapaniwala kong wika.              He chuckled. "Sasamahan kita this weekend dahil hindi ka pwedeng makapasok roon without a club member escorting you. That's a very exclusive club, Steph. Wag na wag kang gagawa ng kahit anong bagay na ikasasama ko. Oras na lumabag ka sa kahit isa lang sa rules nila, siguradong masisipa ka na palabas. I have my own villa inside so you can stay there for three days."              Napangiti ako. "Salamat talaga, Edmund. I will forever thank you for this."              "Aware ka namang kahit na sundan mo pa siya kahit saan, kung wala siyang interes sayo, walang mangyayari, diba? Siguro naman ay alam mong walang patutunguhan tong katangahan mo, diba?"              Inirapan ko siya. "Let's see, cousin. Baka magulat ka na lang, paglabas ko ng club, may boyfriend na ako."              "Keep dreaming. Hindi ganun kadali ang mga Lucas."              Nagkibit-balikat ako saka ininom na ang kape ko. Kung alam niya lang ang tungkol sa mga nangyari sa pagitan namin ni Zach, baka bawiin niya ang mga sinabi niya. I am sure I will get him before the week ends.              "What? Aalis ka this weekend? You're going to Grex? Are you freaking serious? Alam mo ba ang kwento sa club na yun?" gulat na tanong ni Daeny.              I told her about sa pag-alis ko this weekend. I asked Edmund kung pwede ako magsama. Okey lang naman daw pero ako daw ang magbabayad. One guest at a time lang daw kasi ang pwedeng ipasok sa club. Kung more than one yung guest na dadalhin, kailangan nang magbayad for their reception. Almost everything ay free na daw kasi sa loob. Pwede ka gumamit ng pool and kung anu-ano pa. You're also allowed na gamitin yung maliliit nilang transportation vehicle sa loob to look around the club whenever you want.              "Anong kwento? Wala akong naririnig. It's an exclusive club. Strikto sila pagdating sa rules ng club kaya imposible namang may hindi magandang nangyayari sa loob diba?"              Pinalo-palo ako nito sa braso. "Yun na nga!!!! Grex!! You're talking about Grex!!! Alam mo bang ang sabi-sabi ay puro mayayaman at gwapo ang mga myembro ng club??? God, Stephanie, I'm coming with you!!!"              I rolled my eyes. Yun lang naman pala. Tsk. Muntik ko na makalimutan na yung mga ganitong lugar nga pala ang gusto niya. So wala ng problema. Sasama siya. Ako na ang bahala sa babayaran. I will ask dad for money. I'm sure wala namang problema yun sa kanya since ito naman ang gusto niya mangyari. Baka pa nga may bonus pa akong makuha.              "Talagang gustong gusto mo siya ano?" komento ni Daeny pagkuway. Nakatitig siya sa akin na para bang manghang mangha.              Tipid akong ngumiti. "Siguro nga."              "Ngayon lang kitang nakitang ganito. Madalas kitang nakikitang nakikipaglandian dati pero hindi yung ganito na talagang dadating ka sa point na ii-stalk mo yung isang tao... Actually, after what you said that happened to you and Zach, marami ng nagbago sayo. I haven't seen you flirting na."              I chuckled. Ganito siguro talaga ang nangyayari pag tinamaan ka sa isang tao. Gusto mo na siya na lang. Wala ka ng ibang gusto kundi siya lang at pag hindi mo siya makita, mababaliw ka. Yung alam mong mali pero hindi mo lang talaga mapigilan ang sarili mo. I am really my dad's daughter. We do s**t because we want it kahit na alam naming may sasaktang iba.              I don't know about that girl that's engaged to Zach pero kung ganitong nagagawa ni Zach na mag-cheat sa kanya... Diba dapat magpasalamat na lang siya oras na makuha ko na si Zach? Iniwas ko siya sa isang buhay na dinadanas ngayon ng mommy ko. I am sure hindi niya kayang ihandle si Zach pero ako... Kaya ko. I will do anything for him and I will probably do everything para lang ako lang ang babae sa buhay niya.              Iba ako kung ma-obssessed. Sometimes nababaliw ako. I become toxic. I badly want him. I hope God will forgive me sa mga gagawin ko.              "I just really hope na hindi ka masaktan sa huli, Steph. I know you're a strong woman pero alam ko rin kung gaano ka kahina. Mas gusto ko ng ganito ka lang. Minsan masungit, minsan mabait... Ayaw ko na makita ang dating Steph. I don't want you to ruin your life again." ani Daeny.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD