Nakakahiya mang aminin pero talagang namangha ako sa ganda ng club. Parehas kami ni Daeny na hindi mapirmi ang tingin sa ibang lugar. I am not a fan of these formalities, okey? Wala akong sinasalihang club and I never went to any kahit isang beses lang sa buhay ko. I find it boring, but this place. Oh god this place. It's just amazing.
Mula dito sa harap ay tanaw ko ang mga tao sa loob. Napakalaki daw nitong lugar na ito. Kinukwentuhan kami ni Edmund tungkol dito while nasa byahe kami. This is his safe haven. Sa pagkakaalam ko, dito rin niya nakilala yung babaeng napangasawa niya. I know his wife. She's pretty cool. Medyo mataray, makikita mo naman iyun, unang tingin mo pa lang... Kaya nga gustong gusto siya ng halos lahat sa pamilya namin.
It was awkward the first time I met Sam. Lagi nila sinasabi kung paano kami magkamukha. Yung porma ng mukha namin. Yung mga mata. We're almost the same. Minsan nga naiisip ko baka kapatid ko siya sa ibang nanay. Malay ko ba kung nakabuntis ang tatay ko ng iba, di niya lang alam? Lol. Pero really, flattered naman ako. Sam's really beautiful. Minsan nga binibiro ko si Edmund na baka may secret crush siya sa akin dahil sa lahat ay si Sam pa na kamukha ko ang napili niyang pakasalanan. Sinasapak niya lang ako habang diring diri hahahaha. I like Sam. I really do. Twiny nga kasi kaming dalawa. I love seeing her with Edmund too. Nakikita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa.
Maging tulad din kaya ng kay Edmund ang love story ko? Lalabas rin kaya ako dito sa club na may galak sa puso? I really hope so. Hindi ko alam kung ano pa ang gagawin kung hindi ako magtatagumpay sa plano ko.
"There is already a car waiting for you outside, Mr. Rodriguez. I already made a reservation in the restaurant for you and your guests. We hope you'll enjoy your weekend, sir." anang babae na nasa reception.
He smiled. "Thank you, Anne. You really don't need to speak formally to me." aniyang natatawa.
"You know I need to, Mr. Rodriguez." anang babae.
"Oh siya... We'll get going. Nakikita kong excited na silang makita ang lugar."
"As you please, Mr. Rodriguez."
Lumapit sa amin ang isang lalaki at kinuha ang bag na dala namin. He escorted us outside the building. Doon ay may isang kotse na naghihintay sa amin. Ang gara ng sundo diba?
"Anne's Sam's sister. I think nakita mo na siya nung kasal ko. She's a nice kid. Medyo nahirapan nga lang akong makuha ang loob niya noong nililigawan ko ang kapatid niya." natatawang wika ni Edmund.
"Mukhang ayaw niya pa rin sayo, insan." biro ko.
He chuckled. "Wala na siyang magagawa. Kasal na kami ng kapatid niya."
Pumasok na kami sa sasakyan. Edmund took the key from the driver at siya na daw ang magda-drive. I realized it's his club car. Ito ang ginagamit niya dito sa loob since hindi nga pwede ipasok yung kotseng dala ng mga guests or club members. For safety purposes daw. Ang strikto diba? Medyo hassle pero the moment you step inside, siguradong mage-enjoy ka naman daw even with those rules.
"Ikot muna tayo bago magpunta sa villa?" tanong ni Edmund.
I nodded. "Gusto ko rin makita ang buong lugar."
"This place is really cool. May bar ba sila rito or something?" ani Daeny.
Tumango si Edmund. "Pero mahihirapan kang pumasok kung bisita ka lang rito. May mga bagay kasing mga myembro lang dapat ang nakakaalam. Alam mo na..."
Napailing ako. "Meron din pala niyan dito?"
"Ano pa nga ba? Halos lalaki ang mga myembro sa club na toh and most of them are businessmen. This is there escape, cousin. Dito nila nailalabas lahat ng frustrations nila... Even their shenanigans."
Hindi na ako nagtataka kung ba't ang lakas ng loob ni daddy na lokohin si mommy. These big organizations or groups support their antics. Handa pa ang mga itong pagtakpan ang mga kalokohan nila. Of course they just wanna help. These businessmen are too frustrated in life. They're working their ass off every week... But are they aware that they're ruining a family?
Lumiko kami sa isang maliit na skinita. From here ay tanaw ko ang napakalaking golf course. May ibang naglalaro pa akong nakikita. Old rich people's sport.
"Do you play golf?" tanong ko kay Edmund.
"I tried one time but it's harder than I thought." aniya.
Pinagmasdan ko ang mga naglalaro. Mukhang enjoy na enjoy naman sila sa pagpalo ng maliit na bola na nasa lupa. I really don't understand the game but kung titingnan mukhang effective ang larong toh sa pagbabawas ng timbang. Lakad kasi ng lakad. Wag ka lang talagang sumakay nung maliit na sasakyang ginagamit nila sa golf ay siguradong papayat ka talaga.
"May gym din dito sa loob. I've seen your beloved Zacharias Lucas a couple of times in the gym. Minsan, nakakalaro ko siya ng basket. The basketball court's only a hundred meters away from here." kwento niya.
Napangiti ako. Kaya naman pala ang tigad tigas ng abs. Mahilig palang mag-work out. Bigla kong naimagine kung anong itsura niya habang pawis na pawis. Gosh. Ang bango pa rin siguro nung lalaking yun kahit na madungis.
"I heard he's getting married... Are you aware?" ani Edmund na mukhang hindi sure kung tamang sinabi niya yun sa akin.
I nodded. "He told me."
"And you're still interested?"
"I just really like him so much. He's still engage. Hindi pa naman sila kasal. Marami pang pwedeng mangyari."
Umiling-iling ito. "You're really crazy." aniya. "Well, I hope you succeed sa plano mo. He's not the player type. Kung magpapakasal siya sa isang babae, malamang yun ay dahil gusto niya. There's no way na maaagaw mo siya... Sinasabi ko lang yan para matauhan ka na."
"I know, Edmund. Just let me do my thing. At least kahit na matuloy yung kasal nila, masabi kong, I tried."
"Ewan ko sayo." aniya na lang.
Lumiko ulit ang sasakyan niya. This time ay may gate na nakaharang sa amin. Agad iyung bumukas ng malapit na ang sasakyan ni Edmund doon. I looked at the place. Napanganga ako ng makita ang mga naggagandahang villa habang dumadaan kami roon. Iba-iba ang mga disenyo ng villa. Malayo nga lang ang agwat ng mga ito sa isa't isa. Kung aatakihin ka sa puso sa loob ng villa, malamang malamig na bangkay ka na bago ka nila matagpuan.
Matapos ang ilang minutong pag-ikot ay huminto na ang sasakyan sa harap ng isang puting villa. I guess this is his. The style is modern. Unang tingin mo pa lang, alam mo na agad na lalaki ang nakatira. Masyadong dull yung kulay but the place is good. Very cool.
Pumasok kami sa loob. Dalawang ang-ang ang villa. Pagpasok mo pa lang ay sasalubong na sayo agad ang malaking sala. Sa right side ay nandun ang kitchen. Black and white ang theme ng villa. May malaking telebisyon sa sala. The sofa looks very comforting. Ang relaxing tingnan.
"Your room's upstairs. May apat na kwarto dito. Mamili nalang kayo kung alin ang gusto niyo. I barely use this tuwing pumupunta ako rito dahil medyo malayo sa central. I will ask the utility to clean this while you guys are here. Magpapadala na rin ako ng mga kakailanganin niyo sa banyo and kitchen. If you need anything, may telepono sa gilid ng bed, in each room. You can use that to contact them." ani Edmund saka binaba ang bags namin ni Daeny.
"I like this place." wika ko.
"I know. Wag na wag mong subukang magdala ng lalaki rito, Steph." paalala niya.
I chuckled. "Don't worry too much, Ed."
"I hope this place will help you realize that your little romantic plans are claptrap."
"You can't discourage me, Ed. I know what I'm doing. Wag mo na akong paalalahanan pa dahil mas lalo lang akong nae-excite na gawin ang mga plano ko."
Pinanliitan niya ako ng mata. "Good luck, then."