Two

2356 Words
             Patuloy si Daeny sa pang-aakit niya, though wala namang naaakit. Ipagdadasal ko na lang ang puso niya mamaya. Malamang, iiyak na naman yan. Jusko, hindi niyo gustong makitang maglasing yang babaeng yan. Nung huli siyang nalasing at nireject siya ng lalaking pinipikot, napasugod kami sa clinic ni doctor Belo. Magpaparetoke na daw siya. Hindi ko kinaya. Buti na lang talaga at sarado na ang klinika nung oras na yun kundi ay baka natuloy na ang kagagahan niya.              "Sayaw tayo beshy?" ani Daeny saka hinila ako bigla patayo. Muntik ko ng matapon ang hawak kong inumin.              "What the hell Daeny?" sita ko rito ng nasa gitna na kami ng dance floor.              She started to dance in front of me. Muntik na akong masuka. Babalik sana ako sa inuupuan ko kanina pero hinila na naman niya ako. Napamaktol ako. Ano ba talagang gustong mangyari ng babaeng toh? Itapon ko kaya tong hawak ko sa kanya ng magising siya? Dinadamay pa ako sa kalokohan niya.              "Come on, Stephanie. Dance... I know you love dancing. Para saan pa yung pagiging member mo ng dance troup nung highschool kung di mo lang din naman gagamitin dito ngayon?"              "So anong gusto mong gawin ko dito ngayon? Mag-cramping?"              She chuckled. "Pwede rin." aniya. "Come on, Stephanie. Show them how good you are."              Nailing ako. Tsk. Pagbibigyan ko na nga. I miss dancing too. Binigay ko ang hawak na bote sa isang lalaking nasa tabi ko saka nagsimula akong sumayaw. Humiyaw si Daeny. I love this life. Young, wild and free.              "That's it beshy. Ilabas mo lang lahat ng nararamdaman mo."              Nagsimula na kaming paikutan ng ibang nasa dance floor. Una ay nahihiya pa ako pero di nagtagal, nakikisabay na rin ako sa kanila. I danced with girls and boys. Kahit sinong lumapit. Hindi naman talaga ako sumasayaw dati tuwing nagpupunta ng bar. Gusto ko lang talaga uminom at makipag-socialize.              Mula sa gilid ay tinulak ng isang lalaki ang kasama niya. Napahinto ako sa pagsasayaw dahil muntik na akong matumba ng gumitgit siya sa akin.              "What the f**k bro?" sita nito sa kaibigan.              "Do it, bro. You should enjoy the partyyyyy!!!" anang isa saka nakipagsayaw na sa kasama nitong babae.              Tiningnan ako ng lalaki. I smiled at him but he didn't smile back. Muntik ng malaglag ang panga ko ng tumama ang ilaw sa mukha niya. He's a hottie!!! I am not exaggerating or something... He is really a hottie. His face... His body. Wow mukhang suswertehin ako ngayong gabi.              Nakatingin lang ako sa mukha niya. You barely see people like him here. Noong mga nakaraang araw kasi panay pa-cool kid yung tumatambay rito. What a breath of fresh air. Parang biglang tumigil lahat at siya na lang ang nakikita ko. Is this his first time? Or hindi ko lang siya napapansin dati dahil hindi naman ako nakikipag-gilingan sa dance floor? If I knew I'd meet someone like this god in front of me, I would have done this sooner. Witwew.              "Why are you standing, Zach?? Dance with her!" sigaw ng isa niyang kasama.              Doon lang ako nagising sa iniisip. So his name's Zach. That name suddenly have an appeal to me.              Nagsimula na ako ulit na sumayaw but this time, more sexy. Dinikit ko ang katawan ko sa kanya. Parang biglang nagkaroon ng sariling utak ang katawan ko... But I'm not complaining... I am liking it. Sino bang hihindi sa katulad niya? Like come on. It's my chance to hook up with the handsomest face in the room. I'm not wasting it.              Hindi ko alam kung nagi-ilusyon ako o nakita ko siyang napakagat ng labi.              Pinarada ko ang dalawang kamay mula sa balikat niya, sa dibdib, hanggang sa tiyan... s**t. Ang tigas. Palihim kong binilang ang abs niya... Omg... Anim... Anim guys. Gusto ko tuloy makita. Gosh. Pwede ko bang itaas ang tshirt niya?              Lumapit ako sa kanya ng koni just enough for my lips to touch his ear. "So your name's Zach?" pagsisimula ko.              "Zacharias but you can call me Zach." sagot niya.              Namilog ang mga mata ko. "Wait... I think I heard that name. Ikaw ang may-ari nitong bar?"              He smiled. "Yes."              Napangisi ako. "You don't look like someone who loves partying though."              Pinagpatuloy ko ang pagsayaw sa kanya. He's just standing there, hinahayaan akong sayawan siya.              "I just love drinking." sagot niya.              "Ohh..." wala akong ibang masabi. Parang na-tongue tied ako bigla. For the first time, naubusan ako ng salita. Parang gusto ko na lang kasing pagmasdan ang maganda nitong mukha.              "May I know your name?" tanong niya pagkuway.              I smiled. Akala ko ay hindi na niya tatanungin. "Stephanie."              He smirked. "Nice to meet you, Stephanie."              "Same, Zach."              Hinawakan niya ang kamay ko dahilan kaya natigil ako. He looked at me in my eyes at muntik na akong matunaw dahil roon. Damn it. Hindi nga nagkamali si Daeny... Kahit isang araw lang na maging jowa ko toh, okey na. Pwede na ako kunin ni lord. He is just soooo handsome.              "Why don't we sit and talk, Stephanie?" aniya.              "H-huh?"              "I don't really feel like dancing. My friends are having fun... Can I take you for a drink?"              Shit... Inaayaya niya ako. My face looks neutral but my heart's pounding like crazy.              "S-sure."              Dinala niya ako sa malapit na table. Tinawag niya yung waiter saka nag-order ng drinks. Inorder naman niya yung ininom ko kanina para sa akin. I was shock. Kanina pa ba niya ako pinagmamasdan at alam niya ang iniinom ko? Or baka naman nagkataon lang?              But come to think of it, if magiging friends kami, baka ilibre na niya ako ng inumin dito sa bar niya so that means... Hindi ko na kailangang gumastos pa!!! Kung kaibiganin ko kaya siya? Yung as in close na close na kaming dalawa? Hindi naman sa hampaslupa ako noh? Sayang lang kasi. Minsan lang may lumapit na grasya.              "Are you with your friends?" tanong niya.              I nodded. "I am with a friend." I answered emphasizing its singularity.              "And I guess she's having fun?"              Napatingin ako sa dance floor. Napailing ako ng makitang may kasayaw na si Daeny. "She's having fun."              Ilang minuto ulit na tumahimik kaming dalawa. Gosh. Mababaliw na ako kakaisip kung ano yung ito-topic ko. Hirap naman kasi pag hindi mo kilala ang kausap mo. Ayaw ko naman siyang tanungin about his relationship at baka sabihin niyang I'm hitting on him. Hindi halata pero umaandar pa rin naman yung pagiging Maria Clara ko minsan lalo na kung ganito kagwapo ang kaharap ko.              "I guess your boyfriend didn't know you're here... If I have a beautiful girlfriend like you, I won't let you go in this kind of place alone."              I chuckled. "I don't have a boyfriend."              "I don't believe you."              I rolled my eyes. "Kung meron akong boyfriend, malamang wala ako rito ngayon. I'd rather snuggle with him." which is true.              Ngumisi ito. "I see."              "Ikaw... Hindi ba alam ng girlfriend mo na andito ako?" tinanong ko na since siya naman ang nauna.              "I don't have a girlfriend."              Parang nagbunyi ang puso ko sa sinabi niya. Napakaswerte nga namang makahanap ng katulad niyang single. Madalas kasi ng gwapo ngayon, taken na. Kung hindi naman taken, bakla.              "That's nice to hear." wika ko. "I mean... Kung may girlfriend ka at nakita niyang kasama mo ako... Baka iba ang isipin niya. I really don't like troubles."              Dumating na ang inumin namin. Inabot niya sa akin yung para sa akin. Nag-cheers kaming dalawa saka sabay kaming uminom. May lumapit na isang lalaki sa table na inuupuan namin. Nagulat na lang ako ng bigla kaming hinila nito.              "Seriously... You guys should have fun!"              "N-no thanks... I'd rather--"              "Come on guys!!! Let's party!!!"              Wala na akong nagawa. Naaasiwa akong tumingin kay Zach. Nagkibit-balikat lang ito't nagpatianod na rin sa kaibigan niya Gosh. What a night. I don't know how I end up making out with a stranger in the car park. Earlier, I was just having fun with him and his friends and now we're here.              Napaungol ako ng marahas niyang binaba ang strap ng suot kong crop top. Halos maputol iyun sa ginawa niya. His kiss is so deep and aggressive, I can literally feel my lips bleeding. I didn't expect him to be like this. Parang uhaw na uhaw siya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, I am actually enjoying it.              I am almost naked in front of him. The fact na maaaring may makakita sa amin didn't even bother me a bit. I want him so much.              Nasa ganun kaming posisyon ng mabalahaw kami ng isang malakas na tili mula sa di kalayuan. Agad kong naitulak si Zach palayo sa akin. I know who's voice that is. Natataranta akong tumingin kay Daeny na parang hindi makapaniwala sa nakita. Damn it. Bakit ba ang wrong timing niya?? Saka paano niya nalamang andito ako??? Bwesit na babaeng toh. Kailangan pa talagang sumigaw.              I looked at Zach. Mukhang nabitin din ito sa ginagawa namin.              "Beshy!!! Kanina pa kita hinahanap. Akala ko nilalapa ka na ng wild animals... Wild man lang pala." aniya sabay kindat kay Zach.              Inayos ko ang damit ko. Napamura ako ng tuluyan ng masira ang strap ng suot kong tshirt.              "I think we need to go home." wika ko kay Daeny.              "Pero--              Hinawakan ko ang braso niya. I looked at Zach. "It was nice to meet you."              Kinaladkad ko na si Daeny palayo sa lugar na yun ng marinig kong magsalita si Zach.              "Babalik ka ba next time??" sigaw nito.              Napakagat-labi ako. Hinarap ko siya ulit. "I don't know!" sagot ko saka kinindatan siya.              Ngumisi ito. "Come back next evening."              Nagkibit-balikat ako. Sasagot na sana ako ng biglang masuka si Daeny. Nasigawan ko ito. Ugh! She's f*****g drunk. I knew it. Malalagot talaga toh sa akin bukas! I swear! Buti na lang at hindi ako tinamaan ng suka niya. Ugh!              Kinaladkad ko na siya papunta sa big bike ko. Damn. Paano ko siya iuuwi kung ganitong lasing siya?? Hindi ko naman pwedeng isakay toh sa motor ko. Ugh! Bahala na nga... Mahulog na ang mahulog.              Pasalampak akong humiga sa kama ko. Gosh. Ang sakit sakit ng katawan ko. Mapapatay ko talaga si Daeny bukas!!! Pinahirapan niya ako! We almost got into an accident dahil muntik na kaming matumba sa highway. Ugh! This is the first time that I really enjoyed my night and she ruined it. Bakit ba kasi kailangan niyang umextra exactly sa scene na yun? I was having a good time with Zach!!              Agad na nawala ang inis ko kay Daeny ng maalala si Zach. Ugh! He's so handsome. Kahit anong angle niya, ang gwapo pa rin. Grabeh. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko ng maalala ang ginawa namin kanina. He kissed me!!! The hottest guy in the room kissed me! Omg! I think I'm in love.              Magkikita pa kaya kami? Ano kayang mangyayari oras na magkita kami ulit? Liligawan niya ba ako? Kyaaaahhhh!! Isipin ko pa lang, nae-excite na ako.              I looked at the time. It's already 4 am! Hindi ako makatulog. Feeling ko nasa mga ulap ako ngayon at lumilipad. Ang gaan ng pakiramdam ko. Parang nagbubunyi ako... Basta... Hindi ko mai-explain yung pakiramdam. Eto na ata ang sinasabi nilang tunay na kasiyahan.              Zacharias Lucas. Hinding hindi ko kakalimutan ang pangalan na yan. Kahit anong mangyari, I will make sure na magkikita kami ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD