Three

1742 Words
             It's almost a month. Pabalik balik ako sa bar niya, nagbabakasakali na makita ko siya ulit, pero gabi-gabi, umuuwi akong disappointed. Hindi ko na siya nakita pa. Minsan nga kinukwestyon ko na yung sarili ko. Totoo ba yung nangyari o imahinasyon ko lang dala ng alak? Totoo ba si Zacharias Lucas? Damn. I even googled him and I am pretty sure it was him. Siyang siya yung nasa picture kaya imposible naman kung nagi-imagine lang ako.              As the days passed by, halos makalimutan ko na rin yung gabing yun. Binaon ko na sa isip at kinumbinsi ang sarili kong isa lang iyung malaking panaginip. What's the point of hanging? I need to go on with my life.              "Stephanie! Kanina pa kita tinatawag, hindi ka sumasagot! Nagbibingi-bingihan ka ba?"              Napabuntong-hininga ako ng marinig si mommy. Umagang umaga, galit na agad niya ang bumungad sa akin. How I wish, kaya ko ng tustusan ang sarili ko para makaalis na sa bahay na toh. I just can't live with this anymore. Yung pambababae ni daddy, saka yung galit ni mommy sa kanya na sa akin nabununton.              Binigay niya sa akin ang isang brown envelop. "Give this to your dad at sabihin mong wala akong planong pirmahan yan." aniya.              "He's in the office. Bakit hindi niyo na lang hintay--"              "Bring that to him now!!! Wala akong balak kausapin ang tatay mong gago!"              Napayuko ako. Ako na lang lagi ang napapagitnaan sa away nila. Eh hindi lang naman ako yung anak. Why don't they bring Ken here at siya yung gawing referee nilang dalawa? Nakakainis na minsan.              Tumayo na ako mula sa kinauupuan. Nagpaalam muna ako na mag-aayos lang. Habang nasa kwarto ko, hindi ko maiwasang maging curious sa kung anong laman ng envelop na yun at parang galit na galit si mommy.              Pasekreto ko iyung sinilip at halos magiba ang mundo ko ng mabasa ang nakasulat sa papel. It's an annulment paper. So they're really planning na maghiwalay?              Nanginginig ang mga tuhod na umupo ako sa tabi ng kama. What are they thinking? Ang tatanda na nila para gawin ang bagay na toh. May anak sila for god's sake!! Ken's still studying! They're fuckin insane!              Umalab yung galit sa puso ko. Gusto ko sila tanungin tungkol dito pero sigurado naman ako na hindi nila ako sasagutin. Baka pa nga pagalitan lang ako for asking. They'd tell me to just mind my own business. As their daughter, isn't their problem my business too? Dahil sa mga nakaraang araw, hindi lang sila yung nasisira ng kawalanghiyaan ni daddy, it's ruining me too. They should respect how I and Ken feel. Isang pamilya kami rito. It seems like they keep forgetting that.              I'm in dad's company. Wala na talaga ako sa mood pero kailangan kong sundin ang utos ni mommy kundi ay baka mapagalitan na naman ako nito buong araw. Pagod na ako sa paulit-ulit niyang sinasabi.              "Is dad here?" tanong ko sa sekretarya niya ng nasa labas na ako ng opisina niya.              "He's with a client, Ms. Stephanie. You can wait inside his office." anang babae.              "I'll just wait here. May iaabot lang naman ako eh." wika ko.              Sa totoo lang, ayaw kong pumasok sa opisina ni daddy at baka kung ano lang ang makita ko. The last time that I went here, nakasabit pa sa upuan niya ang underwear ng babae niya. I swear, I almost vomit. Talagang harap-harapan na yung p*******t niya kay mommy. Ni wala na siyang pakialam kung may ibang makakita. Hindi ko ma-imagine kung paanong may ama akong tulad niya. Wala siyang galang sa babaeng pinakasalan niya at sa mga anak niya.              Pinaupo ako ng sekretarya ni daddy. Mukhang nailang pa itong magtrabaho habang nasa harap ako. Whatever. All I want is to give this piece of paper to dad at umuwi na. Hindi ko naman pwedeng ibigay ito sa sekretarya niya. I think this is too personal para ibigay ko sa isang stranghera. I don't want anyone to know.              Ilang minuto lang, tumayo na ang babae mula sa inuupuan. Mula sa meeting room ay lumabas roon ang iilan sa kilala kong mga partners ni daddy sa kompanya like the Laurels. I know them since I was a kid. Julio Laurel's my ninong... And Ken's too. Malapit ang pamilya niya sa pamilya namin. Sa narinig ko, dalawa ang anak ng mga Laurel pero isa lang naman yung kilala ko. Kind of weird for me. I grew up with them pero hindi ko kilala ang isa sa anak nila.              Napatayo ako ng makitang palabas na si daddy habang may kausap ito. Hindi ko siya malapitan at malabong nakita niya ako dahil sa dami ng dumadaan.              Nang malapit na ito sa akin, agad akong nakisuot at lumapit rito. "Dad, mom--"              Hindi ko natapos ang sasabihin ng makita kung sino ang kausap nito. Ilang beses akong kumurap para masiguradong hindi ako nagi-imagine lang.              He's wearing a corporate attire. He looks different from that night I saw him in the bar. Napakagalang-galang niya kung tingnan. Gwapo pa rin. Tall, dark and superman. That's the perfect description for him... But... Why is he here?              "Why are you here?" ani daddy na gumising sa iniisip ko.              Napaubo ako. Iniwas ko ang tingin sa lalaking kausap nito saka tumingin kay daddy. Inabot ko sa kanya yung envelop. "Pinapabigay ni mommy." walang kaemo-emosyon kong wika.              "Did she sign it?"              "How would I know?" sagot ko. "You should talk to her."              Hindi ito sumagot. Tumingin ako ulit sa kasama niya. Seryoso itong nakatingin sa akin. "I gotta go." paalam ko kay dad saka tinalikuran na sila. Damn, hindi inexpect na makikita ko pa siya ulit tapos dito pa talaga. Napaka-wrong timing naman talaga ng tadhana palagi.              Nang malayo na sa kanila, habol-habol ko ang hiningang kanina ko pa pinipigilan. I wonder kung anong ginagawa niya rito... It looked like they were talking about something serious? Don't tell me may plano si daddy na bilhin yung bar niya para free na siyang madala yung mga babae niya roon anytime he wants?              Pumasok na ako ng elevator. Isasara ko na sana iyun ng may isang kamay na pumigil doon. Namilog ang mga mata ko ng makita ko siya. Napalunok ako. Hindi ko alam kung ba't ako kinakabahan. I am sure, nakalimutan na niya ako. Isang buwan na din naman ang dumaan. With that face, siguradong marami na siyang babaeng nakasama. Sa loob ng ilang linggo? He probably hooked up with a lot of girls.              Diretso lang ang tingin ko. I pretended like I don't know him... For what reason? Hindi ko rin alam. Why would I pretend like I don't know him? Gosh Stephanie! Ilang gabi din bang patambay tambay ka sa bar, nagbabakasakaling makita ulit siya? Ano na ngayon? Nababahag na ang buntot mo?              "Long time no see."              Napaubo ako. Tumingin ako sa buong elevator, sinisiguradong ako ang kausap niya. Umiling ako. Baka naka-earphones. May katawagan lang?              He smirked. "So you're going to pretend like we don't know each other?"              Napatingin ako ulit sa paligid ko. Ako ba yung kausap niya? Paano ko malalaman?              He looked at me. Natameme naman ako kaagad ng magtama ang mga mata namin. "Long time no see, Stephanie."              Tinuro ko ang sarili ko. "K-kilala mo ako?"              Oh what a question. Bakit ba pag kinakabahan o natataranta ako, kung anu-ano na lang ang lumalabas mula sa bibig ko? Dapat kasi yung sasabihin ko, So you still recognize me. Pero muntanga, bakit yun ang lumabas sa bibig ko.... I was obviously nervous!!!              He let out a chuckle. "You're still cute." aniya. "How are you?"              Diretso na ang tingin niya ngayon. He's asking me how I am like we know each other for a very long time. Like duh? Isang buwan lang naman yun and isang beses lang.              "I am fine, thanks for asking?" patanong kong wika. "I-ikaw? Kumusta?"              Tinaas niya ang isang kamay. "I am engaged."              Parang may bumara sa lalamunan ko ng makita ang singsing sa daliri niya. He's engaged. Kaya pala hindi na siya bumalik sa bar. So that night... Was it like a celebration? But he clearly told me that-- Yeah right... Why would I believe that? Paano akong naniwala na wala talaga siyang girlfriend? Ang tanga naman. Sa mukhang yan walang girlfriend?              "....Hindi ko lang inakala na mapapaaga."              Ngumiti ako. Masyadong malakas yung pagkabasag ng puso ko para marinig pa ang sinabi nito. "Congrats. You must be very happy."              Saktong bumukas ang pinto. Hindi ko na hinintay na may sasabihin pa siya. I smiled at him again. "It's really nice to see you again. Bye."              Mabilis akong naglakad paalis ng building. Nararamdaman ko kasing umiinit ang mga mata ko. Parang maiiyak ako... Nakakainis. Bakit naman ako iiyak? Kami ba? Hinalikan lang naman ako. Siguradong laro lang yun. Bakit ba hindi pa rin ako natututo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD