"Nakatulala ka na diyan? Ano na?" natatawang wika ni Daeny.
Sinamaan ko siya ng tingin sabay tungga ng hawak na alak. Andito kami sa bahay namin. Swerte at walang tao ngayon dito. Nasa trabaho ang mga magulang ko so I invited her to come dahil wala talaga akong balak na lumabas.
"Hindi ka na ba talaga babalik sa pagkanta?" biglang seryoso ni Daeny.
Hindi ako sumagot. Para saan pa ba? Kaya lang naman ako kumakanta dati to impress my parents... Pero ngayon... Sino pa ang kakantahan ko?
"Sayang talaga yang talent mo. Kung maganda lang ang boses ko, malamang ay pinagmalaki ko na yan."
I rolled my eyes. "Wag tayong mag-uusap ng nakakasira sa mood, shall we?"
Ngumuso siya. "Ano ba kasing nangyari sayo at naglalasing ka ng ganito kaaga?"
Nagkibit-balikat ako. Hindi ko alam kung tamang sabihin ko sa kanya ang problema ko. Ayaw ko namang magmukhang timang. Hindi niya na naalala yung nangyari nung gabing yun sa bar kaya wala ring kwenta kung magkukwento ako.
"Lumabas na lang kaya tayo? Tsk."
"Kung gusto ko lumabas, kanina pa sana ako lumabas." I said and then I rolled my eyes.
"Ang sakit sakit lang kasi. Alam mo yung umasa kang gusto ka rin niya tapos malalaman mo ikakasal na pala siya? Ang sakit sakit!" humagulhol ako ng pag-iyak habang yakap ko ni Daeny.
Hindi ko na napigilang ilabas yung hinanaing ko sa kanya. Hindi ko na kayang kimkimin yung sakit. It hurts you know? I waited for him for a month. Nasaktan na nga, nagmukha pang tanga.
Hinahagod-hagod ni Daeny ang likod ko at patuloy akong pinapakalma kaya lang... Hindi ko talaga mapigilan yung pag-iyak ko.
"Sino ba kasing nagsabing umasa ka? Porke't hinalikan ka lang, gusto ka na agad? Wala sa nguso ang pagmamahal beshy kaya wag kang tanga, okey?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Pinahid ko ang mga luha ko. Biglang nawalan ako ng gana sa pagi-emote. Nakakainis. Minsan na nga lang eh.
"I told you... Sobrang gwapo nung lalaking yun, that means, marami ding naghahabol sa kanya. Malamang kung kasing yaman niyo lang ako, baka pinilit ko na yung tatay kong ipakasal ako sa kanya."
Ngumuso ako. "Mahal ko siya... I can feel it in my heart. I know I love him, Daeny. Hindi ko kayang makitang may kasama na siyang iba."
Sandali itong natahimik. After ilang minutes, bigla na lang nitong tinaas ang daliri na parang may naisip siyang ideya.
"Sabi mo nga, engage pa lang sila... That means, maaagaw pa!" masaya niyang wika.
"So?"
"I have a plan beshy and siguradong magugustuhan mo toh! This is the only way!"
"Ba't di mo na lang sabihin, di yang marami ka pang sinasabi."
Ngumisi siya. "This is not hard for you... All you need to do is make akit to Zach until he falls for you then after that, itali mo na para hindi na makawala."
Isang malakas na palo ang natanggap niya mula sa akin. "Ganda ng ideya mo noh? Grabeh? Kung pakakasalan na nga niya yung babae that means, mahal niya. Ba't ang tanga mo? Paano ko pa siya aakitin??"
"Lalaki si Zach beshy. Kung nagawa mo nga siyang maakit sa bar, ngayon pa ba? I'm sure he finds you attractive and appealing. All you have to do is make labas your landi powers and then boom! Zach will make hulog na for you."
Gusto ko siyang sapakin sa paraan ng pagsasalita niya. Nanuod na naman siguro toh ng mga movies ni Kris Aquino. Ganyan yan. Kung anong nakikita, siyang sinusunod. Nakakaloka.
Pero... Napaisip ako sa sinabi niya. Alam ko... Ang gaga. Pang highschool masyado pero she has a point. It's not impossible for Zach to fall in love with me. I am pretty and smart. Saan pa siya?
Pinahid ko ang luha ko. "So what should I do then? Paano ko naman siya aakitin kung hindi ako makalapit sa kanya?"
She chuckled. "Sa totoo lang beshy, hindi ko pa alam. Teka mag-iisip muna ako... Saka kailangan din natin ng pangalan for this very secret mission."
Sarkastiko akong tumawa. Ano bang naiisip ko at uma-agree ako sa kalokohan ng babaeng toh? Ganun na nga ata ako ka-desperada. I just like Zach so much. Ilang araw ko siyang hinintay sa bar. Hindi madali ang pinagdaanan ko. Hindi ako papayag na mapupunta lang siya sa iba. After all that wasted emotions?
"Ano bang title ng secret mission na ito beshy? Ikaw na mag-isip. Ako na bahala sa plano."
Talagang nag-isip ang gaga. Naiiling na lang ako saka kinuha ang isang bote ng beer at tinungga iyun. Mas mabuting magpakalasing na lang ako. Kailan pa ba naging effective ang mga plano ng babaeng toh? God, Stephanie... Wag kang magpapadala sa babaeng yan. Mapapahamak ka lang.
"How about ano beshy... Project: Luring Mr. Lucas? Masyado bang masagwa?" aniya pa saka nag-isip ulit. "Ahmmm.. Ano kaya... Project: Landi powers pak chubaness."
Tinapon ko ang unan na nasa likod ko sa pagmumukha niya. "Itigil mo na yang kalokohan mo."
"Alam mo beshy, hindi naman sa nag-iinarte ako. Mas maganda lang talaga yung may title. It's like ano kasi... A password when we're in public. Hindi naman pwedeng banggitin ko ang pang-aakit mo kay Zach diba? So just think of it that way."
Hindi na ako sumagot. Tingin ko ay maloloka ako sa kanya.
"Kung ayaw mo ng masyadong formal, how about... Project: Lucas? Oh... Di naman nila malalaman na siya ang pinag-uusapan natin. I mean, duh? There is so many Lucas in the whole world."
"Whatever."
Ngumuso siya. "Pag naggaganyan ka, para kang kapatid mo. Hindi ko kinakaya yang kasungitan talaga ng kapatid mo. Minsan pag nakikita ko siya sa labas, babatiin ko tapos iikutan lang ako ng mata. Jusko beshy. You need to ano that sister of yours. Very wrong eh."
"Hayaan mo na siya sa buhay niya. Alam mo namang mana yun kay mommy sa kasungitan."
Ngumisi ito. "You're right nga naman."
Lumaklak ako ulit. Kinuha niya yung unan na tinapon ko sa kanya saka niyakap niya iyun.
"Paano ka ba makakalapit kay Lucas?" mahina nitong tanong. Hindi pa rin pala siya nakakaget-over sa maliit niyang plano. "Hmmm... What if magtrabaho ka sa kompanya niya or ask your dad for help since he's his client? This is your chance tapos--"
I snapped. "Oh please shut up, Daeny. My life's not some kind of a novel. I can't lure him by staying on his side."
"Tama ka. Hirap mag-isip. Move on ka na lang. Marami pa namang lalaki diyan. Bar tayo ulit mamayang gabi. I'm sure maraming lalaki doon... Yung mas gwapo pa sa kanya."
I smiled. Well, do I have another choice? I raised my beer tapos ay nagkampay kaming dalawa.
"Mamaya beshy... Ang alam ko may malaking event sa isa sa mga bar dito. Hindi ko alam kung ano exactly but I heard it from a friend. Mukhang masaya."
Napaisip ako. Well, nakaka-bore din naman dito sa bahay saka maganda rin yung nage-enjoy ako minsan. It's a big event like what Daney said. Kailan pa ba ako nawala sa mga big events? I need to go.
"Sabay na tayo mamaya. Bring your car para naman hindi ako mahirapang isakay ka sa motor ko pag lasing ka na. Sayo na ako sasakay."
Napapalakpak ito. "That's the spirit! Maghahanap tayo ng mga pogi mamayang gabi and before the night ends, I'm sure naka-move on ka na kay Zach."
I chuckled. I hope so.