As I get back on our hotel room ay agad akong naghubad at nagpalit ng damit. Ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot na kama at taimtim na nag-isip. Kung mananatili pa ako rito sa Greece ay paniguradong mahahanap at mahahanap ako ni Astaroth dahil siya ang Hari rito. Kahit saang sulok yata ako magtago ay malalaman niya kung nasaan ako. Bumukas ang pinto ng aking kuwarto kaya naman agad ko iyong binalingan ng tingin at doon tumambad sa akin ang dalawa kong Kuya na parehas magulo ang tuxedo na suot at kapwang pasuray-suray pa sa paglalakad. "Oh! Mahal na prinsesa nandito ka na pala," bati sa akin ni Kuya Fintan kaya naman dagli akong bumangon at lumapit sa nga ito. Inilapit ko ang aking mukha sa leeg ng aking mga Kuya at ako ay napabusangot ng maamoy ko ang matapang na amoy ng alak

