Chapter 27

1724 Words

Ako ay pawis na pawis at pagod na pagod nang dahil sa pagtakbong aking ginawa. Daig ko pa ang hinahabol ni kamatayan nang dahil sa sobrang bilis ko at labis akong nagpapasalamat na hindi ako nadadapa nang dahil sa suot kong gown. Ako ay lumiko at tumigil sa isang madilim na pasilyo rito sa loob ng palasyo. Kanina lamang ay may nagawa akong hindi kaaya-aya. Nasampal ko ang Hari ng Greece at paniguradong pinaghahahanap na ako ngayon ng mga assassins na bantay nito upang pugotan ako ng ulo. Nasampal ko ang Hari nang dahil sa labis na pagkagulat. Paano ba naman kasi ay bigla nitong hinagkan ang aking labi. Sino ba naman ang hindi magugulat doon hindi ba? Maingay pa rin ang buong palasyo, buhay na buhay dahil hindi pa tapos ang pagdiriwang. Mahaba pa ang gabi ngunit ako ay malapit ng matapos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD