Mabilis akong yumukod at humingi ng paumanhin sa Hari nang dahil sa aking kapangahasan at sa awa ng Diyos ay hindi naman ito nagalit sa akin. Inaya pa nga ako nitong maupo sa golden bench na siyang sinunod ko naman, mahirap na baka mamaya wala na akong ulo kung sumuway ako. "I apologize for coming here without your permission your Majesty," nahihiyang wika ko habang nakatitig sa malaking estatwa ni Goddess Athena na nasa aming harapan. "It's okay, anyone can come here. It's a public place after all but I guess you didn't read the full description outside," wika ng Hari dahilan para mas lalong mamula ang aking mukha. Bakit ba kasi hindi ko binasa lahat? Kasi masyado akong excited? Baka nga. Napahiya tuloy ako, at sa Hari pa talaga mismo ng Greece ah! "I apologize again your Majesty,"

