Carol is uneasy. Kanina niya pa kasi nararamdaman na may sumusunod sa kaniya. Simula no'ng paglabas niya sa hospital hanggang sa pagpasok niya sa loob ng kaniyang condo unit. She's afraid of her safety lalo na't nag-iisa siya gayon din ay isa siyang babae. At kung sasabihin niya naman ang bagay na ito sa kaniyang Ama ay paniguradong papahintoin siya nito sa pagtatrabaho ganon din ang kaniyang Ina, Kuya at dalawang pinsan. They're safety freak when it comes to her. Si Carol ay napasinghap at mabilis na nagtago ng makakita ng isang anino ng tao. Mag-isa lang siya dito kaya paniguradong masamang tao ang nagmamay-ari ng aninong iyon. Pigil hiningang nagtatago si Carol sa likod ng kaniyang mahabang sofa at siya'y malakas na napasigaw ng huminto sa harapan niya ang naturang magnanakaw. Car

