Bagot at nakangusong pinagmamasdan ni Carol si Astaroth na mayroong kausap sa telepono. At sino ba naman ang hindi mababagot? Halos isang oras na ang nakalipas ng siya ay naligo at nagtungo sa opisina ni Astaroth dahil ihahatid siya nito pauwi, at sa loob ng isang oras na iyon ay abala si Astaroth sa kausap nito sa telepono. kasalukuyang nakakunot ang noo at kapwang magkasalubong kilay si Astaroth at siya'y labis na nasisiyahan sa tuwing kumikibot ang mapupulang labi nito. "Hindi ka pa ba tapos?" pukaw ni Carol sa atensyon ni Astaroth. Mabilis namang bumaling ang tingin ni Astaroth kay Carol at siya'y lihim na napangiti ng makitang suot-suot ng dalaga ang binili niyang floral na bistida, at tama nga siya, bagay na bagay iyon kay Carol. "Patapos na ako, pero kung gusto mo ay mauna ka

