Masama ang loob ni Carol ng hindi niya nadatnan si Moonlight sa kabisera, ani ng tauhang pinapunta niya sa batis ay wala na raw doon ang kabayo at isa lamang ang ibig sabihin no'n kinuha ito ni Astaroth.
Mabigat ang mga yabag na tinungo ni Carol ang opisina ng kaniyang Ama. Pabalag niyang binuksan ang pinto niyon dahilan para magulat ang Ama niyang abala sa pagbabasa ng mga papeles.
"Oh god Carol! magkaka-heart attack ako ng dahil sa'yo," ani ng kaniyang Ama habang sapo-sapo ang dibdib.
Iniikot naman ni Carol ang kaniyang mga mata at sinabing, "Wala kang sakit sa puso dad, kaya malabong magkaheary attack ka."
"Yeah, yeah. What do you want my princess?" ani ng Ama niya at tumayo at lumapit sa kaniyang kinaroroonan.
"May kumuha ng kabayo ko dad! Wala sa kabesera si Moonlighter!" atungal ni Carol.
Masamang-masama ang kaniyang loob lalo na sa lalaking kumuha ng kaniyang alaga. Kung ang paghalik nito sa kaniya ay pinalampas niya puwes ang pagkuha nito sa kabayo niya ay hindi.
"Are you sure? Pinahanap mo na ba sa kakahoyan?" tanong ng kaniyang Ama at sunod-sunod naman siyang tumango bilang tugon dito.
Lumabas ang kaniyang Ama sa opisina nito kaya naman ay tahimik siyang sumunod. Kausap na ng Ama niya ngayon ang personal assistant nito na si Tj na kaedaran ng kaniyang Kuya Charles.
"If that's the case then, gather all our men and give them order. Ang makakakita kay Moonlight ay magkakaroon ng pabuya," ani ng kaniyang Ama sa assistant na agad naman nitong sinunod.
Nagpakawala ng isang malalim na hininga ang kaniyang Ama bago siya hinarap. Nanlalambing niya naman itong nilapitan at niyakap ng mahigpit.
"Thank you Dad," malambing niyang saad at hinalikan ang kaniyang Ama sa pisngi.
"Anything for you princess," ani ng Ama niya habang paulit-ulit na tinatapik ang kaniyang balikat.
This is the reason why she loves her Dad so much. Lahat kasi ay ginagawa nito for her sake, ganon din naman ang Mom at Kuya Charles niya pero sadyang iba talaga pag Dad niya ang gumagawa.
"What if they didn't find moonlight, Dad? Magagalit sa akin si lolo," nakalabing wika ni Carol.
"Don't worry princess, hindi magagalit sa'yo ang lolo mo. Siguro ay kakalabitin ka lang no'n sa iyong pagtulog at ipapaalalang hanapin mo si Moonlight," ani ng kaniyang Ama at humalakhak pa ng napakalakas.
Nakabusangot namang lumayo si Carol dito at ito ay tinalikuran. Alam niyang malabong mangyari ang sinabi ng kaniyang Ama pero hindi niya maiwasang hindi kabahan lalo na't Moonlight is a gift from her dead lolo.
"Oh god, please don't kalabit me lolo," dasal ni Carol sa kaniyang isipan.
Malaki ang kaniyang mga naging hakbang papalabas ng kanilang mansion. Sasama siya sa paghahanap kay Moonlight dahil hindi siya mapanatag na mag-antay lamang at alam niya namang inaasahan na ito ng kaniyang Ama.
Ang kilay niya'y magkasalubong habang pinapatakbo ang puting kabayo ng kaniyang Kuya Charles. Nalibot na nila ang buong kakahoyan ngunit kahit anino ni Moonlight ay hindi nila makita. Nakarating na rin sila sa mansion ni Maxon at sa bakanteng lote ng nakakainis na lalaking nagngangalang Astaroth.
"Ma'am Carol hindi po namin makita si Moonlight," ani ng isa nilang tauhan.
"Ganon po ba? Maaari na po kayong bumalik, ako na po ang maghahanap," ani Carol at muling pinatakbo ang kabayo papasok sa bakanteng lote na pagmamay-ari ni Astaroth.
Siya ay bumaba sa kabayo ay pinagdiskitahan ang bakod na nakapalibot sa lote. Kahit alam niya sa sarili niya na siya ay mapapagod ay ipinagpatuloy niya pa rin ang kaniyang balak. Ang bakod ay kaniyang itinumha at siya'y natapos ng eksaktong ala una ng hapon at sa kaniyang pagkakatanda ay sinimulan niyang sirain ito ng pasado alas nuebe ng umaga.
Pawis na pawis na naupo si Carol sa lilim ng isang malaking puno na kung saan doon niya rin itinali ang kabayo. Siya ay hingal at nauuhaw na pero hindi pa siya tapos sa kaniyang plano. Nakangisi niyang inilabas ang kaniyang telepono at tinawagan ang assistant ng kaniyang Ama na si Tj.
Siya ay nagpadala ng isang katerbang tae ng kabayo, baka at kalabaw dito at kaniya na ring pinag-utos na ikalat iyon sa buong lupaing pagmamaya-ari ni Astaroth. Kung hindi niya makukuha ang lupa at ang kaniyang kabayo, puwes nararapat lamang ang bagay na ito.
Nang matanaw na ni Carol si Tj ay agad siyang sumampa sa kaniyang kabayo at pinatakbo iyon. Hindi na siya nag-abala pang tingnan ang gagawin ng mga ito sa kadahilanang mahigpit naman niyang ipinagbilin na kuhanan ito ng litrato at video.
Pakanta-kantang bumalik si Carol ng kanilang mansion ngunit ang kanta niya'y namatay at ang ngiti sa labi niya ay nawala ng makita si Astaroth doon.
Ang puso niya'y muling nilamon ng poot ng makita ang nakakainis nitong pagmumukha-pero gwapo naman.
Agad na iwinaksi ni Carol ang ideyang iyon sa kaniyang isipan at mabilis na bumaba sa kaniyang kabayong sinasakyan. Lakad takbo ang kaniyang ginawa marating lamang ang kinaroroonan ni Astaroth na taimtim ng nakatitig sa kaniya.
"Anong ginagawa mo rito?" tiim bagang na tanong ni Carol.
"I'm here for business," simpleng sagot ni Astaroth at pinasadahan ng tingin si Carol mula paa hanggang ulo.
"Business my ass! What did you do to my horse huh? Ibalik mo sa akin si Moonlight," singhal ni Carol at hinawakan ang kuwelyo ng suot na damit ni Astaroth.
Amusement dance in Astaroth's eyes because of what Carol did. Except for his Mom ay tanging si Carol lamang ang gumanito sa kaniya. Carol may be little but her attitude is big and so as her breasts that he already played with.
Astaroth cleared his throat when he felt his body burning with desire. Kagabi lamang ay naging laman ng kaniyang panaginip ang babae at ngayon ay magkaharap na silang dalawa at talaga namang nang-ijnit siya.
"Wala sa akin ang kabayo mo," ani Astaroth sa seryosong tinig.
Umingos naman si Carol at sinabing, "Talaga lang ah? Stop lying will you? Ilabas mo na ang kabayo ko kunti malalagot ka sa Lolo ko! ipapakalabit kita ro'n makikita mo."
"Kalabit? Lolo? What do you mean?" nagugulohang tanong ni Astaroth.
Sumilay naman ang isang nakakalokong ngiti sa labi ni Carol at sinabing, "My horse-Moonlight is a gift from my dear dead Lolo at kung hindi mo siya ibabalik sa akin, mumultohin ka ng Lolo ko."
Astaroth almost burst in laughing because of what Carol said. This woman can be adorable and hot at the same time. What a torture for his side.
"Hindi naman ako dadalawin ng Lolo mo sa panaginip dahil wala naman akong kinuha. Baka ikaw ang dalawin dahil winala mo ang regalo niya," panunuya ni Astaroth dahilan para umusok sa galit ang ilong ni Carol.
Malakas na sinampal ni Carol ang pisngi ni Astaroth at padabog itong tinalikuran at imbes na masaktan ay napatawa na lamang ng mahina ang binatang si Astaroth sa kabilang banda naman ay hindi maipinta ang mukha ng Ama ni Carol ng dahil sa nasaksihan. Alam niyang masungit ang kaniyang anak pero hindi niya alam na ganito na pala kalala at mukhang mawawalan pa siya ng investor ng dahil sa ginawa nito.
Napabuntong hininga na lamang ang Ama ni Carol ng makitang mukhang hindi naman dinibdib ng binata niyang investor na si Astaroth ang ginawa ng kaniyang anak, which is good dahil tuloy ang kanilang project.
Sa kabilang dako naman ay halos makalbo na ni Carol ang kanilang hardin. Kanina niya pa kasi pinagdidiskitahan ang mga halaman doon at kapag ito ay makita ng kaniyang Ina ay paniguradong siya ay mayayari.
Bakit ba kasi hindi na lamang umamin si Astaroth na kinuha nito ang kaniyang kabayo? Edi sana hindi niya ito nasampal. Mga lalaki nga naman.
Dalawang araw pa lamang siya dito sa mansion ngunit ang dami ng kamalasang nangyari sa kaniya. Bukas na bukas talaga ay babalik na siya sa kaniyang condo at isa pa ay gusto na niya muling magtrabaho ng sa gayon ay maialis niya sa kaniyang sistema si Astaroth at ang mga mainit haplos, halik at labi nito.
"Calm down, Carol. Calm down," paulit-ulit niyang saad sa kaniyang sarili ngunit kahit anong gawin niyang pagkalma ay hindi siya kumakalma lalo lamang siyang naiinis sa tuwing naaalala ang mukha ni Astaroth.
At dahil mukhang may agenda nga ito sa kanilang mansion, mas maigi pang umalis na rin siya ngayon. Tatawagan na lang niya ang kaniyang Ina kapag nasa condo na siya. She need's to get out of this place before Astaroth's touch eat her whole system.
Hindi na nag-abala pang magbihis si Carol. Mabilis ang kaniyang mga naging kilos, agad siyang sumakay sa kaniyang kotse at mabilis itong pinaharurot at binusinahan niya pa ng malakas si Astaroth dahilan para ito ay mapaigtad na siya namang kaniyang ikinatawa.
Serves him right.
Ngiti-ngiting ipinagpatuloy ni Carol ang pagmamaneho at no'ng siya'y nakalayo na sa villa gumamela ay saka lamang siya bumuhaglit ng tawa.
Astaroth's reaction is so damn cute. Ang mga mata nitong kulay berde na singkit ay bahagyang nanlaki no'ng siya ay bumusina at hindi rin bagay dito ang pag-igtad dahil isa siyang malaking mama.
Kahit anong pilit niyang pagkakaila may parte sa kaniya na mamimiss ang binata.