Nakabusangot na nagmamaneho si Carol patungo sa villa gumamela na pagmamay-ari ng kaniyang pinsan na si Maxon at sa kaniyang pagpasok ay hindi na siya nagulat ng makitang madaming construction workers doon. Matagal na rin kasing under renovation ang buong villa nagmula noong nasa ospital pa lamang si Adira at ang rason ng pinsan niya ay walang iba kundi, "For my sugar's safety." at talagang napapa-sana all na lang siya.
For sugar's safety her ass. E, halos maging isang malaking mall na ang villa dahil mayroon ng grocery shop na nakatayo roon, mayroon ring play world, salon, dessert shop, dress shop, book store, at gayon din ang isang napakalawak na gymnasium. She's hoping that one of this days ay marealize ni Adira na may sapak sa utak ang kaniyang pinakasalan.
Lahat ng nakikita niya ngayon ay para lamang sa pinakamamahal na asawa ng kaniyang pinsan na walang iba kundi si Adira. And speaking of her cousin and it's wife, balita niya'y nasa ibang bansa ang dalawa which is good dahil nilalaggam siya sa tuwing nakikitang magkasama ang mga ito. Wala man lang kasing konsiderasyon ang mga ito sa kagaya niyang single.
She drove as fast as she can but instantly slows down nang makarating na siya sa kakahoyan. May pathway doon patungo sa kanilang mansion kaya hindi siya maliligaw hindi kagaya noon na may pasecret-secret passage pang nalalaman ang kaniyang mga magulang.
"Still beautiful as ever," bulong ni Carol ng makita ang isang malaki at spanish style mansion sa kaniyang harapan at iyon ay walang iba kundi ang pinakamamahal niyang tahanan.
Dito siya lumaki pero kahit ganon ay hindi niya pa rin maiwasang hindi mamangha sa kagandahan nitong taglay. Sa bungad ng mansion ay sasalubong sa iyo ang naglalakihang puno at iba't-ibang uri ng bulaklak at gayon din ang isang munting ilog at nakakabinging tawanan na nagmumula naman sa mga tauhan ng kanilang mansion.
Maingat na ipinarada ni Carol ang kaniyang itim na jaguar car sa lilim at nakangiti naman siyang sinalubong ng kaniyang Inang kanina lamang ay natanaw niya sa veranda ng kanilang ikalawang palapag.
Mabilis na sinulyapan ni Carol ang kaniyang repleksiyon sa salamin ng kaniyang kotse at nakangiting bumaba dito. Her blue orbs met her mother's brown orbs in instant and they both flashed a big smile when they saw each other faces closely.
Wala talagang kupas ang ganda ng kaniyang Ina.
"Mom," malumanay na wika ni Carol at mahigpit na niyakap ang kaniyang Inang ngayon ay lumuluha na.
"Oh, my beautiful baby..." ani ng kaniyang Ina habang hinahaplos ang kaniyang buhok.
Sa hindi malamang dahilan ang mga mata ni Carol ay nang-init hanggang sa hindi niya namalayang siya'y naluha na rin.
"Mom, I missed you..." ani Carol habang mahinang humihikbi.
"I missed you too baby Carol ko," ani ng kaniyang Ina at sinapo ang kaniyang magkabilaang pisngi. "Ang ganda talaga ng anak ko, manang-mana sa'kin."
Carol chuckles because of what her mother stated. Manang-mana talaga siya dito, mahilig magbuhat ng sariling bangko.
"We're both beautiful Mom. Si Kuya Charles lang naman ang naiiba ang hilastya ng mukha," ani Carol at mahinang humagikhik na sinundan naman ng malakas na tawa ng kaniyang Ina. Ngunit mabilis na napahinto si Carol ng makita ang kaniyang Amang nakamasid sa kanilang direksyon habang may malawak na ngiti sa labi.
Mabilis na tinakbo ni Carol ang pagitan nila ng kaniyang Ama at walang pasabi niyang dinamba iyon dahilan para silang dalawa ay tumumba at imbes na umigik sa sakit ay kapwang silang tumatawa.
"I missed you Dad. But you're weak na, hindi mo na ako kayang I-Dawn Zulueta," nagtatampong saad ni Carol sa kaniyang Ama.
Carol heard her father groaned because of disbelief kaya naman ay mariin siyang napapikit upang pigilan ang kaniyang pagtawa. Her father really hates to be called weak.
"I'm not weak princess, sadyang mabigat ka na talaga kaya hindi na kita kaya," wika naman ng kaniyang Ama dahilan para siya'y mapabusangot.
"Bakit pag si Mommy kaya mo? How about me naman? You don't love me anymore na ba?" ani Carol at pekeng humikbi.
Carol's father let out a deep sigh and said, "Iba naman ang Mommy mo, Princess. She's my strength kaya ganon."
Carol's face crumpled because of what her father said. Akala niya pa naman ligtas na siya sa mga cheesy banat ni Maxon iyon pala ay ganon din ang kaniyang Ama.
"Stop it Dad! You're giving me chills," atungal ni Carol at tumayo na na siya ring ginawa ng kaniyang Ama.
"Geez Princess, watch your mouth. I'm still your Dad," ani ng kaniyang ama.
"Yeah, yeah? Well, I'm your one and only daughter at ika nga nila lolo nagmana ako sa'yo, that I am your girl version kaya magtiis ka Dad," aniya habang may malawak na ngisi sa labi.
Hindi makapaniwalang dinuro siya ng kaniyang Ama na ani mo'y aping-api na.
"Honey, you're daughter is bullying me!" pagsumbong ng kaniyang Ama sa kaniyang Ina na ngayon at nakangiting magmamasid lamang sa kanila.
"She wont help you Dad. You're old na kasi," pang-aasar ni Carol sa kaniyang Ama na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha.
Sa edad na sixty five ay hindi pa rin maipagkakailang isang matipunong lalaki ang kaniyang Amang si Wayne at sa totoo niyan ay hindi halatang isa na itong senior dahil sa tindig at tikas ng katawan nito gayon din ang maamo nitong mukha at syempre gayon din naman ang kaniyang inang si Cherry na kahit pumapatak na ang edad sa singkwenta'y nueve ay nananatili pa ring sexy.
"Am I that old na talaga honey?" malambing na ani ng kaniyang Ama na ngayon ay nakalingkis na sa kaniyang Ina.
"Oo. Hindi mo lang talaga matanggap na matanda ka na," natatawang wika naman ng kaniyang Ina.
"You're bullying me too?" hindi makapaniwalang saad ng kaniyang Ama at kapwa silang dinuro ng kaniyang Inang humahagikhik.
"Dad, stop acting like a child. Hindi bagay," ani Carol at bahagya pang dumuwal.
Ambang kukurotin siya ng kaniyang Ama kaya naman mabilis na siyang kumaripas ng takbo papasok sa kanilang mansion at sa kaniyang pagpasok ay sumalubong sa kaniya ang isang antigong grand piano na hanggang ngayon ay gumagana pa rin naman. She used on playing it since she was a child.
Memories from her childhood flashed on her head as she looks around their mansion. Walang bago, kung anong itsura nito no'ng umalis siya ay ganon pa rin ang itsura nito hanggang ngayon.
"Welcome home, Carol." sabay na wika ng kaniyang mga magulang na nasa tabi niya na pala.
A huge sweet smile appears on Carol's lips because of what her parents said. And her eyes begins to wet and seconds later she started crying in her parents arms until she lost her consciousness.
Carol wakes up in a very familiar room. It's her room since she was a child until she reached the age of twenty one. Matagal na rin pala talaga siyang hindi nakaka-uwi. Apat na taon.
Bumangon si Carol sa kaniyang queen sized bed at taimtim na pinagmasdan ang kaniyang silid. Sa bawat sulok nito ay nakikita niya ang kaniyang sarili gayon din ang kaniyang kabataan.
Isang katok mula sa kaniyang pinto ang nagpabalik sa kaniyang ulirat. Agad siyang lumapit doon at iyon ay binuksan at isang malawak na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi ng makita roon ang kaniyang Ama at Inang kapwang may hawak na pagkain.
"Pasok po," ani Carol at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto.
Agad namang pumasok ang kaniyang mga magulang at inilapag ang hawak-hawak ng mga ito sa kaniyang round bedside table.
"Akala ko kanina kung napaano na,pinakaba mo ako," wika ng Ama ni Carol.
"I'm sorry Dad. Hindi ko rin naman alam na ganon ang mangyayari e," ani Carol habang nakanguso.
"Iyan ang napapala ng batang hindi umuuwi," ani naman ng kaniyang Ina at bakas sa tinig nito ang pagtatampo kaya naman mabilis siyang lumapit dito at malambing itong niyakap.
"Sorry na Mommy, busy po ang doktora niyo," ani Carol habang paulit-ulit na hinahagkan ang pisngi ng kaniyang Ina.
"Bakit ka pa kasi nagtrabaho anak? Hindi na naman kailangan," saad ng Ama ni Carol habang malambing na nakatitig sa kanilang mag-ina.
Carol sneered because of what her father said and said, "Kailangan kong magtrabaho para sa luho ko Dad. At isa pa, ayoko pong umasa na lang sa inyo ni Mommy. I know that we're rich but I don't want to be called spoiled brat na umaasa na lamang sa mga magulang."
A proud smile appears on her parents lips because of what she said that makes her feel at ease.
She knows that her parents will understand her as long as she loves what she's doing they're not against about it.
"Pero balita ko anak broken hearted ka ah? Four days?" ani ng Ina ni Carol habang nakangisi.
Naningkit naman ang mga mata ni Carol ng dahil dito. Mukhang nakarating na rin sa kaniyang Ina ang chismis. At hindi niya na tatanongin pa kung sino ang nagsabi no'n dahil isang tao lang naman ang pinagsabihan niya ng four days at iyon ay walang iba kundi ang kaniyang Kuya Charles.
"Mom, it's nothing," ani Carol at nag-iwas ng tingin.
"Nabroken ka sa loob ng four days Carol? sinasabi ko na nga ba," ani ng kaniyang Ama at bahagyang umiling pa.
nagpakawala na lamang ng isang malalim na hininga si Carol dahil paniguradong hindi siya titigilan ng mga ito.
"Well, the truth is three days iyon at hindi four," ani Carol dahilan para mapasinghap ang kaniyang mga magulang.
Ang OA talaga.
"Tapos? What happened? Why did you two broke up? Sino nakipaghiwalay ikaw o siya? Pogi ba anak?" sunod-sunod na tanong ng Ina ni Carol kaya naman binalingan niya ng tingin ang kaniyang Ama at siya'y nabigo ng makitang nag-aantay din ito ng sagot niya.
"Dad..." ani Carol.
"What? Don't Dad me Carol, spill the beans. We're waiting," ani ng kaniyang Ama at tinaasan pa siya ng kilay.
Carol doesn't have a choice but to answer her parents question. Lahat ay sinabi niya simula sa simula kung paano niya nakilala ang lalaking iyon na hindi niya man lang alam ang pangalan. They just met in a dating up and they're just texting for almost three days at hindi nga siya sure kung they're been in a relationship talaga dahil wala namang nangyaring "I love you" sa pagitan nilang dalawa but nevertheless, that three days is worth it.
The man behind the black profile treats her very well, he even send her a gift na siya namang itinago niya ng mabuti. Hindi niya pa naririnig ang boses nito sa kadahilanang hindi naman sila nagtawagan. Plain text only, that's it.
"Tapos anak anong nangyari?" tanong ng kaniyang Ina pagkatapos niyang sabihin dito ang katotohanan.
Carol smiles and said, "Nothing special Mom, back to normal."
"Aww...sayang naman anak, malay mo siya na talaga," nanghihinayang na wika ng kaniyang Ina na siyang umani naman ng pagbatikos mula sa kaniyang Ama.
"Don't say that honey! Our little Princess is not allowed to get married yet. She's not even thirty!" ani ng kaniyang Ama.
"Don't be too hard at your daughter! Ikaw nga itong atat magka-apo!" ani naman ng kaniyang Ina at ang mga ito ay nagdebate na nga.
Napailing na lamang si Carol at nagsimula ng kumain. Hinayaan niya na lamang ang kaniyang mga magulang na magtalo dahil pagkatapos niyon ay paniguradong magbabati rin ang mga ito. They can't stay mad to each other for a long time. Her parents are both softy kaya nga hindi niya mawari kung saan nakuha ng kaniyang Kuya Charles ang strong nitong personality at kagaya ng dati, si Carol ay nilalanggam na naman ng dahil sa sweetness ng kaniyang mga magulang. Para lamang siyang display doon habang ang mga ito ay busy sa paglalampungan.
Nang matapos ng kumain si Carol ay tahimik siyang lumabas ng kaniyang silid at tinungo ang kuwarto ng kaniyang Kuya Charles dahil naroroon daw ang kaniyang regalo. Masaya niyang binuksan ang pinto ng silid nito ngunit agad din siyang napabusangot ng makita ang sandamakmak na printed screenshots na nagkalat doon at ang mga screenshots na iyon ay nagmula sa convo nila ng mysterious guy that she met online.
"Kuya Charles!" buong lakas na sigaw ni Carol ng dahil sa pagka-inis.
Makakaganti rin siya balang araw.