Simula
Humahabol pa ang nakapapasong init ng hapon habang marahan kaming lumalabas mula sa siksikan at maingay na bus terminal sa gitna ng Maynila. Ang hangin ay mabigat, puno ng usok ng mga sasakyan at amoy ng lungsod na bago sa aking mga pandama. Mahigpit, halos mamuti ang aking mga kasukasuan sa higpit ng hawak ko sa luma, kupas, at may punit nang tela ng aking backpack. Lumingon-lingon ako sa paligid habang naglalakad, pilit na iniaakma ang aking paningin sa naglalakihang mga digital billboard na nagliliwanag sa nagtataasang mga gusali, pati na rin sa walang katapusang agos ng mga sasakyan na tila walang balak magbigayan sa malalawak na kalsada. Pakiramdam ko sa mga sandaling iyon ay napakaliit ko, isang hamak na dayo na sumusugal sa kapalaran ng nagkakagulong lungsod.
"Elliana, magmadali ka nang konti at huwag kang lalayo sa akin, baka maligaw ka," tawag sa akin ni Carl habang madaling naglalakad sa unahan ko, bitbit ang isa ko pang kupasing maleta na nakatali pa ng lumang pisi ang sirang zipper.
Lumingon siya sa akin sandali at ngumiti ang parehong pamilyar, maamo, at tila gintong ngiti na nagkumbinsi sa akin ilang araw lang ang nakalipas na iwan ang katahimikan ng aming probinsya.
Sabi niya sa akin noon, habang nakaupo kami sa ilalim ng puno ng mangga sa tapat ng aming maliit na dampa, may isang napakagandang trabaho na naghihintay sa akin dito sa Maynila. Isang posisyon bilang secretarya sa isang malaki at tanyag na kumpanya. Sabi niya, hindi ko na kailangang mamroblema dahil buwan-buwan akong makatatanggap ng sweldong sapat at sobra pa,para makaipon agad para sa aking pamilya.
Sabi niya, ito na ang sagot sa lahat ng aming mga panalangin, ang katapusan ng aming matagal nang paghihikahos. Nagtiwala ako nang walang kahit anong pag-aalinlangan. Bakit naman hindi? Magkababata kami, sabay lumaki, at magkasamang nangarap noon. Akala ko sa aking puso, siya ang ipinadala ng langit na magiging tagasagip ko sa gitna ng matinding kahirapan.
Subalit ang lahat ng aking magagandang pangarap at ang binuo kong pag-asa ay biglang nagbago, tuluyang gumuho nang huminto ang sinasakyan naming taxi sa isang madilim, makipot, at tila abandonadong eskinita sa sulok ng lungsod kung saan hindi na umaabot ang ingay at liwanag ng mga pangunahing kalsada.
Marahan akong kinabahan, ngunit pinasubalian ko iyon nang hilahin ako ni Carl pababa ng sasakyan. Hindi kami pumasok sa harap ng isang magandang gusali na may salaming mga dingding. Sa halip, dinala niya ako sa likod ng isang marangyang night club na may nakasulat na neon lights, pababa sa isang madilim na basement.
Sa bawat hakbang namin sa sementadong hagdan, ang hangin ay nagiging mabigat at malamig—amoy lumang semento, basang amag, at mamahaling pabango ng mga babae na pilit nagtatakip sa umaalingasaw na amoy ng alak, sigarilyo, at kung ano-anong kemikal.
"Carl, nasaan ang opisina? Akala ko ba mag-iinterview ako ngayon sa manager? Bakit tayo nandito sa ilalim?" kabado kong tanong, habang hinihila ko ang dulo ng kaniyang polo shirt, umaasang sasabihin niyang nagkamali lang kami ng pinasukan.
Hindi na siya sumagot. Wala akong narinig na kahit anong salita mula sa kaniya. Sa halip, isang matangkad at matabang lalaki na may suot na malaking gintong kuwintas at may hawak na tabako ang dahan-dahang lumapit sa aming pwesto mula sa isang madilim na sulok ng basement.
Nang walang anomang pasubali, nag-abot ang lalaki kay Carl ng isang makapal na sobreng kulay kape. Mabilis at may kasamang pananabik na binuksan ni Carl ang sobre, binilang ang makakapal na bundle ng pera sa loob nito sa harap ko, bago niya ako dahan-dahang tiningnan nang walang kahit anong emosyon, pakialam, o bakas ng konsensya sa kaniyang mga mata. Ang kaniyang mukha ay naging kasing-lamig ng semento sa aming kinatatayuan.
"Pasensya na, Elliana. Walang sekretarya, at walang opisina. Kailangan ko lang talaga ng pera para sa mga utang ko," malamig at walang pakundangan niyang sabi sa akin, sabay mabilis na talikod habang ibinubulsa ang sobre ng pera.
Bago pa man ako makahakbang para humabol sa kaniya, bago pa man mailabas ng aking bibig ang aking mga pagsisisi at pagmamakaawa, dalawang malalaki, maskulado, at nakatatakot na lalaki ang marahas na humawak sa magkabilang braso ko, itinataas ako nang bahagya mula sa sahig.
Doon, sa malamig at mabahong basement na iyon, tuluyang gumuho at nagkadurog-durog ang aking mundo. Ang lalaking itinuring kong matalik na kaibigan, ang taong pinagkatiwalaan ko ng aking buhay at kaligtasan, ay bahagi pala ng isang malupit at malaking sindikato—isang iligal at madilim na operasyon na nagbabalandra at nagbebenta sa katawan at dignidad ng mga kababaihan para lamang sa panandaliang aliw at kaligayahan ng mayayamang kalalakihan.
Ikinulong nila ako sa isang marangyang silid sa pinakaitaas na palapag ng gusali. Ang silid ay pinaliligiran ng makakapal na kurtinang pelus na kulay itim at mga salaming nagpapakita sa bawat anggulo ng aking takot. May isang malawak na kama sa gitna na may pulang sapot, isang tanawin na nagpabagsak sa aking mga tuhod.
Napaupo ako sa malamig na sahig, nakasandal sa nakatradang pinto habang yakap-yakap ang aking mga binti. Ang aking buong katawan ay hindi humihinto sa panginginig. Ang bawat sulok ng marangyang silid na iyon ay tila mga anino ng mga halimaw na handang lumamon sa aking pagkatao.Hindi nagtagal, bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong kababaihan. Sila ay may makakapal na kolorete sa mukha at may bitbit na isang manipis, maikli, at pulang satin dress na halos walang itinatago sa katawan.
Nang makita ko ang damit na iyon, tila ba isang hatol ng kamatayan ang iniharap sa akin."Huwag po... pakiusap, maawa kayo sa akin," pagsisimula ng aking matinding pag-iyak habang sumusubsob ako sa paanan ng isa sa mga babae. Hinawakan ko ang laylayan ng kaniyang palda, nagmamakaawa nang buong puso.
"Niloko lang po ako ni Carl. Sabi niya may trabaho ako sa opisina... Pakiusap, pakawalan ninyo na po ako. Magtatrabaho po ako kahit anong hirap, basta huwag lang po ito!"Ang aking boses ay gumaralgal, puno ng hapis at matinding takot. Ang mga luha ay walang tigil na umagos, binabasa ang aking mga pisngi hanggang sa maramdaman ko ang alat nito sa aking mga labi. Ang aking dibdib ay sumasakit sa bawat paghikbi, tila ba kapos sa hangin ang buong silid. Ang bawat pagmamakaawa ko ay nagmula sa kaibuturan ng aking kaluluwa, umaasang may kahit katiting na awa na natitira sa mga pusong bato ng mga taong nakapaligid sa akin.
Subalit walang anomang emosyon ang rumesponde sa aking mga panalangin. Isang matigas na hawak sa aking mga balikat ang pumutol sa aking pagluhod."Tumayo ka dyan, babae! Walang nagagawa ang iyak mo rito," matabang na sabi ng pinakamatandang babae, sabay hila sa aking buhok nang paitaas upang mapilitan akong tumayo.
"Lahat kami rito, dumaan sa iyak na 'yan. Pero sa huli, pera lang ang batas dito sa Maynila. Kung ayaw mong masaktan ng mga bodyguard sa labas, sumunod ka na lang nang kusa. Binihisan ka para sa isang napakayamang kliyente ngayong gabi. Kung magpapakita ka sa kaniya na ganyan ang mukha mo, kaming tatlo ang malalagot kay Don Alfonso."
"Hindi po! Hindi ko kaya!" sigaw ko, kasabay ng aking pagpupumiglas nang buong lakas.Nagsimula akong sumigaw at humingi ng tulong, umaasang may makaririnig sa akin sa labas ng makapal na pinto. Hinampas ko ang aking mga kamay sa pader, sinubukan kong tumakbo patungo sa bintana, ngunit mabilis akong nasunggaban ng dalawa pang babae. Hinawakan nila ang aking mga braso nang napakahigpit, ibinaba ako sa kama habang ang aking mga paa ay nagpupumiglas at sumisipa sa ere. Sa bawat segundo ng labanan na iyon, pakiramdam ko ay unt-unting pinipunit ang aking dignidad. Ang aking lakas bilang isang simpleng babaeng lumaki sa isla ay walang laban sa tatlong taong sanay na sa ganitong uri ng marahas na sistema.
"Bitiwan niyo ako! Carl, nasaan ka?! Tulungan mo ako!" ang huling sigaw ko bago tuluyang mapatid ang aking boses sa tindi ng pag-iyak. Naalala ko ang mukha ng aking lola habang kumakaway sa akin sa terminal ng aming probinsya, ang kaniyang mga huling bilin na mag-ingat ako. Ang pag-asang hatid ko para sa kaniya ay naging isang madilim na bitag na wawasak sa aking buhay.Habang umiiyak ako nang nakasubsob sa unan, naramdaman ko ang marahas na pagtanggal sa aking lumang damit. Isinuot nila sa akin ang pulang satin dress na tila ba isang kadena na tuluyang nagtanggal ng aking kalayaan. Kahit anong gawin kong pag-atake o pagmamakaawa, ang kanilang mga mukha ay nanatiling blangko, walang anomang bakas ng konsensya o habag sa isang katulad kong walang malay.
Matapos nila akong bihisan, marahas nilang pinunasan ang aking mukha at pilit na nilagyan ng makapal na kolorete upang itago ang pamumula ng aking mga mata mula sa matinding pag-iyak.
"Ayan, mas mukha ka nang tao," sabi ng isang babae habang tinitingnan ako sa salamin. "Manahimik ka na riyan. Darating na ang unang costumer mo anumang oras mula ngayon. Huwag kang gagawa ng kahit anong ingay kung ayaw mong masaktan nang mas malala."Ibinagsak nila muli ang pinto at narinig ko ang tunog ng susi mula sa labas. Iniwan nila akong mag-isa sa gitna ng karangyaan na amoy impyerno. Napayakap ako sa aking sarili, nakaupo sa gilid ng kama habang ang aking mga luha ay patuloy na pumapatak sa pulang tela ng damit. Ang bawat t***k ng aking puso ay puno ng takot, naghihintay sa pagdating ng taong tuluyang kukuha sa natitira kong dangal bilang isang babae. Sa mga sandaling iyon, wala na akong ibang nagawa kundi ang pumikit nang mariin at tahimik na manalangin na sana ay tapusin na lang ng langit ang aking buhay bago pa man bumukas muli ang pintong iyon.