Naalimpungatan ako ng may yumugyog sa akin. Nabigla ako ng makita si Tita na nasa gilid ko na. "Tita! Oh gosh nakatulog ako." Natatawa kung paos at tiningnan si Tevan na tulog na tulog na. "It's alright honey.. Umuwi na lahat ng bisita. Sinabi ko kay Lola Adele na dito kana matutulog. Ginising lang kita dahil nakakangawit ang pwesto mo." Ngiti nyang sabi habang nakatitig sa akin. Tinitigan ko sya ng mabuti at nakita kung iba ang ngiting yun kumpara sa dati.. "Tita..." May simpatya sa boses ko. Nakita ko na lang ang pag iyak ni Tita at ang pagbreak down nito. Mabilis akung umupo ng maayos at mabilis syang inakap. Inakap nya rin ako pabalik ng mas mahigpit. "It's ok Tita.. Let it out." Marahan kung sabi habang hinahagod ang likod nya. "This is my fault G-Gab.. This is my fault. K-Kun

