Masayang tinakbo ko ang papuntang soccer field habang dala ang malaking banner para sa kanya. Ang mga nakakasalubong ko ay nakakunot noo sa akin at may disgusto sa mga mata. Siguro kasi sobrang liwanag ko at nasisilaw sila sa gandang taglay ko. Nakasuot kasi ako ng pink na long sleeve polo na naka tack in sa paldang polka dotes na hanggang tuhod ang haba habang naka strip long sacks ako at naka rubber shoes na neon color. Ang mabigat kung backpack ay kulay pula. Ang buhok kung pinusod ko lang sa tuktok habang ang malaki kung salamin ay natatabunan ang mukha ko. Humihingal man na dumating ay mabilis kung inangat ang banner at tumili ng napakalakas. "Go! Go! Go Theo! Woohh. I love you so much! " tili ko at tumalon talon pa. Nagtinginan ang ibang audience sa akin at ang ibang player sa a

