Muling napatingin si Rica sa nagaganap sa gitna ng garden malapit sa pool.In fairness, magaling naman si Girlie.Mahusay itong gumiling at napanindigan ang pagharot sa groom.Natawa na lang si Rica dahil mukha namang hindi nage-enjoy ang groom-to-be pero nakikisama. Lalong bumunghalit ng tawa si Rica nang maisip ang sitwasyon kung siya ang nanggusto. Hindi lang niya sasayawan ang groom-to-be. Susunggaban agad niya ito ng halik.
Gigil na tumatawa si Rica na muling nag-refill ng mga drinks sa baso, saka nakangiti nang mag-serve na lamang ulit. Nagpatuloy ang party at tuluyan na ring tinanggap ni Rica na kahit sa mga oportunidad na ganito ay malas talaga siya.Kahit ang pagkakataon na kumita at gumaan kahit saglit ang buhay ay pinagkakait sa kanya.Dahil sa frustration at inis ng sandaling viyon, hindi sinasadyang ininom ni Rica ang wine na dapat ay i-serve. Hindi nakontento ang dalaga sa isang shot, kaya nasundan pa iyon. Matatatluhan pa sana kung hindi siya pigilan ni Benok.
"Hoy eksena ka dyan girl. Wag mong laklakin yan.Ano? Gusto mong mag-serve ng gumigiwang ha?" Sabi ni Benok.
"Shot lang ng konti pang alis ng bad trip.Saka kaya ko naman sus wala ng tama eh oh"
"Gaga, imported kemerot ang wine na 'yan, girl, ang tama niyan later pa, and I'm telling you, nakaka wild ya, ah, haha." Sabi ng kaibigan.
"Talaga ba?" Nagiinis pang sabi ni Rica.
"Leche ka, pati ikaw ba kontrabida nacng buhay ko. Makapag-serve na nga sa mga guwapo," pabirong sabi ni Rica.
"Oh, kita mo wild ka na agad umepekto na girl" Sabi ni Benok sabay tawa ng malakas.
Inis na si Rica dahil halos walang kapaguran ang mga lalaki sa kakarequest.Alaka ata talaga ng mga ito na mga receptionist sila sa bar na bigla lang inilipat sa party house nila. May ilang kaseng mga bisita na nag-o-overboard na sa boundary. Nang medyo pagod na, nagpaalam muna si Rica sa tinatawag na Mamang na papapahangin sa labas saglit. Pinayagan naman siya. Dumaan muna si Rica sa cr at hinubad ang suot , parang chaleko dahil init na talaga siya. Iba nga ang epekto ng alam na tinungga niya.
Palabas na si Rica ng banyo nang masalubong niya ang isang lalaking matangkad at nabunggo ang balikat niya dahil makipot lamang ang pasilyo ng CR. Malaking lalaki ang nakabunggo sa kanya kasi natumba na literal si Rica.
“Ay, ano ba naman ’yan. Pwede bang magdahan-dahan ka naman,” pasigaw na sabi ni Rica . Nabigla kase siya talaga.
“Naku miss I’m sorry medyo angmamadali kase ako masusuka na kase ako”
“Oh my God.. It's him. It's him…”
“Miss Sorry talaga nasusuka na kase…….”
Hindi na nasabi ng lalaki ang iba pang sasabihin dahil nasuka na nga ito at sa harap pa ni Rica. Mabuti na lang at naiwas niya ang mukha, kaya sa dibdib lamang lumanding ang lahat ng inilabas nito.
"Oh shit.. F*ck, sorry, Miss, sorry talaga, natatarantan, sabi ni Justin, sabay pinunas ng sariling kamay ang suka na nasa dibdib ng dalaga , kaya literal na nahawakan niya ang dibdib nito.
"Ay. Tekal lang, hindi libre himas oi sandal naman.” Nag-panic na sabi ni Rica, bigla itong napatayo at napaiwas sa lalaki.
“Oh, shi*t damn, lalo atang napalala. Miss, sorry talaga. Sorry , oh God, di ko sinasadya. Hindi ko intent na manbastos kase nasukahan kita. Sabi ni Justin na tinangka na namang tulungan ang dalaang punasin ang suka sa damit nito.
“Okay na okay lang...Okay ako nang balaha, please, “padaan,” sabi na lang ni Rica at muling pumasok sa CR. Hinubad ng dalaga ang suot na puting polo at nilabhan. No choice si Rica kundi patuyuin ito kahit saglit sa hand dryer na mabuti na lang meron sa loob ng Cr.
Mamasa-masa pa ang polo, pero no choice na si Rica. Halos isang oras na ata siya sa loob; masesermunan na siya ni mamang, at malamang baka pati kapiranggot na part-time niya mabulilyaso pa.
Guwapo sana yung lalaki kase ewan na turn off agad siya. Inis siya sa lalaking kung makalaklak ng alak ay parang wala nang bukas. Pero naigilan si Rica sa pagbubutones ng polo niya. Ng tumingin sa kanya ang lalaki, parang malungkot ang mga mata nito, samantalang dapat ay masaya dahil ito nga ang groom-to-be, hindi ba? Hindi rin malaman ni Rica kung bakit parang ang kilig siyang naramdaman niya nang punasan nito ang sariling suka at madamtay sa dibdib niya ang kamay nito.
Awkward man, pero hindi nakaramdam ng kabastusan si Rica. Totoong nagulat siya. Biglaan naman kase.Maraming beses na naging bigo si Ricaq sa pag-ibig, naging kabit pa nga siya for 6 months, pero hindi naging blaiw si Rica na ipagkaloob ang sarili nang walang kasal. Kaya nga, nang maaman niya ang sakit at ang malapit na pagtiktak ng kanyang matris, nagsisisi ang dalaga; dapat pa, noong una pa lang, nilasap na niya ang kasalanan tuwid ng ginawa ni Eva at Adan. Paglabas ng dalaga, nagulat siya sa malaking bultong na nakaabang sa pinto.
“Ay butiking may sungay. Ano ba? Nakakagulat ka naman. Kanina ka pa ba diyan?”
“Yes, gusto kong i-check kung okay ka lang, Miss. Sorry talaga ulit.”
“Okay na ako, Sir. Okay na, matatahimik ka na. Huwag ho kayong mag-alala. Sanay ho kami sa ganito. Yung iba ang mas malala pa sa mukha pa talaga.”
Sabi ni Rica, medyo na naman siya sa nakikitang guilt ng lalaki. Humakbang na palayo si Rica pabalik sa bar kung saan siya nakadistino. Naiilang man na medyo mamasa-masa pa ang suot at pinatungan na lamang ni Rica ng kanyang chaleko, hindi naman halata dahil gabi at puti ang polo.
“Saan ka ba galing, Rica? Diyos miyo, trabaho ang pinunta nyo rito, hindi pagbubukal-bukal. Ang sabi mo, saglit lang, hihinga ka lang. Ano ang saglit sa iyo? Isang oras mahigit. Aba, pag ganyan nang ganyan, i-ba-blacklist kita sa mga part-timer.
‘If you do that hindi ko ire recommend ang catering service ninyo.”
Sabi ng malagom na boses sa likod ni Rica. Nagulat ang dalaga nang makita ang groom-to-be na nasa likod niya. Sumunod pa rin ba ito?
“Ay, kayo pala, Sir Justin. Pasensya na ho at medyo mga tamad ang part-timer ko tonight,” sabi ni Mamang, na hinimas pa ang dibdib ng groom-to-be na salubong ang kilay.
“Huwag mong pagalitan si……. Your name again? Anyway , ’wag mo siyang sermunan. Kasalanan ko kung bakit siya natagalan. Nakakahiya man , pero nasukahan ko kase siya ng amgkasalubog kami sa CR, so kinailangan niyang labhan ang suot at patuyuin sa hand dryer. Pinagtiyagaan niyang patuyuin na napakahinang hand dryer ang polo niya kaya siya natagalan. So please don’t scold her.” Sabi ni Justin.
“Ay, ganu nba, sir. Diyos ko, Lola, loka ka talaga, Rica. Bakit ka namang nagpatuyo pa ? Pwede ka namang magpalit. May extra pa ko dyan. Anyway, pasesnya na at naser munan kita.” Sabi ni Mamang na nangingislap ang mga mata.
“Again, I’m sorry, Miss. And sayo rin, Mamang, thank you for the good service. Sige, mauuna na ako; kanina pa rin ako nawawala sa even na para sa akin," sabi ng lalaki, ang lakad na palayo. Napatitig na lamang si Rica sa guwapong naglalakad palayo. Pwet na lamang ang nasisilayan niya, pero kahit likod nito guwao pa rin.