"Aaaay… bongga. Anong panama ni Ann Curtis o ni Collen na asawa ni Bully sa gandao impaktita ka tapos ibuburo mo lang.Taraness, nagka-hanash na ang lola mo. Nakakaembyerna ka , ang tagal mo!" Maingay na sabi ni Berna o Benok Limang minuto ang lumipas bago lumabas na rin ang dalaga
"Pasensya na, talagang naaasiwa ako sa suot ko." Sabi na lang ng dalaga. Sa suot ni Benok ngayon ay tuluyan nang nawalan ng pag-asa si Rica na maisasagip sa kumonoy ng berdeng dugo ang kaibigan.Mag malandi pa ito sa kanya.
Sa isang private pool sila ihininto ng tricycle kahit kase si Benok ay walang idea kung saan ang event.Kausap niya lang sa cellphone ang jowa at ito ang may contact sa event. Tahimik pa sa loob, nanghahanda pa lamang ang sound system at kasalukuyang nag-ayos ang catering na cosyang contact ni Benok. Ipinakilala siya nito sa isang mas mapatapos na bakla at sinabing isa siya sa mga part-time at wine girl.
Apat pala sila, noon lamang napansin ni Rica. Kaparehas kasi ng costume ang tatlo pang babae, maliban sa mga waiter at waitress na nakasuot lang ng all black. Sabi ni Benok, mas malaki ang bayad, girl, kaysa sa part-time as waiter. Aba, natural lang dahil kung susumahin, mukhang magiging Gro sila sa gabing iyon.
Habang hindi pa nagsisimula ang programa, nakipag-bonding muna si Rica sa tatlo pang babaeng makakasama sa trabaho. Napag-usapan nila ang magiging trabaho.Tulad niya, in-orient din pala ito sa mga naging eksena at sinabihan din na huwag mapipikon.
"Pero, girl, ang bulong sa akin, madami raw maging bisita na mayayaman, take note, mapapera," sabi ng isa sa mga wine girl na nagpakilalang si Girlie.
"Eto pa ha, quiet lang kayo," bulong ng isa pa na ang pagkakatanda niya ay si Anna ang pangalan.
"Ang sabi, welcome party/stag party daw ata eto, means pwede tayong i-table o i-take out bg ibang boys lang, keri daw natin dapat sabi ni Mamang , ang tinutuloy nitong mamang ay yung baklang kumausap sa kanila kanina.
Sabi ni Mamang, may kumausap daw sa kanya na isa sa mga mayayaman na bisita at mukhang isusurpresa ang isang kaibigan. Naku, sabi ni Mamang, magpa-sexy daw tayo at magpa-impresa para dagdag kita. Siya daw ang magpepresyo pero may 20 percent siya. Balita pa ng babae. Kinilabutan si Rica. Hindi ata iyon nabanggit ni Benok. Nang magkaroon ng pagkakataon, kinalabit niya si Ben at hinila sa isang sulok na halos nasa likod ng bahay. Tinaning niya sng kaibigan kugn totoong may ganun st anong gagwin niya"
"Oo, posible nga kase alam ko na ang event na ito ay para sa friend nila na ikakasal na. Ipinupush ko na ikaw ang kuning babae para msgsayaw sa stag party kita rin ung bruha," Sabi ni Benok.
"Ay, ayoko, hindi ko kayang magsuot ng seksi na damit," tangi ni Rica.
"Gaga, buang ka dai.. anong hindi mo kaya naalalam o noon nagsuskat sukat ka ng bathing suit akala mo ata maaakit mo ako yak.." Paalala pa ni Benok.
"Kididing aside.Ano ka ba, girl? May ibubuga ka.Anong panama ni Catriona sa'yo noh…Mas maganda ilong mo dun.Saka nakatakio naman ang mukha mo. Hindi mo rin kailangan magsalita. All you need to do is dance at harutin ang Groom to be." paliwanag ni Benok.
"Kaya ko ba?" Nagaalala sabi ni Rica.
"Girl, pag narinig mo ang bayad, I'm sure kakayanin mo," sabi ni Benok.
"Bakit magkano ba kung saka-sakali?" maang na tanong ni Rica.
"10k girl sampong libo sa konting kembot at konting cleavage at igot-igot na ipapakita mo, gaga ka." Sabi ni Benok.
"Oh, natulala ka? Di ba easy money.Kaya, mamay, pag ang serve kang drink, galingan mo para ikaw ang ma-spot-an agad," paalala ni Benok.
Kung pagiging praktikal ang pag-uusapan, bongga na ang offer. Umasam na tuloy si Rica na sana mapili siya para matubod na niya sang kanulang lupa at makabili ng gamot.
Dumating ang sandaling hinihintay ng lahat, kasabay ng pagtogtog ng masiglang musika, at isinanggalang ang mga panauhin sa event na iyon. Sina Rica at Anna ang agad na nag-assist sa mga bisita wearing the rabbit sexy tuxedo costume. Isang lalaking may hitsura ang nangpunta sa gitna at linuha ang mikropono. Nagpakilala itong si Kerby at ito raw ang pasikuno ng event.Ayon sa Kerby, surprise party daw ito sa pagdating ng girlfriend ng best friend niya, pero dahil 10 pm pa daw ang dating ng babae, stag party daw muna ang mangyayari.
Nagpalakpakan ang lahat. Habang nagkasiyahan at napuno ng chikahan. Kainan ng pizza food ay masaya at may ngiti sa mga labing nag-serve sila ng drinks. Saktong papalapit sa kanila ang lalaking nagsasalita sa microne kanina. Nagkaramang tawag ng kalikasan si Rica, kaya sumaglit ito sa Cr. Paglabas niya ay isang malakas na kutong ang nakuha niya kay Benok.
"Aray naman, bakla, ang sakit ha. Gagi, totoong kutong 'yun, ah?" Reklamo ni Rica.
"Oo, totoo 'yun. Gusto mong ulitin ko pa. Bakit ka nag-CR? Alam mo, may papalapit na grasya," sabi nito.
"Grasya? Eh sa naihi na siyang tao, eh ano gusto mong gawin doon na magwewe? Sabi ni Rica.
"Naku! Minsan, yung kagandahan isinasantabi at ang utak ang gamitin. Ibig kong sabihin, tiniis mo muna sana saglit, ayun, yung grasya na pwede sana sa'yo, ayun, lumipad na at dumapo sa sanga ng ibang lintik na 'yan. " Sabi ni Benok.
"Hah! Di ko gets, bakla.Anong dumapo? Ano yun? Naliitong sabi ng dalaga.
"Yung lumapit na lalaki kanina yung eksaktong nangbanyo ka nanghanap ng babaeng pwedeng ibalot sa wrapper para maging surprise sa groom-to-be. Biglaan lang daw kasi yung idea niya, kaya biglaan lang din na nanghanap. Ayun, kagagahan mo si Girlie ang nag-volunteer. Grasya na bagong bato pa." Sabi ni Benok.
"Hayaan mo na, baka kaya ako tinawag ng kalikasan dahil hindi talaga 'yon para sa akin. Okay lang, okay na sa akin yung bayad sa part-time ngayon." Sabi ni Rica.
"Gaga! ewan ko sayo. Pero sayang lang talaga girl, pero sige hayaan mo na nga" Sabi na lang ni Benok.
Nagsimula na nga ang nakatakdang bahagi ng event, ang stag party.Maya-maya ay tinawag ng lalaking nagsasalita ang kanyang best friend na siyon to get married na raw. Nagpunta sa gitna ang lalaki at nagpasalamat sa mga dumalo.
Sa totoo lang, saglit na natulala si Rica sa hitsura ng lalaki. Matangkad, sakto ang katawan, moreno, pero, Diyos ko, parang kamukha ni Richard Gomez, noong nasa late 20s pa lang ang idol niya. Nakaramdam ng panibugho si Rica. Nanghihinayang sa grasya, puwede sanang nasa kaya at sa pagkakataong makakilala ng ganitong lalaki. Maging si Rica ay nagtaka sa sarili.
“Nanghihinayang ka sa pera o sa lalaki?" panunukso ni sa sarili
"Parehas, bakit masama?” Sagot ni Rica sa sarili niyang tanong.