Dalawang buwan mula nang malaman ng dalaga na may tanim ang buhay niya, wala naman siyang nararamdaman na kakaiba. Parang naapektuhan ang sistema ni Rica ngayong matamlay Kase ang dalaga. Nakakaramdam siya ng pagkahapo at parang mabilis na siyang mapagod, marahil epekto na iyon ng kanyang sakit. Isang gabi, niyaya siya ni Benok na sumama sa kanya sa isang event.Kailangan daw nito ng ilang wine ladies. Medyo nag-aalangan sana si Rica dahil nang ipaliwanag sa kanya ang gagawin ay parang hindi niya kursunada, pero ayon sa kaibigan.
"Gaga ka, huling chance mo na ito na naibuyangyang sa buong mundo ang kagandahan mo. Ano? Sa kabaong mo na lang ba ipapakita ang gandang 'yan someday?" Naaalala pa ni Rica na sabi ni Benok.
"Anu ka ba girl, live your life to the fullest, alam mong may expiration date ka na. So hello, hindi mo ba gustong ma-experience man lang ang makarating sa langit bago matigok?"Naalala pa niya ang tanong nito sa kanya. Sinabi niya kay Benok na pag-iisipan niya, total sa sabado pa naman iyon at lunes pa lang naman.
Nang sumunod na araw na iyon ay inabala ni Rica ang sarili sa paghahanap ng ikabubuhay. Sa umaga ay nagtitinda pa rin siya ng gulay at sa hapon ay nag-aalok ng labada at kung minsan nga pati pagba-barker sa pila ng jeep ay pinapatulan na niya. Nakakaipon din kase siya ng 300 mula alas 12 ng tanghali hanggang alas siete ng gabi. Maliit man, pero dagdag kita na rin iyon. Hindi naman kase araw-araw may nagpapalabada.
Yun nga lang, ewan ba ni Rica kahit anong ipit niya, kung pwede nga lang hanggang singit magipit siya ng kahit bente, makaipon lang ng pangtubos ng lupa at sa pagpapagamot sa lola ay parang walang nangyayari. Nadudukot pa rin niya bago pa madagdagan. Ang mga naisisingit niya ay dahil na rin talaga sa kakapusan.
Minsan, gusto na ni Rica ang isumpa ang kapalaran. Minsan gusto na niyang magtanong sa Diyos kung meron man. Pero nananaig ang kabutihan sa dalaga at hindi nawawalan ng pag-asa. Ang ending, ang kapatid na lalaki ang kinasuklaman , una dahil sa pag-iwan sa kanila dahil walang kuwentang kabit nito na dahilan kung bakit nangpakamatay ang hipag niyang legal.
Ikalawa, gusto niyang itong isumpa dahil sa pagabandona sa dalawang anak dahil lang sa tawag ng makamundong laman.Hindi siya nagrereklamo na responsibilidad niya ang mga bata, kaya lang ay dumarating ang sandaling naaawa na siya rito, lalo na kay Princess na malapit nang magdalaga. Hindi niya ito nasusubaybayan at noong minsan may project na mahalaga ay hindi niya nabili. Nakataon kasi na walang siyang benta dahil noong mga panahon iyon, ginto ang presyo ng lahat ng gulay dahil sa nakaaang bagyo.
Kaya naman, huwebes pa lang ng gabi ay nag-text na siya kay Benok at sinabing sasama na siya. Sayang din ang extrang kikitain. Kaya lang, hindi siya nakapagdesisyon agad dahil sa parang di niya kaya ang kalakaran. Posible kasing mabastos daw siya at dapat daw na paghandaan niya iyon. Kaso sa karakter niyang pikon ay parang nagdadalawang-isip siya, baka kase mapahiya niya si Benok.
>
Samantala is somewhere in Quezon City...
"Welcome Party? Hah, ang dami n'yong kalolohang naiisip, Kerby," natatawang sabi ni Justin. Hindi kase siya makapaniwalang si Kerby pa mismo ang nag-suggest ng mga ganito, eh number one avenger ito ng relasyon niya kay Kayla.
"Yeah, why not, Bro. It's my peace offering na din, total mukhang kahit ipakidnap kita ngayon, tatakas ka pa din to marry her, di ba?" Sabi ni Kerby.
"Gago, what's with her ba bro? Bakit kahit noon pa ayaw mo kay Kayla? She is a good woman." Sabi ni Justin.
"Alam ko naman yun bro pero to be honest hindi ko talaga gets how you settle on marrying her. Oo nga, 5 yrs na kayo, pero ilang beses pa lang ba kayo nagkakasama sa limang taon na yun? Five times? I know she's good in bed, sabi mo nga, pero bro, limang beses mo pa lang nakakasama!"
Sabi ni Kerby na nanlalaki pa ang mata to convince his point. Halatang di talaga boto sa mapapangasawa niya. Noon pa, ganito si Kerby sa lahat ng naging gf niya kay Kayla; aloof siya at ni minsan hindi pumabor.
"Bro, career woman yung tao. She is always away kase madami siyang engagement." Pagtatanggol ni Justin sa kasintahan.
"Isa pa 'yan. Busy ka-busy siya. Bakit pa? Anong magiging arrangement nyo Hi at Hello na lang paguwi ng bahay? Bro, successful ka nang tao, eh mayaman na at palaging busy. Hindi ba mas akma sayo yung babaeng alagaan ka lang, ung uuwian mo, that you will feel rested." Sabi ni Kerby.
"Maid ata sina suggest mo bro?" Natatawang sabi ni Justin, pero gets niya ang ibig sabihin nito.
"Gago. Ang ibig kong sabihin. 'Di mo need ng babaeng nagpapakasuccessful pa .Yung mas priority ang career kaysa maging ulirang asawa. Paminsan-minsan, masarap yung babaeng hindi nakikipagkompetensya sa'yo sa award at sa pera.Masarap yung babaeng aalagaan ka bilang asawa at susuportahan ka with love" Halos mataas na ang boses ni Kerby dahil nagsimula nang tumogtog ang sound sa bar kung nasaan sila. Yun na lang ang trip nilang mag-best friend mag-unwind after long hours sa opisina.
Hindi na niya kinontra ang kaibigan. Alam niyang may pagsisisi sa part nito dahil pinakawalan si Mia, ang best friend ni Kerby, na ideal type nito, na hindi man lang nasabi bago ipakasal sa iba. Late na nito nabasa ang sulat ni Mia na si Kerby ang mahal noon pa at late na rin nangkalakas ng loob ang kaibigan.Nanghihintay lang daw si Mia na magsalita ang best friend niya. Late na nang malaman ni Kerby at nakaalis na ng bansa si Mia kasama ang asawa. Halos isang buwan na para silang nagluluksa ni Kerby ng mga sandaling iyon.
"Basta bro, Saturday ha 8 pm i-send ko na lang sa'yo yung address. Ang sistema doon mo, kunwari, i-meet si Kayla, tapos bahala ka na sa kung anong surprise present mo, basta ang sagot ko, place ang drinks, maliwanag ba?"
Sabi ni Kerby, saka tinapik na siya sa balikat at nauna nang lumabas ng bar at may imeemt pa daw.
"Oo na. Ayusin mo ha, saka pwede bang masarap yung pica food!" paalala ni Justin. Sabado ng gabi magaalas siete ay nasa labas na si Benok at nagbubunganga.
Nang mga sandaling iyon sa kabilasng dako ng Maynila ay nagmamadali naman si Rica.
"Ricaaaaa… bilisan mo, mahadera ka, male late ang beauty natin, gaga ka!" Sigaw nito sa labas.
Tapos naman na si Rica magbihis. Pagaayos na lang. Medyo natagalan siya; medyo hindi kase siya sanay maglagay ng kulorete sa mukha, kaya nahihirapan ang dalaga. Pero ang talagang nakapagpatagal kay Rica ay ang costume na pinasuot ni Benok sa kanya.
Para siyang rabit kung tutuusin, ang kaso nga lang, nakabikini lamang siya. Naka-stocking naman ng black na butas-butas, pero asiwa pa rin ang dalaga. Mukha siyang si RC MUNOZ sa ayos niya, tapos medyo masikip pa sa kanya yung pangitaas, kaya need i-push ang dibdib para masara ang zipper. Ang ending naman ay halos lumuwa ang kanyang cleavage.
Napabuntong-hininga na lang ang dalawa. 1k din ito kaya titiyagain na niya. Matutubos niya ang pagkakasanla ng lupa sa isang gabing pagod lang.Kapag hindi niya kase ito sinunggaban. Mga dalawang linggong paglalako ito bago niya malikom sa paisa-isang daang ipit sa kanyang bra. Pero asiwa pa rin ang dalaga sa ayos niya kahit anong kumbinsi niya sa sarili.