Nakapagtatakang wala na ang kuryenteng nararamdaman niya dati tuwing aksidente siyang mayayakap ni Benok noon. Mga mahigit dalawang oras din ata silang nagkuwentuhan ng kaibigan. Nabanggit niya dito ang suliranin, kaya pinahiram muna siya nito ng pera para hindi na raw siya mag-alala. Bagama't nahihiya, wala nang pride si Rica. Saan niya yun kung gumagapang na siya sa hirap.
Sa tulong ni Benok, na, ayun pa sa kaibigan, ay pabirong sinabing pinagpokpokan niya ang salaping ipinahiram, ay nakapunta si Rica sa clinic. At dahil maliit ang clinic na pinagpa-checkup, sa labas din siya nagpa-laboratory, saka niya dadalhin sa klinika, at ito na ang magbabasa ng resulta, saka niya malalaman ang sakit kung meron man.
Hindi pa ulit sumusumpong ang sakit ng puson niya, pero dahil nakapagpa-checkup na, sayang naman kung hindi na niya itutuloy. Maigi na rin kase ang sigurado sa kalusugan. Inabot sa kanya ng isang lalaking naka-green scrub suit ang dalawang pirasong manipis na papel. Resulta daw ito ng laboratory niya.
"Ho!" Yun lang ang nasabi ni Rica nang marinig ang sinabi ng doctor.
"Yes, kapag ganitong stage, meron ka na lang at least two years para mapakinabangan ang matris mo.Unti-unting mawawalan ng silbi ’yan dahil hindi na makakabuo ng bata at pati ang buhay mo, ay mauuwi sa panganib. Kaya sabihin mo sa asawa mo kung puwedeng dagdagan pa ang anak nyo ay gawin nyo na ngayon na," sabi ng doktor.
"Dalaga pa ho ako, Doc, at wala pang asawa," pikong sabi ni Rica.
"Ahh, ganun ba? Aba, eh mas dapat kang magmadali. Dahil mabilis ang oras, yung matris mo, patiktak na malapit nang ma-expire, at ang buhay mo, dalawang taon na lang din ang taning kapag hindi mo napaalis ang matris mo.
Halos dumilim ang paligid ni Rica sa nabalitaan. Parang gusto niyang magwala at maghurumintado sa loob ng klinika dahil sa unfair na kapalaran. Lugmok sa kalungkutan na umuwi si Rica. Bukod sa nakakasuklam na katotohanan, hawak niya ang mga reseta ng mga bibilhing gamot. Sa tindi ng hinagpis ni Rica, pinunit niya iyon.
"Bakit pa? Bakit pa may gamot kung may taning naman na?" Sabi ng dalaga. Bigla na naman siyang nakaramdam ng pananakit ng puson. Biglang natauhan si Rica at dinampot ang punit-punit na reseta na isiniksik niya sa basurahan. Pinilit buuin ng dalaga at ini-scratch tape pa. Saka palihim na umiyak habang nakayuko upang walang makakita.
Hapon na siya nakabalik mula sa parang walang katapusang pila, kaya kapos na sa oras para maglako ng paninda. Bumili na lamang muna ng pancit canton si Rica at itlog mula sa tirang pera na bigay ni Benok. Nagtabi siya ng konti; ilalaan niya sa pagbili ng gamot kung saka sakaling tumindi ang sakit ng puson niya, yung hindi niya talaga matiis. Sa ngayon ay natitiis pa naman niya, kaya pa sabi na lamang ni Rica.
Inilihim ni Rica ang resulta ng kanyang sakit. Hindi niya nais na mag-alala ang lola niya, kaya nang magtanong ito, simpleng cramps lang, nalipasan lang siya ng gutom, iyon ang sabi ng doktor. Sa sariling silid doon ibinuhos ni Rica ang lahat ng sakit sa natuklasan. Pinilit niyang ilalim ang mukha sa unan para hindi marinig ng kanyang lola ang pag-iyak niya.
Nakampante naman ang lola niya dahil hindi na ulit sumakit nang malala ang puson niya sa mga sumunod na araw. Kaya nakumbinsi na rin itong marahil ay nalipasan lamang ng gutom si Rica. Nang magkita sila ni Benok, isang gabi nang pumasyal ito sa kanila, hindi napigilan ng dalagang ilabas ang bigat ng kalooban.
"What?"Sure ka, girl, hindi ka nagpa-prank?" Sabi ni Benok, aka Berna.
"Namu! Mukha ba akong nagpa-prank?" Sabi ni Rica, sabay turo sa matang nagkulay itim dahil sa pagkalusaw ng maskara. Pinagpapraktisan kasi ng loka-lokang si Benok ang mukha niya. Magtatayo daw ito ng parlor kasosyo ang bagong dyowa niya na nakilala nito sa Japan.
"Girl,trulala ba talaga? Sureness na? Eh, kung magpa second opinion kaya tayo." Nag-aalang sabi ni Benok.
"Huwag na, gastos lang 'yan. Saka imposible namang magkamali yung doktor na yun. Kung may maging ibang opinyon man ang ibang doktor, baka mas malala pa, lalo na kung sa private na doctor, kung ano-ano pang ipapa-test sa akin, ganoon pa rin ang kalalabasan, bilang pa rin ang sandali ko sa mundo, pati matris ko, so ano'ng pang-sense?" Sabi ni Rica.
Tumahimik na lang si Benok. Niyakap na naman siya ng kaibigan. Ramdam niyang malungkot din ito para sa kanya. Mas nanahimik nga ito kaysa sa kanya. Tahimik si Benok hanggang sa magpaalam na uuwi. Yung pagpapraktis nito ng pag-aayos ay natigil na rin.Walang ginawa si Benok nang buong oras matapos niyang sabihin ang problema kundi ang haplosin ang buhok niya at pamaya'y halikan ang noo niya.
Kung hindi nga lang pumipilantik ang mga daliri nito, ay iisipin niyang may gusto sa kanya si Benok. Kung hindi nga lang siya problemado, aakitin niya ang kaibigan, baka sakaling ma-save pa niya ang pagberde ng dugo nito.
Naiiling na lang si Rica. Naiisip niyang i-save ang iba samantalang ang sarili ay hindi.
Dalawang araw matapos ang masamang balita para sa dalaga .Isa na namang dagok ang dumating sa kanya. Ang masamang pakiramdam ng lola niya ay nagtuloy-tuloy at halos bumaba ang resistensya ng katawan dahil na rin sa madalas na nakahiga.
Nagsumbong pa ang pamangking si Princess na hindi daw madalas kumakain ang matanda at ang share nito ay ibinibigay kay Butchok na madalas humirit pa ng ulam. Kinumbinsi niya ang lola niya na magpunta sa center, pero ito ang umaayaw dahil ayaw daw maglakad at pumila.Nahihilo daw ito.
Hindi malaman ni Rica kung paano nakakaraos sa araw-araw. Sa umaga ay aasikaduhin niya ang lola at mga pamangkin, katuwang si Princess. Pagod siya sa paglalako ng paninda araw-araw. Sa hapon ay pinipilit niyang kumita pa dahil pinag-iipinan ang panggot niya at gusto niyang ibili ng bitamina ang lola niya. Madalas siyang tulungan ni Benok, pero nahihiya na siya dito. Wala itong obligasyon sa kanila, pero parang linggo-linggo para itong Atm na nagde-dispense ng pera sa kanya.
Nakakaluwag ito sa ngayon dahil may naipon sa Japan, pero sa napapansin niya ay maluho sa pamumuhay ang kaibigan at hindi tatagal ang perang ipon nito kung magiging walis. Minsan naiisip na ni Rica ang magpokpok sa Japan. Minsan naeengganyo na siya sa alok ni Benok, pero kapag naiisip niyang maiiwan ang lola at sa lola maiiwan ang tatlong pamangkin ay labis ang pag-aalala niya.
Naging parang robot si Rica nang sumunod na linggo. Gigising na lamang siya sa umaga para dumiskarte ng pang-araw-araw. Doon na lang pinokus ni Rica ang mga nalalabing araw ng buhay niya. Hindi alam ng dalaga kung tanggap na niya ang kapalaran o nahihirapan na siya, kaya parang bawal lang o takot siya, kaya halos hindi niya binabalikan ang araw na iyon.