In fairness, mahal naman siya ng lalaki. Ramdam naman niya, yun nga lang, takosa pala. Isang araw, walang kaalam-alam si Rica na delubyo pala ang magiging araw niya na dapat ay maliligaya. Yun na pala ang huling halik ni Arnel sa kanya dahil matapos ang mistis na halik na iyong ay masakit na sabunot ang inabot niya mula sa asawa nito na kinaladkad siya palabas ng restaurant na iyon at ipinahiya sa maraming marites na naroon . Masakit ang sabunot at ang mga galos.
Pero mas masakit yun hindi ka man lang pinagtanggol ng lalaking pinili mong pagkatiwalaan. Ni isang sulyap, hindi siya tinapunan; bagkus ay yumakap lang sa asawa at hinihimas-himas ang likod para pumayapa.
Ang eksenang iyon ang tumanim at baon ng tudo sa puso at isip ni Rica. Kaya magmula noon, hindi na siya nagbukas pa ng pinto sa kahit sino at kahit anong uri pa ’yang pagmamahal.
Kaya naman umabot siya sa punto ng buhay niya na halos hindi na siya naniniwala sa pag-ibig, sa mga lalaki, lalo't walang forever.
At hindi pa talaga nakontento si Kamalasan dahil isang araw ay binomba na naman ng malupit na guhit ng kanyang palad si Rica.
Isang madaling araw ay sumakit nang sobra ang puson at ibabang tiyan ni Rica. Buong akala naman ng dalaga ay dysmenoria lamang, pero na-realize ni Rica na tapos na ang kanyang monthly period, halos sampung araw na.Isang linggo pa at ovulation na naman niya. Saka wala siyang dysmenorrhea; hindi siya kailanman nagkaroon ng cramps during every period.
"Menopause?" Biglang napabalikwaa ai Rica sa naisip
"Sobra ka naman! 30 pa lang siya noh!!" Pero sabi-sabi ng matatanda, meron daw early menopause at posibleng mangyari sa babaeng palaging pagod at stress.
"Wah!!Di nga?" Bulong ng dalaga sa sarili. Ang sakit ay inabot na ng pagsilip ng bukang-liwayway, pero nang pumutok na ang liwanag ay lalong tumindi ang sakit. Mga alas siete ay nangtimpla ng kape si Rica para mainitan ang sikmura. Pagkatapos ay kumuha ng bote ng mantika, nilagyan ng mainit na tubig, tinakpan at pinagulong-gulong niya sa kanyang puson hanggang sa sikmura.
Pero lumipas na ang magdamag ay hindi pa rin nawawala. Sa kamalasan, nagkataon pa na walang-wala siyang pera dahil nagbayad siya ng utang at naubos ng mag-diaria ang bunsong pamangkin. Kaya ang ending, pumila pa si Caila sa kanyang lola sa center. Pero wala raw ang doktor tuwing lunes at miyerkules; lakang daw ito nakaduty sa Health Center. Kaya umuwi na lamang muna sina Rica.
Gumawa naman ng paraan ang kanyang lola kahit pa nga hirap na itong lumakad. Umalis ito saglit at nagulat na lang siya nang inabutan siya nito ng isang libo. Nang tanungin niya kung saan ito kinuha.Ang sabi nito ay isinanla ang kanilang lupa.
"Ano, Lola, isinanla ninyo ang right nating sa lupang ito sa halagang isang libo lang? Lola, naman, barya lang ito?"
Dismayadong sabi ni Rica. Kasi kung malasin siya at hindi makalikom ng halagang isang libo sa loob ng napag-usapang oras ng matanda at ng napagsanglaan, ay makukuha ng mga ito ang right nila sa lupa nila sa halagang isang libo lang.
Tahimik naman ang kanyang lola na ngayon naman ay aligaga sa pagdarang ng dahon ng "tuba" sa kanilang de-uling na kalan para ipangtapal naman sa puson niya para daw makatulog na siya. Kaya naman naghanap na lamang ng murang clinic si Rica at doon nagpakonsulta.Kung humupa lamang talaga sana ang sakit, babalewalaan na lamang niya, kaso masakit pa rin hanggang sa mga sandaling iyon.
Sa tagong clinic nagpakonsulta si Rica.Mura lamang ang consultation fee na 100 pesos.Yung nga lamang ay nagbayad siya ng laboratory at ultrasound, kaya halos pambili na lamang ng niresetang gamot ang natira sa 1k niya. Pansamantala lang ang gamot, pang-alis lang daw ng kirot. Dahil after 3 days babalik pa siya para sa resulta ng mga laboratory at doon pa lamang makikita ang totoong problema.
Umuwi nang balisa si Rica. Kailangan na naman pala niya ng pera after 3 days. Pagkatapos ni Rica ay medyo nawala ang pag-cramp ng puson niya, kaya nga lang, stressed naman siya dahil tatlong namumugtong mga mata ang naghihintay sa kanya.
"Oh, bakit para kayong mga gutom na kuting ha?" Tanong ni Rica sa mga pamangkin.
"Eh tita, hindi pa po talaga kami kumakain eh?"
Sabi ni Princess, ang pinakapanganay sa mga pamangkin na nasa pangangalaga ng lola niya. Labindalawang taong gulang ito at kasalukuyang Grade Six sa mababang paaralan ng Mabolo. Ang isang batang nasa anim na taong gulang lang ay ampon naman ng kanyang lola. Hindi nila magawang itaboy dahil sa ang cute nito kya itinuring na ring kapatid ni Prinsess.
"Tita may dala ka bang jolbe" Tanong ni Butchok, ang ampon nila"
"Tita, si Lola nga pala medyo masama daw ang pakiramdam maghapon na iyon, di lumalabas mula nang umalis ka kanina pa," sumbong naman ni Totoy, ang sampung taong gulang na pamangkin. Napatingin siya sa silid ng kanyang lola at binagabag ang kanyang konsensya.
"Sige maglibang muna kayo dyan at magsasaing lang ako"
Nagsaing na ako, Tita, kaso dalawang takal na lang ang bigas, pero sinaing ko na ring ulam na lang ang wala, sabi ni Prinsess.
"Ahh ganun ba oh sige sandali lang at binili ako ng mauulam"
Sabi ni Rica.Mabuti na lang pala at nagbago ang isip niya sa pagbili ng gamot. Napansin kase niyang medyo gumanda na ang kanyang pakiramdam, kaya sabi niya sa sarili niya, ipagpapaliban na lang ang pagbili ng gamot.
Saka na lang paglabas ng resulta kung anuman ang sakit niya.
Isang lata ng meatloaf, limang itlog, at isang kilong bigas ang nabili ng dalaga. Yun na lamang kase talaga ang natira ng isang libong nadiskarte ng lola niya. Pinagkasya niya ang dalawang takal na bigas sa tatlong l pamangkin at nagsain na lamang siya ng isang takal para sa kanila ng lola niya.
Maaga pa lang, kinubUkasan ay nasa kalsada na si Rica para maglako ng panina. Mas sinipagan pa niya ang paglalako st medto lalo sa nakasanayang ruta.Kailangan kasi niyang makabenta.Bukod kase sa pangkain ng mga pamangkin ang alalahanin niya, dumagdag pa itong puson na ito.
Sa kamalasan naman talaga.Palubog na ang araw. Tatlong piraso lamang ang naibenta ng dalaga.Isang kalabasa na tag-30 ang hiwa. Talbos ng Kankong at carrots. Problemadong malala si Rica dahil kailangan niya ng pera pag bumalik sa clinic. Sa benta niya ngayong pang-ulam na naman lang ang mairaraos niya. Lumiwanag ang paligid niya nang makita si Benok, este Berna, sa kanto na may hinaharot na delivery boy ng rasyun ng yelo.
"Benoookkkk!" Sigaw ni Rica.
"Hoy! Ganda kong 'to, tatawaging mo lang akong manok, kaloka ka," sabi nito.
"Papunta talaga ako sa inyo, Rica. Medyo nasabit lang dito kay pogi. Sabi ko kase dalhan ako ng yelo sa bahay araw-araw kung pwede." Sabi ni Benok/Berna
"Asus, ano gagawin mo sa delivery ng yelo, 'yun na ba pangpaligo mo?" Nagaasar na tanong ni Rica
"Ay plangak!!" Tili ni Benok.
"Halikan nga papunta ako sa inyo" aya ni Benok.
"Wag na sa plaza na lang tayo magusap baka pag nakita ka ni Lola, himatayjn ung matanda.
Masama ang pakiramdam n'yon. Huwag mong biglain ngayon; sa ibang araw na lang, sabi ni Rica.
"Ay, grabe siya. O sige, tara, miss na kita eh.Oh, eto yung mga palalubong ko.Gamitin mo ha. Ikaw talaga ang nasa isip ko nang makita ko 'yan. Sabi nito, sabay abot ng isang paper bag sa kanya na nakapatong sa upuan ng tindahan.
"Tara, dun tayo sa plaza. Miss na kitang kulitin eh libre kita fishball," sabi ni Benok, sabay akbay sa kanya.