Papalabas na ako ng opisina nang maalala kong naiwan ko iyong baunan ko kaya bumalik ako. Naabutan ko si Sir Avery na nakalabas na rin ng office niya. Nagkatinginan kami. "May nakalimutan lang, Sir," sabi ko habang nakatingin sa nagtatanong niyang mga mata. Kinuha ko ang pakay at nang patungo na sa pintuan ay nagsalita siya. "Can you join me for dinner?" He suddenly asked. Ang mga titig niya'y naninimbang, he looked exhausted, too. "Nevermind..." "Sure," magkasabay naming sambit. "Sure?" Paniniguro niya. "Opo." Tumango ako. "Pero okay lang ba na sa mura lang?" Kumunot iyong noo niya, 'di yata gusto ang sinabi ko. Ang layo pa ng akinse, kailangan kong magtipid. "Wala pang sahod, eh." Dagdag kong paliwanag. "I could pay. Ako naman ang nag-aya." "Malakas akong kumain," sabi ko.

