"Bes, are you okay?" hahangos-hangos si Kate nang magising ako from nap kinahapunan. Mahapdi pa ang mga mata ko, natagpuan ko siyang nakaupo sa aking higaan. She was still wearing her uniform. "Bakit suot mo 'yan? Bawal 'yan ilabas 'di ba?" Taka kong tanong sabay kusot sa aking mata. "Don't mind my uniform. Ang lapit lang ng hotel, pwede kong isoli mamaya." Umupo ako upang maharap siya nang maayos. "Sir Avery told me what happened." Bahagyang kumunot ang noo ko. "I'm fine, Bes, misunderstanding lang. Atribida kasi iyong Bettina, akala mo kung sinong manghusga. Tawagin ba naman akong w***e?!" Binanggit ko lang iyong pangalan niya, gising na gising na agad ang dugo ko. "Aba, at nasaan na siya? Papasok ba siya bukas? Aabangan ko talaga 'yang bruha na 'yan?!" Pareho kaming natawa sa e

