Hindi ko alam kung bakit parang ako pa iyong may kasalanan. Gusto ko lang naman malaman kung totoo. Tama nga si Kate, gusto nga ako ng boss ko but not in a way that he was admiring me, but with the reason that he wants to bed me.
At bakit niya ako agad na sinisante? Dahil ba nalaman ko na ang totoo? Bakit parang ako pa iyong mali?
"You're fired!" Ganoon kadali niyang sinambit ang mga katagang iyon habang mariin ang titig sa akin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at dinampot ang aking bag. "Out, now!" Dadag niya pang sigaw.
Hindi ko na narinig pa ang sumunod niyang sinabi dahil wala na ako sa sarili. Hilam ng luha ang mga mata ko habang lakad-takbo papalayo sa opisina. I could hear murmur along the hallway, surely that were negative words that were pointing at me.
This was too much for a first day and I don't know how to handle it. Siguro kasi baguhan pa lang ako. Ngunit naniniwala akong hindi dahilan iyon para sabihan ako ng w***e. Bakit ganoon na lang ako kadaling nahusgahan ng babaeng iyon? Dahil sa suot at gamit ko lang? Kakaiba naman pala talaga ang mga tao rito. Kapag bihis probinsya ay pagtatawanan ka, kapag naman nabihisan ng nakakaangat ay mababang uring babae agad. Saan ba dapat lumugar?
Hindi niya ba nakikita ang sarili niya sa salamin? Akala mo naman sinong napakagandang nilalang.
Mabilis ang naging lakad ko, lumiko muna ako sa ikalawang kanto mula sa ABEV. Iyon ang daan papuntang mall na pinuntahan namin ni Tatay. Nang masilip ko ang establisyemento ay lalo lang akong naluha. Mukhang hindi ko na madadala si Tatay dito. Bigo ako.
Sa isang coffee shop ako pumunta. Umupo muna ako sa may alfresco area, hindi pa naman mainit kaya ayos lang na rito muna ako. Maya-maya na ako o-order. I repeatedly heaved a sigh to calm myself. Mamaya na ako uuwi kapag alam ko nang wala na sila Kate at Kuya Junnie sa bahay dahil ayoko silang mag-alala. Kailangan ko munang kumalma.
"Ma'am, kayo na po ang next," biglang may lalaking nagsalita. Nagsalubong ang aking kilay at lumingon sa aking likuran, nagtataka.
"Ako po?" Tanong ko habang nakaturo sa sarili.
"Hindi po ba kayo aplikante?" Gaya ko ay mukhang naguluhan din si Kuya. He was wearing an apron on his waist. Siguro'y server dito sa coffee shop. Ibig sabihin ay hiring sila. Tila ba may kampanang kumalembang sa aking isip. Mabilis kong kinuha iyong resume ko at iniumang sa kanya. Maigi na lang at lagi akong handa.
"Aplikante po," nakangiting sagot ko. "Heto po ang resume ko."
Inayos ko agad ang sarili at nagsuklay. Nagtaktak din ako ng kaunting pulbo saka hinilamos iyon sa aking mukha bago tuluyang pumasok sa loob.
Naghintay pa ako ng thirty minutes dahil nagkarami ang tao at kailangan ang manager sa floor. Wala namang problema iyon sa akin. Narito na rin lang ako ay lulubusin ko na. Malaking tulong kung magkakatrabaho ako rito dahil mas malaki ang rate 'di hamak kesa sa Naic. Mag-iipon ako para sa back subject ko na sa isang taon ko na makukuha. Ayos lang, kesa naman magmukha akong maruming babae sa paningin ng mga tao sa ABEV.
Luckily ay nakapasa ako sa interview. Pinapapunta na nga ako sa head office nila sa susunod na araw. Ang kaninang pighati ay napalitan ng tuwa. Kahit paano ay napanatag na ang loob ko dahil mabilis na nasolusyunan ang problemang iniisip. Naglibot-libot muna ako sa loob ng mall pagkatapos at kumain sa food court doon sa may ground floor. Napagtanto kong nakakagutom pala mag-drama.
Alas dose na halos ako nakabalik ng condominium. Tama nga ako at wala na ang magkapatid pag-akyat ko. Muling bumalik ang kahungkagan sa puso nang mapag-isa.
Marahan kong binababa ang aking bag sa kama at saka umupo, tapos ay kinuha ko iyong cellphone sa loob. It has already been ten missed calls from Sir Avery nang buksan ko ito. Marami ring mensaheng mula sa kanya na hindi ko na inabala pang buksan. Bahala siya sa buhay niyang damuho siya.
Pabagsak kong binagsak ang aking katawan pahiga. Awtomatikong pinindot ng aking daliri ang gallery at doon tumambad ang mga picture namin ni Tatay.
Mabilis na nag-unahan ang mga luha ko habang nagsu-swipe ng screen. Ang sakit-sakit sa kalooban na nabigo ko siya. Iba pa rin kasi ang ABEV, pangarap iyon ng marami tapos bigla na lang naglahong parang bula dahil lang sa naniwala ako sa pekeng kabutihan ni Avery Villaroel. Inisip ko na lang na hindi laan ng Diyos iyon sa akin.
Dahil inis pa rin ay napagdiskitan ko iyong mga nakasampay na damit na bili ni Avery. Miski ang suot kong damit ay hinubad ko rin pagkatapos ay nagpalit ng pambahay. Lahat iyon ay pabalumbon kong binalik sa tatlong malaking papaer bag. Isosoli ko ito sa kanya. Iyong laptop naman ang naroon na sa opisina, saksak niya sa baga ng secretary niya!
"w***e pala ha? Hindi mo ako makukuha sa mga padamit mong ganyan. Naku, animal ka!" gigil kong usal habang sinisiksik sa likod ng pinto iyong mga paper bag dahil nakakapang-init ng ulo tingnan.
Natigil ako sa ginagawa nang biglang may nag-doorbell. Sino naman kaya iyon? Agad akong nagtungo sa pinto at sumilip sa may peephole. At ang damontres na boss ko pala iyon. Kaya bago ko buksan ang pinto ay kinuha ko muna iyong mga paper bag para maisauli ko na at wala na akong dahilan para bumalik pa sa hotel.
At iyon nga ang ginawa ko, hinagis ko lahat sa kanya ang mga damit.
"What?" Kunot-noo niyang tanong habang bitbit ang mga bag. Biglang nagbago ang emosyon niya nang magsalubong ang tingin namin. "You're still crying?" he asked worriedly.
Wala sa sariling dinala ko ang kamay sa aking pisngi. Oo nga, may luha pa rin akong nakapa.
"Eh, ano ngayon?" Sikmat ko. "Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo rito? Excuse me, Sir, hindi ako kaladkaring babae kaya makakaalis ka na!" Akmang papasok siya nang tuluyan sa unit nang bigla ko siyang ambahan ng tsinelas ko. Umatras siya. "Sige, lumapit ka. Hahatawin kita nito!"
"Keira, what are you doing? Why are you like that?" Pagod niyang ani, napahilamos pa siya ng mukha. "I already fired Bettina. Hinayaan kitang umalis to clear your head. I know that she called you unforgivable names and it hurt you, and I'm here to say sorry for her nasty behavior."
"H-huh?" Sa dami nang sinabi niya, feeling ko nag-buffering ang utak ko. "Hindi mo ako sinisante?" naninimbang kong tanong.
"Bakit naman kita sisisantehin? Wala ka pa ngang nagagawang trabaho. There are no such grounds," he reasoned out.
"Eh, sabi mo kanina habang nakatingin ka sa akin, "you are fired!" I even mimicked his high pitch tone na kinangiwi niya.
"I just can't take my eyes off you because you're crying. And I don't know what would possibly happen if I glared at Bettina while saying those words." Kita ko ang pagrolyo ng bagay sa kanyang lalamunan. "I-i need to calm down first."
Ano raw? Isa lang ang naunawaan kong mabuti. Iyon ay malinaw na hindi niya ako sinisante. Ibig sabihin, matutuloy ang pangarap ko. Sa ABEV pa rin ako magta-trabaho!
Nanginginig ang mga kamay kong binaba ang hawak na tsinelas. Unti-unti na akong napahikbi pagkatapos hanggang sa naging iyak na 'yon.
Malamlam na tingin ang ginawad sa akin ni Sir Avery. Ngayon ko lang napansin na maluwag na iyong necktie niya at hindi na siya naka-coat. Pawisan din siya at mukhang pagod.
"S-sorry po, Sir Avery. Akala ko kasi..." Hindi ko agad maituloy ang salita dahil umiiyak na talaga ako. "Pangarap ko po kasi talagang makapasok sa ABEV. Para kay Tatay po lahat ng pagsisikap ko kaya ako nakipagdapalaran dito. Sorry po talaga sa mga nasabi ko."
Dahil sa hiya ay napatakip na lang ako ng mukha gamit ang dalawang kamay. Magkahalong tuwa, lungkot, at pagkapahiya ang nasa aking dibdib. "S-sorry po talaga."
Naramdaman ko na lang na bigla niya akong kinabig at hinayaang umiyak sa kanyang dibdib. So this was the Avery when he drop his guard down.