Chapter 9: w***e

2643 Words
Napakunot noo ako nang may iumang na maliit na timba si Sir Avery sa harapan ko. Meron din iyong plastic sa loob. "S-sir?" Nagtataka kong tanong. "Baka masuka ka na naman, ako na ang nag-adjust." Napangiwi ako. Gusto ko na lang lumubog sa upuan. Itinabi ko iyon sa gilid, doon sa madaling abutin May pagka-boy scout din pala itong si Sir. Luckily ay komportable naman ako sa sasakyan ni Sir kahit bago iyong dala niya. Mararamdaman ko naman agad sa unang pag-andar ng sasakyan kung masusuka ba ako. "S-sorry po noong nakaraang gabi na sumuka ako sa kotse niyo." Siguro iyon 'yong dahilan ng pagpapalit ng kotse. He just gave me a deadpan look and averted his gaze back again to the road. Napakamot na lang ako ng ulo. "Heto nga po pala iyong address ng condo ni Kate, Sir," sabi ko sabay lapit sa kanya noong cellphone ko. "You can use the staff headquarters if you like, Keira. There's no need to share with your friend," he said instead. Natigilan ako. That was tempting pero kapag quarters ang alam ko ay may iba pang kasama. Kung ganoon ay mas maigi nang ang best friend ko na lang ang kasama ko. "You can have your own room." Okay, he absentmindedly answered my question in mind. Pero malamang ay hindi pwede roon si Tatay. Iba pa rin kapag sarili kong lugar. "Uh. Okay lang po ako, Sir. Saka mas panatag po si Tatay kung magkasama kami ni Kate." "With her brother?" he asked again, frowning. "Hindi po." Umiling ako. "Kaming dalawa lang po ni Kate roon. Bale doktor po rito iyong kuya niya tapos may condo unit lang po sila sa Makati." "Okay." That was where our conversation ended at wala na ulit siyang imik pagkatapos noon. Kung naiba lang ang sitwasyon siguro ay kukukitin ko pa rin siya at pipiliting mag-make ng conversation ngunit pagkatapos ng nangyari noong nakaraang gabi ay nagpasalamat na lang ako na isang tanong at sagot siya. Laking taka ko nang sa isang mall kami dumaan. Medyo malapit lang din iyon sa hotel. "Sir, may lakad ka po ba rito?" ani ko habang nililibot ang tingin sa paligid. Mukhang uwian na ng mga empleyado dahil kabi-kabila ang mga taong tumatawid at naglalakad. "Pwede naman pong magpasundo ako kay Kuya Junnie dahil malapit na lang po rito iyong condo. Baka makaabala pa ako." "I know," he looked at me. "I need you here because we will shop for your uniforms." Wala sa sarili akong napatango. Sa pagkakatanda ko ay anything corporate attire ang sinabi sa akin ng hr. Siguro nagbago na? Poporma pa lang ako ng baba pagka-park ay may taong pinagbukas na ako ng pinto. Nakangiti itong bumati sa akin. "Welcome to Diamond Supermalls, Ma'am." "Salamat po." Pagdako ng tingin ko kay Sir Avery ay binigay niya iyong car key niya sa lalaking may kaparehong uniform nang bumati sa akin. I think it was the guards. Hindi naman na nakakataka dahil CEO siya ng isang malaking kompanya. Kabi-kabila ang pagbati ng mga empleyado nang pumasok kami. Maganda iyong lugar, hindi matao at pulos branded ang produkto sa loob. Sinilip ko ang presyo noong isang t-shirt na nadaanan ko, two thousand pesos ang isa! Nakakaloka! Hindi ba pwedeng sa Divisoria na lang bumili? Naisip ko kanina na baka salary deduction ito kaya okay lang sa akin. Pero kung ganito naman kamahal at dalawang libo na agad, blouse pa lang, eh mag-ukay-ukay na lang ako. Binilisan ko ang lakad upang maabutan si Sir. Kinalabit ko siya. "Sir," tawag ko sa kanya, mabilis niya akong nilingon. As usual, wala na naman akong mabasang emosyon sa mga mata niya. "Ang mahal kasi rito..." "The company will pay for it," he said before walking faster as he could. Sabi ko nga. Sa isang boutique ng mga pambabaeng damit kami nakarating. It was full of corporate and semi-formal clothes. I immediately scanned the first aisle of the trouser pants, sobrang gaganda nila. Simple pero mukhang pang-propesyonal talaga. "Pwede mong isukat, Ma'am," nakangiting sabi noong sales lady. "You can choose whatever you want as per Sir Avery." I averted my gaze to my boss who was sitting like a king on a couch. He nodded curtly and gaze back at his phone. I only choose two pairs of trousers pants and a formal blouse but Carlene - the sales lady insisted to have it completed for fourteen pairs! Kapag daw hindi iyon ang bilang na nasunod ay baka masisante siya ni Sir Avery. Napag-alaman ko rin kay Carlene na ang boos ko pala mismo ang may-ari ng mall kaya ganoon na lang siya estimahin dito. I was adamant at first but I have no choice but to comply para wala nang madamay pang iba. "Sure ka ba rito? Ganito talaga dapat karami?" tanong ko ulit kay Carlene. "Yes, Ma'am, sundin na lang natin para hindi tayo mapagalitan." She bit her lips, looking worried. Nakahinga lang siya nang maluwag nang tumango ako. Awtomatikong tumayo si Sir Avery nang papalapit kami sa counter. Carlene told him that I am done with fitting. Hindi naman na niya inisa-isa ang mga 'yon. Avery just gave the cashier his black card and then have it swiped. Muntik na akong mabuwal nang umabot ng ilang libo ang total ng mga damit ko. Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko dahil akala ko ay magagalit siya dahil kalabisan na ang halaga, ngunit parang wala lang iyon dahil tumalikod na agad ito sabay naglakad palabas. "Sir, salamat po," sabi ko nang muli kaming makasakay sa kotse. "It's not free." His statement made me gasp. Binudol lang ba ako ni Sir? "You need to do your job well to make it worth it. I expect your good performance starting tomorrow." Mapanganib ang mga salitang binitiwan niya. Punong-puno iyon ng diin. Kahit paano ay nakahinga ako nang maluwag. Mabilis akong tumango dahil iyon naman talaga ang gagawin ko. Para kay Tatay, lahat ay gagawin ko. Hinatid na rin niya ako agad pauwi dahil may biglaang meeting pa raw siya. I asked him kung kailangan niya ng tulong ko pero sabi niya ay okay na siya na lang mag-isa. "Wait, tulungan na kitang dalhin ang mga gamit mo." I stopped Avery's hand for getting it off the steering wheel. Parang may kung anong kuryente akong naramdaman nang magdikit ang mga kamay namin. Napalunok ako habang mataman niya ako tinititigan. "Huwag na po, Sir. Pasensya na, hindi kasi sa akin iyong unit. Nakakahiya naman kung magsasama agad ako ng ibang tao." Mabilis na bumakas sa gwapo niyang mukha ang pagkairita. "I'm your boss..." He reasoned out. "I mean, opo nga. Pero lalaki po kayo." "May lalaki rin doon at hindi mo siya kaano-ano." Gusto ko na lang lamutakin ang mukha ko sa frustration. Bakit ba kami nag-aaway? Malalim akong bumuntinghininga, kinakalama ang sarili. "Eh, sa kanila po iyong unit kaya nga po nakakahiya. Pero sa susunod po, magpapaalam po ako kung pwede ka pong umakyat." Kahit na pinagsakluban na naman ng kayamutan ay wala na siyang nagawa. Naunahan ko na rin kasi siya dahil kanina pa ako nag-text kay Kate na bumaba siya para tulungan akong magbuhat. Hindi na nagpilit pa ang boss ko at mabilis na pinasibad ang sasakyan nang makababa ako. Kulang na lang ay ihampas sa akin ni Kate iyong mga paper bag na bitbit namin. Kuya Junnie was the one who was carrying my bags of clothes. Ngingisi-ngisi siyang napailing. "Nice. Mukhang kursunada ka no'ng boss mo, Keira, ah." Nanlaki iyong mga mata ko. "Hindi naman, Kuya Junnie, nagmagandang loob lang." Nagkibit lang ito ng balikat, halatang hindi kumbinsido sa sinabi ko. Dahil sa sobrang gutom ko at pagod sa byahe at pamimili ay nakarami ako ng kain. Ako na nga lang ang natira sa hapag. Kundi pa nagtitili si Kate ay hindi mawawalan ng laman ang aking bibig. Naibuga ko ang isang tipak ng kanin na may kasamang manok. Nakita ko siyang nakadungaw sa pinto ng aking gagamiting silid na nanlalaki ang mga mata, bitbit niya iyong isang damit na binili ni Sir Avery. "Five-thousand pesos?! Isang trouser lang ito, Keira Jomarie. Ano ka gold?! Doon na ako naalarma. Bakit ba hindi ko muna tinanggal ang tag price bago kumain? Nabahiran tuloy ng malisya iyong simpleng pagbili lang ng mga damit. Huli na para takbuhin ko at agawin ang mga hawak niya dahil naisiwalat na niya ang presyo noon. Binasa pa niya isa-isa ang brand ng mga 'yon. Feeling ko nga malapit na siyang mahimatay dahil namumula na siya at bumabakat na iyong mga ugat sa leeg niya. "Ikaw na talaga, Keira. Sure na sure na akong gusto ka ni Sir Avery. Grabe! Naka-magkano ka?" Nanunukat niyang tanong. "Bakit 'di mo na lang compute-in, eh kinalkal mo na lahat." "Ayoko ng Math eh," sagot niya pabalik. "Sige na sabihin mo na," pagpipilit niya. I sighed in resignation before answering. "Fifty-thousand pesos," sabi ko bago siya natulala sa hangin. Lumipas ang buong maghapon ko sa paglalaba ng mga bagong damit. Pumili lang ako ng lima dahil masyadong marami. Mabuti na lang at automatic iyong washing machine nila Kate sa condo kaya mabilis akong nakabanlaw at nakatuyo. Soft wash lang ang ginawa ko since bago pa naman. Kinagabihan ay tumawag akong muli kay Tatay pagkatapos magplantsa. I told him how nervous I was pero hindi siya nabigong pagaanin ang loob ko. Ang pasok ko ay alas otso pa ngunit alas singko pa lang ay gising na ako kinabukasan. Sabi ni Kuya Junnie at Kate ay pwede ko namang iluto ang kahit ano, nag-grocery kasi sila kahapon bago dumiretso sa condo. Sinubukan kong mag-abot kagabi ng pera para ambag ko para sa pagkain kay Kate pero hindi niya iyon tinanggap. Bagkus ay inirapan niya lang ako bago pumasok sa silid niya. Nag-sangag ako ng kanin at nag-prito ng longganisa at itlog. Mas maaga iyong pasok ko since sa office ako at si Kate naman ay mamayang eleven pa, mid-shift siya. Tamang-tama pagkagising nila ni Kuya Junnie ay may almusal na. Mabilis ang naging kilos ko mula pagkain hanggang sa pag-aayos dahil gusto kong maagang pumasok sa aking unang araw sa trabaho. Tanda ko naman ang daan kaya hindi ako nahirapan. Ang umaga sa siyudad ay ibang-iba sa Naic. Paglabas ko pa lang ng condominium ay busina na ng mga jeep at taxi ang sumalubong sa akin. Bawat hinga ko ay nalalanghap ko ang polusyon. Habang papalapit sa ABEV building ay palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko. Ramdam ko na rin ang panlalamig ng aking kamay. I blew a breath before walking myself with confidence when I reached the employee's entrance. "Good morning po," bati ko sa guard. Maliit na ngumiting pabalik ang lalaki sa akin. "Ikaw si Miss Keira Ma'am, iyong bagong secretary ni Sir?" "Opo." "Welcome, Ma'am, sana tumagal ka, este sana mag-enjoy ka po sa trabaho." I know that he was mocking me kaya napalis ang masayang ngiti ko, instead, I shot him a disappointed smile before proceeding at the digital time machine. I tapped my id on it and made my way to the hr. Wala akong panahong magpaapekto sa negatibong sasabihin ng ibang tao ngayong araw. Gaya ng bilin ni Sir Avery ay sa hr muna ako dumiretso dahil may ibibigay daw sa akin. Naabutan ko roon si Miss Cindy. "Good morning, Miss Cindy," bati ko sa ginang. Kahit paano ay naka-chat ko na rin siya sa messenger dahil siya iyong napagtatanungan ko kapag hindi ko maintindihan iyong binigay sa akin ni Sir Avery na files. Siya kasi iyong unang-unang naging secretary ng mga Villaroel bago pa siya naging HR Manager. "Oh, hi, Keira, good morning. Welcome to ABEV Royals, finally ay narito ka na," masayang sambit ng ginang. Her smile was like a ray of sunshine. Iyong ngiti niya ay nakakahawa. "Thank you, Ma'am. Salamat nga rin po pala sa pagtulong sa akin." "No worries, Iha. Anyway, this will be quick dahil alam kong excited ka nang magtrabaho. I just need you to sign this receiving copy. But you need to count the money first before signing kung tama ang amount." Miss Cindy handed me a white envelope na pinagtaka ko. Tinanggap ko iyon at binuksan, laking gulat ko nang may laman iyong ten-thousand four-hundred-fifty pesos. "M-ma'am? Ano po ito?" Taka kong tanong. "Your salary. 'Di ba naka-work from home ka na for ten days? So tama naman ang bilang?" Okay, that was surprising. Parang tanga siguro na dahilan pero gusto ko talagang maiyak. Hindi naman kasi ako aware na kasama na sa cut off iyong pag-aaral ko about sa company at mga taong kailangan kong makilala sa mundo ni Sir Avery. Paulit-ulit akong nagpasalamat kay Miss Cindy. She also accompanied me on the way to my office. As the CEO's secretary ay may sarili kaming opisina, it was the same room with Sir Avery na may partition na glass. Makakasama ko rin iyong pinaka-secretary niya talaga. Wala pa si Sir Avery kaya inayos ko muna iyong mga gamit ko. Hindi ko mapigilang mangiti habang ginagala ang paningin. The ambiance of my office was so warm and relaxing. "Ikaw ba si Keira Jomarie?" "Yes, Ma'am," magalang kong sagot. I looked at her id lace and it shows that she was also an employee here kaya nginitian ko pa siya lalo kahit na parang gusto niya akong sapakin. "Iyon iyong chair and table mo." Turo niya sa kabila. "That is mine." My eyes widened in shame, agad kong nilipat iyong mga gamit ko. Hindi naman kasi halatang okupado dahil napaka-bare tingnan ng table. Mas maganda iyong tinuro niyang lugar ko. "S-sorry po," hinging paumanhin ko. Isa-isa kong nilapag ang mga gamit ko sa lamesa. Huli kong inayos ay iyong laptop ko. Nakikiramdam ako habang nakaupo. Mukhang pinaglihi rin yata ito sa sama ng loob gaya ng boss namin. "Ganda ng laptop, ah. Anak mayaman ka ba?" Bigla niyang sambit na kinagulat ko. "Uh, hindi po. Sa company ito, pinagamit lang ni Sir Avery," sagot ko bago binalik muli ang mga mata sa screen. I was currently checking emails. "Are you one of her w***e?" Doon ako natigilan sa pagtitipa. Tama ba iyong narinig ko? "Come again?" I asked, restraining myself to burst out. Tumayo ako. "What made you think that I am one of her w***e?" Kusa nang tumaas ang kilay ko dahil naiimbyerna na ako sa babaeng kaharap ko. Hindi agad siya nakasagot. Imbis ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa saka tumawa at hindi na nagsalita pa. Nangangapal iyong batok ko sa galit. Ang dibdib kong malakas ang t***k ay dinig na dinig ko. Alam ko naman na dapat akong makisama, dahil siya iyong nauna. Pero kung ganitong unang araw ko pa lang ay iniinsulto na niya ako ay ibang usapan na 'yon. I stood up and walked closer to her table. "I will ask you again," nagtitimpi kong ani. "What made you think that I am one of her w***e?" Ngunit ganoon ulit ang ginawa niya, tinawanan lang ako. Sa galit ay hinawi ko ang mga papel na nasa table niya dahilan nang pagkalat ng mga 'yon. "Kinakausap kita!" taas boses kong salita. Ngunit bago pa siya makasagot ay nagbukas na ang pinto ng opisina. Sir Avery was in his three-piece suit. He was dashing but as much as I wanted to compliment his gorgeous look today ay wala na ako sa mood. Kaya tinanong ko na lang siya. "Good morning, Sir. Your other secretary here was assuming that I am one of your whore." "I-I didn't, Sir!" Taranta niyang tanggol sa sarili. "You're a liar!" bulyaw niya naman sa akin. "Shut up!" I shot back at the b***h. Ang gagang ito, gagawin pa akong sinungaling. I gazed back at Sir Avery and asked him again. "Do you mind telling me, Sir, why she thought of that?" At doon nag-umpisang manlisik ang mga mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD