"I-I'm sorry for the inconvenience, Misis Mijarez. I think we better get going," ani Avery.
I pouted at him, creasing my brows. Hindi niya ba narinig ang sinabi ko? Ganoon na lang 'yon? First kiss ko siya kaya dapat overwhelmed siya. He should be proud!
"Sure, so deal?" Misis Mijarez asked Avery.
"Deal!" I was the one who answered cheerfully with a thumbs up before I felt my body floating in the air. "Hey put me down!" Bigla na lang akong binuhat ni Avery na parang sako ng bigas. I smiled and rested my upside-down chin on his back. Tinapik-tapik ko pa 'yon. "Wow, ang tigas. Nag-ji-gym ka, Sir, 'no? I also slapped her butt na dahilan nang pag-igtad niya. Napahagikhik ako.
"Stop it, Keira!" He hissed at me.
"What an ass," I muttered in amazement. Gusto ko rin ng ganoong pwet, matambok.
Pabagsak niya akong inupo sa may passenger seat. He reached for the seat belt on the other side which made him lean closer to me. My eyes widened.
"You will not drink again, ever," he murmured on my lips, looking intently at it.
His eyes were batting at a luscious stare. Hahalikan niya ba ulit ako? Pero mali ang akala ko.
Ngiwi ang gumuhit sa aking labi nang maramdam ang pagsara ng lock ng belt. Itutulis ko na sana iyong nguso ko dahil akala ko ay may second kiss na kami, na aware siya.
Umaandar na ang sasakyan nang mag-umpisa akong makaramdam ng hapdi ng sikmura. Lumingon ako kay Sir Avery.
"Sir," paungol kong tawag sa kanya, "...may timba ka ba riyan?" Ramdam ko na ang ginaw at malamig kong pawis. Pakiramdam ko ay inaalog nang malakas ang aking ulo.
"Dito ka talaga naghanap ng timba? Anong gagawin mo sa timba?"
Nakapikit ako kaya hindi ko nakikita iyong mukha niya. Pakiwari ko'y yamot na naman ito sa akin base sa boses.
"Ah, ganun ba?" I sighed, shutting my eyes tightly. "Sige, 'di dito na lang ako susuka..."
Minsan talaga, dapat hindi masyadong nagtitiwala sa tamis na hatid ng ligaya...ng wine. Nasapo ko ang noo ko nang maalala ang mga kagagahan ko kagabi. Sabi ko na at hindi ako mapagkakatiwalaan kapag lasing. Iyong huling beses akong nalasing ay naibunyag ko sa isa kong kaklase na nakita kong magkahalikan iyong boyfriend niya at bestfriend niya. Laking gulat ko kinabukasan pagpasok na agang-aga ay may sabunutan, kasalanan ko pala. Iyon ang unang beses na nadamay ako sa gulo at napatawag pa si Tatay sa guidance office. Galit na galit siya noon sa akin at huwag na raw akong iinom muli.
Nakakahiya ka Keira, sa harap pa talaga ni Misis Mijarez ka nagkalat!
Speaking of the woman. I remember how nice she was. Buti na lang at siya iyong kaharap ko hindi basta feeling entitled na VIP. Napaka-down to earth ng ginang na iyon.
Hindi ko rin matandaan kung paano akong nakapasok sa loob ng bahay at nakarating ng silid ko na hindi namamalayan ni Tatay dahil tulog na raw siya nang ako'y dumating.
Handa na ang kape ko nang ako'y bumangon. Naghahain na si Tatay ng almusal nang lumabas ako.
"Ayos ka lang ba, Anak? Masakit ba ang ulo mo?" Tanong ni Tatay na may pag-aalala, hinipo niya pa 'yong noo ko. "Hindi ka naman mainit," dagdag niya pa. Hinihilot ko kasi ang aking ulo. Inangat ko ng tingin si Tatay.
"Opo, 'Tay medyo marami..." Natigilan ako. Hindi ko pwedeng sabihing nakainom ako at nalasing. Baka kung ano ang isipin niya kay Sir Avery. "...marami hong numero roon sa meeting kagabi. Ganoon pala 'Tay, 'no kapag may negosyo? Sakit sa brain cells. Daming pera, at kung anu-ano pang pagkakakitaan. Sana all." Palusot ko na lang.
"Ay, oo, Anak. Ang mga mayayamang negosyante ay pulos numero ang nasa utak niyan. Hindi lang para mapalago ang negosyo nila ngunit para na rin sa mga taong umaasa at naghahanapbuhay sa kanilang kompanya."
Matapos ang almusal ay nakatanggap ako ng email mula kay Sir Avery. Sabi niya ay magpapadala siya ng laptop para may magamit ako dahil kailangan ko nang mag-umpisang aralin ang structures ng board members, shareholders, at investors. Sila kasi iyong lagi kong ma-e-encounter sa mga meetings ni Sir Avery. May company phone rin at may naka-linyang load na pwedeng i-share ang internet. Iba talaga ang ABEV.
Kinabahan pa nga ako dahil akala ko ay pupunta na naman ai Sir sa bahay. Salamat at iyong driver niya ang nagdala ng laptop.
"Busy ka na agad hindi pa nga tayo nagsisimula magtrabaho," sambit ni Kate na hindi ko namalayang nasa kwarto ko na pala. "Ano ba 'yan? Tingin nga," aniya sabay usyoso sa binabasa ko. Umusod ako ng upo at pinakita sa kanya iyong mga information sa screen. "Ay, ang dami, busy pala ako." Napailing na lang ako. Sa huli ay pinili na lang niya ang mag-cellphone dahil nakakalula raw sa rami.
Mabilis na lumipas ang linggo. Tapos ko na lahat ang requirements at nakakuha na rin ako ng modules. Unti-unti na akong kinakain ng lungkot dahil bukas ay luluwas na kami ng Manila.
"Oh, heto ang mga lampin panapin ng likod mo... Oh, bakit ka umiiyak?" sambit ni Tatay. Iyong kaninang hikbi ay tuluyan nang naging hagulhol, narinig ko lang ang boses niya. Sumiksik agad ako sa tiyan ni Tatay, nakatayo siya habang ako naman ay nakaupo sa kama ko at nag-e-empake na.
"Ma-mimiss po kita, Tatay. Pwede bang sumama ka na lang doon?"
Tipid na natawa siya. "Ikaw naman, hindi pwedeng ganoon, Anak. Lakasan mo ang loob mo. Kaya mo 'yan, Keira. Pero kung hindi talaga, eh 'di umuwi ka rito kay Tatay. Pagsisikapan ni Tatay na makatapos ka."
Lalo lang akong nalungkot sa sinabi niya. That was tempting para hindi na kami magkahiwalay pero ayoko rin naman na pasanin niya ang lahat. I'm a big girl at graduating na nga. Kailangan ko nang masanay sa totoong hamon ng buhay sa labas ng eskwelahan. Kumbaga mapapaaga lang.
"Mahal kita, Tatay. Huwag matigas ang ulo mo rito. Lagi kitang tatawagan."
Pinantayan ako ni Tatay. Tiningnan niya ako ng puno ng pagmamahal habang lumuluha. "Mahal din kita, Anak. Ikaw naman eh, hindi mangingibang bansa. Ikaw talaga. Huwag kang mag-alala, 'di ba nga sabi mo kapag nakabawi ka na ay kukuha ka rin ng sarili mong apartment?"
Tumango ako bilang sagot and then he wiped my tears using his thumb. It was callous and hard but I always love my father's fingers. Tanda iyon ng pagsasakripisyo niya sa akin magkaroon lang ako nang maayos na buhay.
Iyon ang balak ko dahil nga gusto ko ay naroon siya kahit tatlong beses sa isang linggo. Nakakahiya naman kasi kung doon na talaga ako titira sa condo nila Kate. "Ako'y paparoon agad kapag nakalipat ka na." Muli kong niyakap si Tatay. The words he said motivated me to work harder. Pagbubutihan ko para makapunta siya agad doon at para magkasama na kami ulit palagi. Mag-mo-mall kami at ibibili ko siya ng bagong kamiseta.
Si Tatay na iyong nagtapos maglikom ng mga damit ko sa bag. Tamad na tamad kasi talaga ako dahil sa lungkot. Namalayan ko na lang na tulog na ako. Hiniling ko na tabi kami matulog kaya pinagdikit niya iyong kama namin. Nakayakap ako sa kanya kahit hindi na naman siya naligo. Amoy lupa na lang siya lagi. Lalo na siguro kapag umalis ako. I made a mental note to always remind him to take a bath sa tuwing tatawag ako.
Maaga naman ako nagising kinabukasan dahil gusto kong masulit ang natitirang kaunting oras na kasama ko si Tatay bago lumuwas. Gaya ng araw-araw ay pinagluto niya ako ng almusal at pinagtimpla ng kape. Sinangag, pritong palaka, at itlog ang almusal namin.
Pagsapit ng ala sais ay nakabihis na ako. Umupo lang muna ako sa monoblock na nasa may pinto habang nagku-kwentuhan kami ni Tatay nang biglang may hindi pamilyar na sasakyan na huminto sa tapat ng bahay.
"Kay Doc Junnie ba 'yan, Anak? Abay kagwapo ng sasakyan, ang gara, ah," manghang tanong ng aking ama.
"Hindi po siguro, 'Tay," sagot ko, nakakunot ang noo. Hindi ako tuminag at nakaupo pa rin doon hanggang sa may bumabang pamilyar na bulto ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko. Ngayon lang ulit kami magkikita pagkatapos ng kahihiyang ginawa ko.
"Good morning ho, Sir," nakangiting bati ni Tatay.
"Magandang umaga po," bati niya pabalik kay Tatay bago dumako sa akin ang tingin. "Keira..."
"G-goodmorning, Sir Avery. Saan po ang punta ninyo?" I swallowed the lump in my throat. Ang bilis din ng t***k ng puso ko dahil sa kaba. "Kape po?" Alok ko.
"No, thanks." Muli siyang tumingin kay Tatay. "Nandito po ako para isabay na si Keira kung ayos lang po. Galing po kasi ako ng kabilang baranggay, may balak pong bumili sana ng lupa rito."
Napakunot ang noo ko. Ganito talaga kaaga?
"Uh..." Tumingin sa akin si Tatay. "Ayos lang naman ho, Sir."
Gusto kong ihilamos iyong kamay ko sa sinabi niya.
"Tatay, nakakahiya naman. Saka okay na ako kina Kuya Junnie sumabay."
"Eh, nakakahiya naman, sinadya ka pa rito," bulong ni Tatay. "Mauunawaan ka naman ni Kate at Doc Junnie."
Napakamot ako ng ulo. Hindi ako makapagdesisyon nang maayos. Parang gusto ko na lang maging damo. Hindi ko kayang makasama siya ngayon sa isang lugar. Nakakahiya!
"S-sir, pasensiya na po. May..."
"Bes, halika na!" Lumipad ang paningin ko sa pinanggalingan ng tinig. It was Kate. "Oh..." she murmured, giving me a playful smile. Nakadungaw siya sa bintana ng kotse at dumako ang tingin sa lalaking nasa tabi ng magarang kotse. Si Kuya Junnie ay nakangiti rin habang dahan-dahan na tinanggal ang kanyang shades.
"Magandang umaga, Boss," Kuya Junnie greeted Avery. My boss just nodded at him with a timid smile.
Lalapit na sana ako magkapati, ngunit hindi pa ako nakaka-dalawang hakbang ay nabitbit na ni Sir Avery iyong dalawang bag ko. Napaliko tuloy ako papunta sa kanya.
"S-sir, ano, una ko na po kasing nakausap sina Kuya Junnie at Kate na sa kanila ako sasabay."
Pinaningkitan niya ako ng mga mata.
"You will ride with me, Keira," he commanded dangerously.
"But..."
"Or I will tell to your father what happened...that morning" mariin niyang wika. He was smiling but his eyes says other wise.
My eyes widened disbelievingly. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. I heaved a sigh.
Wala akong nagawa kundi tunguhin sina Kuya Junnie at Kate upang sabihin na kay Sir Avery na ako sasabay. Hiningi ko na lang iyong address kay Kuya Junnie.
Sinundan ko ng tingin ang papalayong sasakyan nila Kate saka malalim na napa-buntonghininga. Gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader, may pam-blackmail pa tuloy sa akin ang hudyo.
I composed my self before facing him again. "Magpapaalam lang ako kay Tatay," sabi ko. Nakasandal na siya sa pinto ng kotse, tumango.
Agad kong naramdaman ang pag-iinit ng mga mata nang makita si Tatay na malungkot na nakangiti sa akin. Hanggang sa napahikbi na ako. Niyakap ko siya nang mahigpit, umiiyak na rin.
"Tatay, iyong mga gamot mo, inayos ko na. Nabili ko na iyong pang-dalawang linggo. Tapos nangutang ako kay Kate ng panlaman sa ref para hindi ka magutom."
Alam kong hindi siya sasangayon doon pero nanatili lang siyang nakayakap sa akin. Siniguro ko lang naman na hindi siya magugutom at may mga gamot siya bago ako umalis. Hindi kasi ako sigurado kung makakauwi ba ako agad sa day off ko.
Humiwalay ako sa kanya, sabay bunot sa bulsa noong cellphone ko then I handed it to him. "Tatay, eto ang cellphone. Gagamitin mo 'yan kapag tatawag ako." May kasama rin iyong papel ng mga pipindutin niya kapag tatawag ako, kumpleto ang instructions noon mula sa messages at call.
Lito niyang tiningan ang cellphone, ayaw pang tanggapin. "Pero, paano ka?"
"Pinahiram ako ni Kate ng spare phone niya, 'Tay" paliwanag ko, nakangiti. "Nariyan sa papel ang mga pipindutin mo. Hindi ko na napaliwanag sa'yo paano gamitin kagabi kasi..." Muli akong napahikbi. "Ayokong pag-usapan iyong pag-alis ko. Tatay..." Kinabig ko siya nang yakap tapos ay paulit-ulit na hinalikan sa mukha. His wrinkles were very obvious. Matanda na talaga siya at bakas ang hirap sa buhay. Sisiguruhin kong magtatagumpay ako.
"Salamat, Anak. Mag-iingat ka roon."