Chapter 7: Kiss

2143 Words
Pagdating ng bahay ay naglinis agad ako at nagkwentuhan kami ni Tatay para mabawasan naman iyong lungkot niya. Nang sumapit ang alas dose ay dumating sina Doctora Gwen at binigyan ng tulong si Tatay na pera. "Naku, salamat, Ma'am, hindi ko po tatanggihan at talagang ubos na ubos ho ako ngayon," ani Tatay sa magandang doktora matapos abutin ang puting sobre. Magaan na ngumiti si Doc Gwen sa amin. Si Kate naman ay inabot ang aking kamay at marahang pinisil iyon. We smiled at each other. "Wala 'yon, 'Tay, pamilya ho tayo. At saka iyong pampawid ninyo, sagot na raw ni Junnie." Kumindat pa si Doc sa amin. Muling nagpasalamat si Tatay. Napakabuti talaga ni Lord. "Salamat po, Tita Gwen," naiiyak kong wika. Niyakap ko siya nang mahigpit. I felt her lips on top of my head. Mahigpit na yakap din ang ginanti niya sa akin. "Wala iyon, anak. Basta huwag mahihiyang lumapit sa amin, ha? Sigurado na ba kayo na ayos na iyong kaso?" Bumitiw ako sa kanya bago sumagot. "Opo, Tita, umaandar na po iyong kaso. Huwag na po kayong mag-alala." "Siya sige, mauuna na ako," tumingin siya kay Tatay. "'Tay, huwag na hong mag-isip masyado." Nagpaiwan si Kate sa bahay namin para mangulit. Sinabi ko rin sa kanya iyong dinner meeting para mamayang gabi. Halos mabasag nga ang eardrums ko sa lakas ng tili niya. Tapos, para siyang bulateng inasinan. Napakunot ang noo ko. "Bes, gandahan mo ang damit! Teka, ite-text ko si Ate Nancy na maghanap ng kasya sa'yo." "Kailangan pa ba 'yon? Corporate attire ang isusuot ko. Oa ka naman, hindi naman 'yon date." Kate made a face and got back on her phone. Nailing na lang ako dahil mukhang desidido siya. We planned to take a nap after lunch para raw blooming ako kapag sinundo ako si Sir Avery. Alam ko namang hindi siya magpapatalo kaya hinayaan ko na. Pabor din naman sa akin dahil feeling ko ay na-drain ako roon sa problema ni Tatay. Hindi lang naman kasi siya lang ang mag-iisip noon, dala-dala ko rin iyon dahil mahal ko siya. "Bes, siguro pinaglihi talaga si Sir Avery sa sama ng loob," bigla kong usal habang nakahiga kami. Nakadantay iyong kanang paa niya sa akin habang nagba-browse siya sa cellphone niya. She looked at me, creasing her browse. "Alam mo kasi, kapag mga CEO ganyan talaga. Sa dami siguro ng iniisip at trabaho kaya mainitin ang ulo." Well, may point naman. Binalik ko ang tingin sa kisame. "Teka, bakit nga pala si Sir Avery ang tumulong sa inyo. Paano niyang nalaman?" Doon ako hindi agad nakapagsalita. Unti-unti kong nilipat sa kanya ng tingin. Matagal na nag-lock iyong tingin niya sa akin bago niya ako sinabunutan. "Dito siya natulog? Oh, my gosh, ang landi mo!" Mariin niyang asik sa akin. I pouted and rolled my eyes heavenwards. "Malandi talaga? Hindi pwedeng kasi lasing siya?" "Hala, hindi ka na virgin?!" Muntik na akong mahulog sa sahig dahil sa pagiging exagerated niya. Medyo malakas iyong tulak niya. "Hindi, ano ka ba?!" Bigla siyang napaupo at binigyan ako ng nanghuhusgang tingin. Napatawa ako. Maya-maya ay nagtubig na ang mga mata niya. "Hoy!" sabi ko, natatawa na talaga. "Hindi pa ako mag-aasawa!" Bumangon ako at kinabig siya ng yakap. Umiiyak na siya. Mula noon hanggang ngayon ay lagi kaming sabay na nangangarap ni Kate. We're not against premarital s*x and relationships, sa katanuyan nga ay suportado naman namin ang isa't-isa. Pero hanggat maari ay usapan namin na ibibigay lang namin ang sarili sa aming mapapangasawa. Sabi pa niya noon, kung hindi mag-workout sa lalaking pagbibigyan niya ay mag-aampon na lang siya ng anak. "Sa kwarto ko siya natulog..." "Oh, tingnan mo, hindi ka nga virgin. Mag-aasawa ka na agad eh, hindi pa tayo graduate, hindi pa tayo nagta-trabaho. Wala na akong kasamang magwalwal!" Hindi ko na napigilan ang mapahalakhak. "Mangyayari iyon, Bes. Ikaw naman. Saka intact pa 'tong hymen ko 'no. Sa kwarto naman ako ni Tatay natulog kagabi. Papayag ba naman ang Tatay na ganoon? Ikaw talaga." "Promise 'yan?" Tanong siya, nakalabi pa rin. "Oo nga." I nodded, wiggling my brows "Ang drama naman nito, tara na nga, matulog na tayo." Kahit paano ay napayapa ang aking isip nang umidlip. Si Tatay ay medyo maayos na rin. Paggising ay nagluto ako ng banana cue para sa miryenda namin. Habang nagtitimpla ng kape si Kate ay siyang dating ni Ate Nancy. May dala itong paper bag na malaki na siyang bilin ni Kate. Talagang hindi nagpaawat ang best friend ko. Alas singko pasado ay tapos na akong maligo. Si Tatay ay maagang nagluto ng hapunan para maaga akong makakain. Sigurado kasing hindi ako makakakain nang maayos dahil unang beses ko sa isang dinner meeting. Kinakabahan na nga ako. "Lika na, ayusan na kita," ani Kate nang matapos akong magsipilyo. Tumango ako at umupo sa harap ng salamin. She fixed my hair in a high bun and put some cuticle coat on may baby hairs. Siya na rin iyong naglabas ng mga damit sa paper bag. I was amazed when I saw how beautiful it was. For my top was a simple spaghetti blouse, parang satin iyong tela niya kaya mukhang formal. May kasama rin iyong long coat na rust color and a simple trouser pants. "Ganda, bagay sa'yo. Mukha kang girlfriend ng CEO hindi secretary." She giggled at her remark. Ako na iyong nag-ayos ng mukha ko. I just put lip and cheek tint and a pressed powder on my face. Si Kate iyong nag-ayos ng kilay ko para kilay-goals daw. "Bes, nand'yan na si Sir!" Malakas na sabi ni Keira na nasa may pinto ng aking silid. Nakaramdam ako ng pagkataranta. Sinipat ko ang orasan, isang oras pa bago ang alas siete, napaaga yata si Sir. "Mukhang excited yata sa date niyo si Sir Avery, ang aga, eh." Pinandilatan ko ng mga mata si Kate dahil sa katabilan ng kanyang dila. Agad akong tumayo at lumabas ng silid. A musky sexy scent immediately lingered on my nose. Natigilan ako nang makita si Sir Avery na nakaupo sa kawayan naming upuan. His fingers were tapping at his lap. Our eyes automatically locked, his gaze was intent and dangerous. Nevertheless, he was still gorgeous. "G-good evening po," sabi ko, sabay tungo nang bahagya. Tipid na tumango lang ang huli at saka tumayo na. "Mauna na po kami, Mang Apen," aniya kay Tatay. Sa klase ay mukhang kanina pa sila magkausap. Ako naman ay nagmano kay Tatay at hinalikan siya sa pisngi. "Mag-iingat ka roon, at huwag kang kakain nang marami. Ang lakas mo pa namang kumain ng kanin," natatawang bulong ni Tatay. Napasimangot ako ngunit kalaunan ay natawa na rin. I waved goodbye at Kate bago ako sumakay sa kotse ni Sir Avery. Maigi naman at nakakapagbiro na ulit si Tatay. Mula nang sumakay kami ng kotse ni Sir Avery ay wala akong narinig na kahit anong salita mula sa kanya. Panaka-naka akong napapalingon sa kanya. Hindi ba talaga siya magsasalita? "Sir," tawag ko sa kanya, kinakabahan. "Nag-dinner na po ba kayo?" I asked, aiming for a conversion. "It's a dinner meeting, Keira." Natameme ako, alam ko naman 'yon. "Hindi ka nag-miryenda?" He quickly glared at me then back at the road again. "I'm good." I didn't try to make a conversation again because obviously, he hates talking. O baka sa akin lang? I heaved a sigh and just focus on the road. Kakatuwa na hindi man lang ako nahilo sa byahe. Ayaw na ayaw ko pa namang sumasakay sa aircon na sasakyan. Siguro dahil medyo mataas ang upuan, preventing my back to slouch and sitting improperly. Sabi kasi nila nakakadagdag ng hilo iyong hindi maayos na upo. Eh, hindi ko naman maiwasan dahil nga hindi maganda ang pakiramdam ko. Isang fine dining restaurant iyong lugar at private function room ang naka-book na table. Bigla tuloy akong napatingin sa damit ko, contemplating if I was wearing appropriate clothes. Mukha namang maayos kaya naging confident na rin ako. The receptionist accompanied us thoroughly on our way to the private room. Makikitang alerto ang lahat, sino ba namang hindi kung multi-billionaire ang kasama ko? Avery Blake was the youngest amongst the hotelier in the country at ang ABEV ang pinakasikat sa lahat. Pagpasok namin sa room ay nadagdagan ang paghanga ko. It has its own wine cellar, a butler, and a bar. Isang magandang babae ang sumalubong sa amin. I know her because she is the owner of the famous coffee shop in the country. We exchanged pleasantries before sitting down. Gaya ng bilin ni Tatay ay kaunti lang ang kinain ko. Ang lungkot lang dahil ang ka-partner noong steak ay mashed potato. Kapag talaga dukha ka kanin ang unang hahanapin sa lapag. Hindi bale na, kakain na lang ako ulit mamaya kapag uwi. Siguradong may pangli pa sa bahay, panglimang init ng menudo. Masarap iyon sa bahaw. Wine was great, too. It has a bittersweet taste that will bring warmth inside you. Tamang-tama sa malamig na panahon. Ang sarap niyang laklakin kaya sunod-sunod iyong inom ko. Wala akong tiwala sa sarili ko kapag nalalasing, pero wine naman ito kaya keri lang siguro. The meeting was all about numbers, sales, and marketing. Medyo nakakalula iyong mga numero. I jot down notes about the minutes of the meeting. Misis Mijarez wants to put up a merchandise store at ABEV and market her coffee products in the outlet coffee shop, too. Mabait kausap ang ginang at magiliw. Hindi ako na-bore at natanggal din ang ilang at kaba nang magtagal. "I really thought that you guys were a couple earlier when you arrived. You look good together," biglang sambit ng ginang na kinaangat ng aking tingin. Alanganin akong natawa. "I don't do girlfriend, Ma'am, too busy for that." Avery chuckled after. "Oh no, don't say that. Mahirap tumanda nang mag-isa. Don't worry, I'll introduce you to my daughter some other time." Natawa si Sir Avery sa sinabi ng kausap. Halatang may tama na ito dahil namumula na. Halos maubos na kasi nila iyong wine. He wiped his lips before talking again. "Sure, a dinner would be fine." Damn those lips. My traitor eyes keeps on glancing at it. Naalala ko kasi na naman iyong first kiss ko, not intentionally though. Pero touch move na iyon. Wala nang bawian, tapon susi. "Baka matunaw." Napatingin ako sa pinanggalingan ng tinig. Isang mabining halakhak ang narinig ko mula kay Misis Mijarez. Saka ko lang napansin na nakatulala pa rin ako roon sa lugar kung saan nakaupo si Avery. I was too engrossed with my thoughts about his lips that I didn't notice that he wasn't beside me anymore. Inilibot ko ang paningin bago nahihiyang tiningnang muli ang magandang ginang. "May sinagot lang na tawag kaya lumabas," aniya. Tumango ako. "S-sorry po, ang gwapo po kasi," tapat kong wika, napahagikhik ako. I took a sip on my wine glass again. "Ang ganda niyo po," dagdag ko pang sabi. Ayoko naman kasing makipag-meddle sa usapan nang narito si Sir Avery. Kanina ko pa gustong sabihin iyon kay Misis Mijarez. She really is beautiful. "You know what? I like you." The woman chuckled and lifted her glass for a tose. "Matagal ka na bang secretary ni Mister Villaroel?" "Bale parang first-day ko ngayon, Ma'am, ay first-night pala. I'm an ojt po." "Oh, wow, really? You look like a professional and you have enough knowledge on marketing na agad, huh? Impressive." "Maliit na bagay, Ma'am," nahihiya kong ani. "Pero totoo pong pakikilala niyo si Sir sa anak niyo?" Ang daldal ko na yata. Pero feeling ko naman sakto lang. Hanggat wala akong sikretong binubunyag ay okay pa ako. Tuloy lang iyong pag-inom ko ng wine. Hindi agad siya nakasagot. Isang aliw na ngiti ang lumabas sa mapupula niyang mga labi. "Hmm. Pwede namang hindi na kasi nand'yan ka naman na." Oh my, I love this woman. "Tama ka riyan, Ma'am, aalagaan ko si Sir Avery. Promise. Kahit na laging masungit 'yan, naku alam niyo ba, magkatabi kaming natulog kaninang madaling araw." Winasiwas ko pa iyong mga kamay ko habang aliw na nagku-kwento. Okay talaga 'tong si Misis Mijares. Makapangutang nga ng kape mamaya bago kami umuwi. "What?" 'Di niya makapaniwalang usal. "Opo, pero niyakap niya lang naman ako saka nag-kiss kami. Siya nga po iyong first kiss ko." Nilagyan ko ulit ng wine iyong baso ko. Shot puno talaga sabay lagok. Pwede naman pa lang matamis ang alak, bakit laging mapait iyong pinatikim sa amin noong bartending subject namin. I saw her lips formed an "o" while her eyes were twinkling with amazement. Dadagdagan ko pa sana iyong kwento ko kung paano kami nag-kiss pero may sumabat na baritonong boses. "First kiss? Who is your first kiss?" Boses ni Sir Avery 'yon. I looked up to him and answered. "Ikaw, Sir. Nag-kiss tayo pero 'di ka lang aware," sagot ko sabay dighay nang malakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD