Nagising ako kinabukasan na may matigas na bagay na nakapulupot sa aking baywang. Nanatili lang akong nakapikit habang tinatanggal ko iyon. Huli ko nang napagtanto na mainit na braso iyon, matigas, at lalong hinapit ang aking katawan. Amoy alak. Napasok ba kami ng mga tambay na lasing kagabi? Diyos ko!
Kinapa ko ang higaan ni Tatay, wala na siya roon kaya lalo akong ninerbyos.
Unti-unti akong nagmulat ng mga mata. Sinikap kong kumalma kahit sa totoo lang ay dinadaga na ang aking dibdib sa kaba. Alam kong hindi ito si Tatay. Masyadong mabigat ang kanyang braso at matigas.
Dahan-dahan kong inangat ang kabigatan niya. Kung sino man siyang damuho siya ay humanda siya pagharap ko. Ngunit bigo akong nagawa ang pakay. Wala pinagapang ko nang kaunti ang kamay patungo sa ilalim ng higaan ni Tatay. Makisig kong binunot ang itak niya sa maliit na kahon ng biskwit. Bumilang ako ng tatlo, taas baba ang dibdib, pikit ang mata ay buong lakas kong inalis ang nakapulupot na braso ng lalaki sa aking katawan.
"Walanghiya ka, sino..."
Halos lumuwa ang mga mata ko sa pagkagulat nang may dumapong mainit na bagay sa aking labi. It was Sir Avery's lips. I immediately pulled away myself from him. Bakit naman kailangan tulog iyong first kiss ko?! Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. Wala siyang kagalaw-galaw at mahimbing na natutulog.
Diyos ko. Nakakahiya! Minolestiya ko na ba siya no'n? Sorry, Lord.
I found myself looking at him intently. Ang gwapo niya talaga tapos parang hindi siya monster CEO kapag tulog. Napangiwi ako nang dumako ang mga mata ko sa balisong na hawak. Taranta kong binalik iyon sa kahon.
Inikot ko ang paningin, tama naman ang silid. Silid ito ni Tatay. Bakit napadpad dito ang lalaking ito?
Gaya ng inaasahan ay wala na si Tatay nang ako ay lumabas ng kwarto. Maaga iyong gumigising dahil magpapatubig sa bukid o kaya magtatabas sa kabilang pilapil.
Nagdalawang isip pa ako kung gigisingin ko na ba iyong boss ko o hindi dahil mukhang nasa kasarapan siya ng himbing. Ngunit sa huli ay nagwagi ang nais na gisingin na lang siya dahil baka magarote siya ni Tatay. Natulog si Tatay na naroon sa silid ko, ngayo'y bakit naman kasi nasa kwarto na siya ni Tatay at nakayakap pa sa akin! Nagkaroon tuloy ako ng first kiss.
"S-sir, gising na po," mahinang sabi ko habang niyuyugyog ang kanyang balikat. "Sir," ulit ko. Hindi natinag ang lalaki kaya nilaksan ko ang boses ko. "Sir, gumising ka na kung ayaw mong mataga nang tulog!"
Nakasimangot na mukha ang sumunod kong nasilayan. Mulat na ang mata niya at nakakunot ang noo, matalim din ang tingin sa akin. Ang himbing siguro ng tulog ng taong 'to noong nagsabog ng kasiyahan sa mundo si Lord.
"What?" May inis sa tinig niyang tanong na nakapagpataas ng aking kilay.
"Sir, hindi mo ba nakikita na magkatabi tayo ng higaan? At bakit tayo magkatabi?" I crossed my arms, throwing daggers at him. Hindi naman kasi pwedeng nag-teleport siya. I need an explanation. "Hindi ho ba ay silid ko kayo natutulog?"
Pagkalito ang sumunod na bumalatay sa kanyang mukha. "I don't know, I'm drank last night and, I'm sleepwalking sometimes." Mariin ang kanyang pagtanggi na lalong kinataas ng aking kilay. Malalim na lang akong napabuntonghininga. Sa huli ay napagtanto kong posible naman dahil amoy ko pa nga ang lambanog na ininom nila kagabi. Sleep walking? May ganoon ba talaga?
Hindi na ako nakipagdiskusyon pa at inaya na lamang siyang kumain.
Tahimik siyang sumunod sa may hapag. Kumuha ako ng tasa na titimplahan ng kanyang kape. "Ano bang gusto mo, Sir? With creamer or without...shirt!" Naputol ang tanong ko nang maharap ko siyang walang kamiseta. "Wala kang damit, bakit?!" naeeskandalo kong tanong. My eyes widened in disbelief. It was a good sight but scandalous. Anim ang pandesal!
Imbis na sumagot ay tiningnan niya lang ako, iritado, tapos ay lumabas siya. Mabilis lang iyon, akala ko nga ay uuwi na. Pagbalik niya ay nakasuot na siya ng puting kamiseta.
Napalunok ako nang maalala ang kaninang nakita. His chiseled abs were sculpted perfectly. Pinilig ako ang ulo sa naiisip.
Siya naman kasi, biglang naghuhubad!
"Black coffee, no cream, with sugar." aniya na ikinapitlag ko. He was towering me, too close. Mariin ang titig niya sa akin na tila ba nang-aakit. Lumayo lang siya nang bigla siyang naghila ng monoblock at umupo roon. Muli akong tumalikod at ginawa na ang kanyang kape.
Dinig na dinig ko iyong mabilis na t***k ng puso ko. Bakit ba ako kinakabahan sa tuwing malapit siya?
Paglingon ko ay agad kong pinatong ang kanyang inumin sa lamesa then he thanked me.
Sabi ni Kate, iyon daw ang dapat kong master-in, ang pagtitimpla ng kape. Kaya naman hinintay ko ang kanyang reaksyon. He carried his cup of coffee carefully and then blew it gently. Napalunok din ako sabay nang paglunok niya ng kape. Ang laking gaan ng dibdib ko nang wala akong marinig na reklamo, mukhang okay naman iyong lasa para sa kanya. Maliit akong napangiti at pinagpatuloy ang paghahain.
Ang ulam namin ay isda na pinrito ni Tatay kanina dahil mainit pa at tirang menudo. Pagkalapag ko ng ulam ay sakto ang pagkulo ng tiyan ko.
"Bakit iniiwan ka ng tatay mo mag-isa sa bahay? I'm a stranger, Keira. Paano kung gawan kita nang masama?" he asked in disdain.
Kusang umakyat ang kamay ko sa ulo at napakamot.
I was caught off guard by his question. May punto naman kasi. Bakit nga ba iniwan ako ng tatay ko kasama ang lalaking ito?
I was about to tell him my excuse ngunit naudlot iyon nang hahangos-hangos na dumating si Tatay. Lulugo-lugo ito, mukhang tuliro. Taranta ko siyang nilapitan.
"'Tay, ayos ka lang ba?" nag-aalala kong tanong. Tumayo ako at mabilis na inalalayan si Tatay paupo dahil parang gusto na niyang mabuwal.
"A-anak, nasunog ang mga bagong tilyar na palay," nanlulumong bigkas niya. Agad na nag-init ang mga mata ko. Ang mga palay na iyon ay ngayon na sana ang hakot ng mga bibili. Pinaghirapan niya iyon mula sa pagaararo gamit ang kalabaw, pagpapatubig na halos ikapuyat niya dahil may oras lamang ang patubig. Mas malakas kasi ang tubig ng madaling araw at nangutang pa para sa abono.
Hindi ko na napigilan ang mahikbi. Niyakap ko si Tatay hanggang sa maiyak na kaming pareho. Nasasaktan ako para sa kanya. Hindi niya dapat naranasan ang ganito dahil matanda na siya. Wala silang puso!
"Tatay, hayaan mo, hihingi tayo ng tulong kina Doktora. May kilala silang mataas sa pulisya..."
"I could help you..." Isang tikhim ang nakapagpahiwalay sa aming mag-ama. "Sorry to meddle. Uh, I know some officials to help you investigate about it."
"Maraming salamat, Sir Avery," wika ni Tatay. Biglang kumunot iyong noo niya na tila ba may inaalala, ngunit kalaunan ay napalis din iyon. "Pasensiya na nga ho pala at hindi ko na kayo naestima sa almusal." Malungkot na ngumiti ang ama ko. My boss just nodded to him.
Wala talaga sa hulog si Tatay kaya hinayaan muna namin siya sa silid upang makapagpahinga. Habang nasa hapag ay hindi talaga mapigil ng luha ko ang tumulo, puno pa ng kanin ang aking bibig, ni hindi ko manguya.
Mukha akong tanga sa harap ng boss ko. Nahinto ang aking pagluha nang may umumang na puting panyo sa gilid ng aking mukha, Sir Avery was holding it.
"Stop crying infront of grace. It doesn't fit your face," he mumbled.
Hindi ko alam kung concern ba siya talaga o inaasar niya lang ako. Umiiyak na nga ako, parang galit pa siya. Tinanggap ko na lang ang panyo at pinunas iyon sa aking mukha. Kapagkuwan ay pinagsalin din niya ako ng tubig sa baso, pero ganoon pa rin, masama pa rin iyong mukha niya. Ininom ko agad iyong tubig at nagpasalamat.
"Pasensiya ka na kung nawala sa hulog si Tatay. Pinagpaguran niya kasi iyon dahil ipambibili niya sana iyong pera sanang mapagbebentahan ng palay ng pawid pandingding sa may teresa namin." Lumingon ako sa labas at sinipat ang dingding sa aming teresa, may mga butas na iyon at tagpi-tagpi na.
"No worries. Naiintindihan ko ang nararamdaman ng tatay mo," mabuti niyang tugon.
"P-pero totoo bang tutulungan mo kami ni Tatay?"
His brows automatically creased with annoyance. I know that face, he was pissed again.
Naniniguro lang naman.
"I hate repeating myself, Keira. You have my word."
"Sabi ko nga po. S-salamat," ani ko na lang sabay tungo sa aking pinggan at pinagpatuloy ang pagkain bago pa siya magalit na naman sa akin.
True to his words, the person he was talking about arrived after an hour. Sumakay kami ni Tatay sa kotse ni Sir Avery papuntang presinto. Tito niya pala iyong hepe ng Region 4, nakakaloka. Agad na umandar ang kaso nang umupo na ang hepe at sinimulan na ang imbestigasyon. May mga leads na kahit paano at nangako ang hepe na malalaman namin sa lalong madaling panahon kung sino ang salarin.
"Salamat po talaga, Sir Avery sa tulong. Kahit paano ho ay gumaan ang loob ko." Tatay offered his hand to my boss and Avery gladly accepted it then they shook hands. Maging kay Hepe ay nagpasalamat din kami. Akbay ako ni Tatay habang kausap namin si Hepe. Paulit-ulit iyong pagyuko niya sa harap ng mga taong tumulong sa amin. Nahahabag pa rin ako sa nangyari kay Tatay.
Ilang sandali pa ay nagpaalaam na kami at naglakad paalayo sa kanilang dalawa dahil may pinaguusapan pa sila.
"Keira, wait," Sir Avery called me. Pareho kaming napalingon ni Tatay. I can't help myself but admire his pretty face. Nasisinagan ng araw ang malalim at madilim niyang mga mata. I realized that the man who had my first kiss was a good catch. Ang swerte ko pala. "Can you wait for me? We need to talk about work." Tumingin siya kay Tatay na tila ba nanghihingi ng permiso, agad na pumayag si Tatay tapos ay nagpaalam at mauuna na raw siyang umuwi.
Umupo muna ako sa bench malapit sa parking at nag-check ng phone ko. Marami na pala akong missed call mula kay Kate. She asked me if we were okay at magsabi lang ako kung kailangan ng tulong. My lips rose in delight as I was reading her heart warming messages. I don't know what to do if Kate wasn't my best friend.
"Hey." Kusang umangat ang tingin ko nang marinig ako ni Sir Avery. Nakalabi siya kaya lalong pumula iyong ibabang bahagi ng kanyang labi. Iyong cellphone ay sinilid ko na sa body bag ko.
"S-sir," sabi ko. Inayos ko iyong salamin ko sabay tayo. Sobrang tangkad niya talaga, natatakpan niya na iyong sinag ng araw kaya hindi na ako nasisilaw. "Ano pong pag-uusapan natin?"
"I need you tonight." His voice was commanding.
"Ho?" My eyes bulged in shock. "S-sir, huwag po." Dumako ang mga kamay ko patakip sa aking dibdib.
"W-what?" May inis na rumehistro sa mukha niya. Siya pa ang galit talaga? "We were going at Tagaytay later, 7pm. I need you there dahil may dinner meeting sa Splendido. I'll drop you off here after before I go back to Manila."
"Ah." Akala ko naman. Maluwag akong nakahinga. Hindi ko rin alam kung ngingiti ako o mangingiwi. Epekto yata ito ng first kiss ko na hindi siya aware. "S-sige po, Sir. Doon sa may Velamart niyo na lang po ako daanan." Tinuro ko iyong lugar na sinasabi ko na tanaw lang namin. Tiningnan niya iyon ngunit agad ding binalik sa akin.
"No. I'll fetch you." Tumango ako bilang pagsangayon. Ayos 'yon, hindi na ako mamamasahe papuntang bayan.
"Salamat, Sir. Bale mauna na po ako, magkita na lang po tayo mamaya."
Tipid siyang tumango bago tumalikod, nag-umpisa na rin akong maglakad. Ngunit bago pa ako tuluyang makalayo ay muli niya akong tinawag.
"Keira." I turned to face him.
"Po?"
"Your coffee sucks," he said before stepping inside his car. Ang lakas ng pagkakasabi niya dahil medyo malayo na ako. Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang tingin ng ilang tao roon. Parang gusto ko na lang magpakain sa mga germs.